bc

Crash and Burn (Dare You to Move #1)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
4.8K
READ
dark
dominant
badboy
kinky
drama
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
abuse
twink
like
intro-logo
Blurb

Beguiled. That's Lukas Fortaleja. Kahit anong pilit niya sa sarili, hindi niya maalis ang matinding pagnanasa kay Keaton. There was something about his bandmate that triggers a vexing l*st.

And being a Fortaleja, controversy is something he must stay away from.

Kaso, tinamaan ng magaling! Ambisyoso ang leader nila. And he would do whatever it takes para higit pang umingay ang pangalan ng grupo nila -- including manipulating his members.

And Lukas was the most unfortunate victim. He was tasked to do some queerbaiting skinship with Keaton.

Pero unfortunate nga ba? Gayong habang napapalapit ang loob niya rito ay tila ba unti-unting nawawala ang pasanin niya sa buhay? With Keaton by his side, pakiramdam niya, kaya niyang harapin ang lahat ng takot niya sa buhay.

Including his own family.

In this sexily dangerous game called love, would you dare to move?

-

DARE YOU TO MOVE #1

Lukas and Keaton's story

LGBT+ Writing Contest Entry - Filipino

WARNING: Contains a lot of vulgar words and explicit topics such as s*xual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Oh my God!” hindi maiwasang bulalas ni Keaton matapos lumabas ang ranking ng mga contestant for the vocalist category. Siya ang nanguna roon. Hinarap niya ang katabing si Ciel. “OMG, Ciel. Nanalo tayo pareho!” Samantalang natulala naman ang matangkad, maputi at may mapupungay na mga matang lalaki. Nang sinalubong nito ang tingin niya, nakaawang pa ang labi nito. “Ako ang third place?” hindi makapaniwalang anito. Tumingkayad si Keaton saka pinitik ang noo ito. “Gage, oo nga! Pareho tayong panalo.” “Oh, s**t,” usal nito. “Nanalo ako? Nanalo talaga ako?” “Oo nga! Ang tigas ng kulit, ha?” Inirapan niya ito pero mabilis ding nginisian. “We won, Ciel. We’ll debut on the same group.” Noon lang sumilay ang ngiti sa labi ni Ciel saka siya nito niyapos. “s**t, nanalo rin ako!” Suminghot pa ito pagkatapos para pigilan ang pag-iyak. Marahas nilamas ni Keaton ang likod ng batok nito. Both of them joined a survival gameshow called Starquest. Layunin ng nasabing palabas na makahanap ng mga miyembro para sa bubuuing “ultimate P-Pop idol group”. May tatlong category: vocalist, dancer and rapper. For the vocalist category, top three ang kukuhanin. Keaton ranked the first, si Ciel naman ang pangatlo. “You deserve it, Ciel. Maniwala ka sa akin. And I’m really happy na makakasama kita sa isang boy band,” sabi pa niya matapos kumalas dito. “I’m so glad you are with me my throughout my journey na tuparin ang pangarap kong maging isang singer.” Ciel looked away, blushing. “Ikaw pa ba? Para saan pa ba ang pagiging mag-best friend kung hindi kita susuportahan?” Keaton cleared his throat. “Sweet naman pala. Ayie.” Ciel flashed his middle fingers while laughing before he excused himself to go to the toilet. Naihi raw ito sa sobrang kaba. Tinawanan lang niya ang lalaki saka siya nagtungo sa water dispenser na nasa sulok ng greenroom kung saan sila naghihintay. Habang umiinom siya, inobserbahan niya ang iba nilang kasamang contestants. There were around 15 other guys inside, mostly ay nasa dancer at rapper category. All of them looked nervous, which explained the heavy atmosphere of the room. But one of them -- a tall guy with medium length hair -- looked more nervous than the other. Nasa pinakasulok ito ng kwarto at walang katabi na kahit sino. Nakayuko pa habang hawak ang mga kamay na parang nagdarasal. Matapos ubusin ang tubig, tinabihan niya ito. “Hey, Lukas,” bati niya. Gulat itong napatingin sa kanya. “What?” bulalas pa nito bago natigilan at humingi ng paumanhin. Natawa na lang siya. Kabadong-kabado, ah? Napailing-iling pa siya. Lukas was a part of the rapper line. So far, anim na lang ang natirang contestant, palibhasa’y ito ang may pinakakaunting contestants, kaya isa lang ang itinakdang magwagi. “Congrats pala, Keaton,” sabi ni Lukas sa kanya. “Di na rin ako nagulat na nanalo ka dahil ang galing mong kumanta.