Steffany’s Point of view Matinding pananabik ang nararamdaman ko dahil ito ang unang pagkakataon na mararanasan ko ang magtrabaho sa isang kumpanya. Excited na akong malaman ang lahat ng tungkol sa pagpapatakbo ng kumpanya. Kahit na hindi ito related sa tinapos ko ay hindi ako natatakot na sumabak sa ganitong klase ng trabaho, batid ko na kaya kong makipagsabayan sa mga empleyado ni Hades dahil mabilis akong matuto. Ika nga mataas ang IQ ko, kailangan kong pagbutihin para magkaroon ng katuparan ang lahat ng mga pinaplano ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili mula sa malaking salamin, nagliwanag ang mukha ko ng makita ko na bagay sa akin ang pang office attire na suot ko. Litaw ang magandang hubog ng aking katawan lalo na ang malaki kong balakang, umabot lang hanggang sa kalahati ng mga hi