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Thanks, Lukas! But don’t worry, mananalo ka rin. I can feel it.” Bumuntonghininga ang lalaki saka napahilamos ng mukha. “I doubt that. Mas magaling sa akin si Banjo. For sure siya ang mananalo. Tamo nga kanina, ang bangis ng dance break niya. Samantalang ako…” Napailing-iling ito. Napanood ni Keaton ang performance ni Lukas. It was no doubt that he was a really good rapper. Sarili pa nga nitong composition ang pinerform kanina. However, there was a problem: ang stiff nitong sumayaw. He was mostly just jumping around the stage and shouting to hype the audience. Meanwhile, Banjo, who was the youngest contender for the rapper category, was an all-around. Bukod sa pagra-rap, magaling din itong sumayaw at marunong ding kumanta. His performance earlier was also a bomb. Sariling rendition iyon ng isang sikat na K-pop song. Si Banjo rin mismo ang nag-arrange ng instrumental niyon. “Sus, kailangan bang magaling ka sumayaw para maging na rapper? Tamo nga si T.O.P., parang tuod sumayaw pero tamo, recognized as one of the top rappers sa SoKor.” Keaton lightly tapped Lukas’s shoulder. “Maniwala ka sa akin, mananalo ka.” Bagaman na-amaze din si Keaton sa performance ni Banjo, napansin niyang mas na-highlight ang dancing skill nito. May pagkakataon pang nili-lip sync lang ang ibang verse lalo na kapag sumasayaw na, unlike Lukas na raw vocals talaga ang pinakita. Hindi na sumagot si Lukas. Sa halip, tinuon na lang nito ang atensyon sa LCD screen kung saan kasalukuyang pinapakita kung sino ang nanalo for the main dancer position. Meanwhile, Keaton looked at Lukas and silently complimented his eyes. Singkit ang mata nito, yung itsurang maangas tingnan. For him, napaka-attractive niyon. Not to mention his long sexy neck tapos may nakapaikot na buntot ng scorpion na tattoo doon. Napakagat siya ng labi. Sobra siyang natutuksong dilaan iyon. “And now for the rapper position…” Muli na namang ninerbiyos si Lukas. Mariin pa itong pumikit at umusal ng, "Please, let me win." Keaton looked at the screen. The scores on the right side of the names of the contestants were still rolling. “Please, let me win. Let me win,” paulit-ulit na bulong ni Lukas na para bang mantra. Then the numbers finally stopped rolling. “Lukas, congrats!” bulalas ni Keaton matapos tumingin sa lalaki. “Ikaw ang nanalo!” Dumilat ito at napamaang. His score was 87, just a point higher than Banjo’s. “s**t, totoo ba ito?” Tumingin ito sa kanya at humingi ng kumpirmasyon. “Ako talaga ang winner?” Tumango siya. He thrust his hand forward. “Congrats, Lukas. Ikaw ang main rapper.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito. “Tang ina. Totoo talaga. Ako ang nanalo.” Namasa ang mga mata nito. Tapos, tumayo ito saka siya hinila patayo, yumukod at yumakap. “s**t, Keaton. I won! I won! Hindi ako makapaniwala!” Samantalang, pasimpleng hinagod ni Keaton ang kamay niya sa likod ni Lukas. Of course, he was happy for him too, lalo pa mukhang pangarap talaga iyon ni Lukas, but what made Keaton happier was the fact that he was this close to Lukas. Pasimple niyang sininghot ang amoy nito. s**t, ang bango. Kulang na lang ay maglaway pa siya. The door opened. A woman staff and a cameraman entered. They were asking for Keaton and Lukas. Noon lang sila naghiwalay ni Lukas. Caught on act pa nga sila sa camera. And when Lukas faced the camera, umiiyak talaga ito. The losing contestant in the room congratulated them first before they went out. Then, they joined Ciel, along with the two other winners, outside. Sabay-sabay silang naglakad papunta sa stage, with a cameraman in front of them, catching every move they made. Ciel stood besides Keaton. “Grabe, excited na ako sa training natin. Tapos, debut na. Tapos magiging best-selling artists pa tayo sa Asia.” Natawa si Keaton. “Ang advance, ha?” “Hindi naman. May goal lang na gusto at pagsusumikapang tuparin.” Then, Ciel faced Lukas, who was walking on Keaton’s other side, and congratulated him. “Bangis ng rap mo kanina. Akala mo machine gun yung bibig mo sa bilis mo mag-rap.” Lukas laughed at his remark and thanked him. "Likewise, p're. Ang ganda ng version mo ng Secret Love Song, ah? Parang ikaw talaga ang original na singer." "Naman!" Proud na proud na tinapik ni Ciel ang dibdib. "May pangarap, e. Kaya tama lang na pagbutihan!" As for Keaton, he silently smiled. He was a step closer on achieving his dream to be a singer. Pero nang sandaling iyon, iba talaga ang nagpa-excite sa kanya: living together with the rest of the winners. Sa lahat ng contestant na kasama nila, si Lukas ang pinagnanasahan niya. There was something about this guy that triggers his s****l impulse. Wala yatang gabing hindi niya pinagpantasyahan na lapastanganin siya nito. And now, Lukas won too. That means makakasama niya ito sa isang bahay indefinitely. What he thought could happen between them excites him so much he had an erection. Mabuti na nga lang, naka-long coat siya kaya kampanteng hindi iyon makikita. The five winners stood together on the stage as the emcee officially declared them as the winners. Marami pang announcement bago sila nag-bow at binati ang isa’t-isa. It was Lukas who greeted him last. “Congrats ulit, Keaton,” nakangiting sabi nito. “I’m looking forward to working with you.” “Likewise, Lukas! Excited na rin ako.” Lalo na kung matitikman kita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
364.1K
bc

NINONG II

read
619.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

YOU'RE MINE

read
893.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook