EPISODE 5 - KISS ME NOW

1227 Words
EPISODE 5 KISS ME NOW OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “You don’t have to say sorry to me, Miss Olivia. Today, you don’t have to feel nervous, because I’m your date, and I’m all yours.” Para akong kinapos ng hininga sa sinabi ni Cole lalo na ang kanyang magandang ngiti para sa akin. Ang lakas ng t***k ng aking puso at feeling ko mag kaka-heart attack ako ngayon nang dahil lang sa labis na pagka kilig kay Cole. Grabe namang fan service 'tong si Cole. Ganito ba siya sa lahat ng fans niya? Kaya maraming baliw na baliw sa lalaking ito e. Grabe magpakilig! “Kumain na muna tayo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Tahimik pa rin ako hanggang ngayon at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Sumunod na lang ako sa lahat nang kanyang sasabihin at naupo na rin ako sa silya na nakaharap sa kanya. May mga pagkain na sa round table na nasa aming harapan at hindi ko rin mapigilan na matakam dahil mukhang pang sosyal ang mga pagkain nila. “Kain ka na,” muling sabi ni Cole kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Malambing ang kanyang ngiti sa akin at hindi ko rin mapigilan na maging emosyonal dahil ganitong-ganito ang kilala kong Cole noong nasa bahay ampunan pa kaming dalawa. Napakagat ako sa aking labi at yumuko at palihim na pinunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata. “May kasalanan ba ako sa ‘yo?” Muli akong nag angat nang tingin sa akin at napakunot sa aking noo sa kanyang tanong sa akin. “H-Huh? W-Wala naman,” mahina kong sabi at napakagat sa aking labi. Napataas ang kanyang kilay. “Bakit kanina ka pa tahimik diyan? Akala ko pa naman matutuwa ka dahil nakita mo ulit ako, mukhang malungkot ka pa ngayon eh. May iba ka na bang idol?” Mabilis akong umiling. “H-Hindi! Ikaw lang ang mahal… mahal ko,” sambit ko at napakagat sa aking labi. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya nang makita ko ang ngisi sa kanyang labi na para bang tuwang-tuwa sa aking sinabi. Bakit ba iyon ang nasabi ko sa kanya? Pwede namang sabihin ko sa kanya na siya lang ang idol ko, hindi siya lang ang mahal ko! Masyado akong pahalata. Nakakainis! “Kumain ka na diyan,” natatawa niyang sabi. Tumango ako at nagsimula na akong kumain. Tahumik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at umiiwas din ako ng tingin kay Cole dahil hindi ko siya kayang titigan. Nag-uusap naman kami habang kumakain dahil siya ang unang nag o-open ng topic at sinasagot ko naman ito. Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa pagiging fangirl ko sa kanya at kung bakit siya ang aking napiling idolohin. Sinabi ko kay Cole na kaya siya ang inidolo ko dahil maganda ang kanyang boses at gustong-gusto ko ang mga kanta niya at ang galing niya rin umarte. Hindi ko sinasabi sa kanya ang tungkol sa pagiging magkababata namin sa ampunan at pati na rin sa kanyang pangako sa akin noon dahil alam ko naman na hindi niya iyon maaalala at masasaktan lang ako. Gusto ko munang enjoy-in ang araw na ito kasama si Cole. Sa susunod na lang ako masasaktan at huwag na muna ngayon. Pagkatapos naming kumain ni Cole ay niyaya niya akong tumayo. “A-Anong gagawin natin?” tanong ko sa kanya. Ngumisi siya at kumindat sa akin. “Dito ka lang muna. May kukunin lang ako saglit,” at nagpaalam na muna siya sa akin na may kukunin na muna siya sa isang maliit na kwarto kaya naghintay na lang ako rito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Cole at may dala siyang gitara at nagsimula na siyang mag strums sa kanyang hawak na gitara at nag-angat siya ng tingin sa akin at nginitian ako. Hinay-hinay siyang naglakad papalapit sa akin at nang nasa aking harapan na siya, tumigil na siya at nagsimulang kumanta. Hindi ko maiwasang matigilan nang kumanta na si Cole. Alam kong magaling na talaga siyang kumanta, pero ibang-iba pa rin talaga kapag ikaw ang kinantahan niya, ikaw lang at wala nang iba. Habang kumakanta si Cole at pinapatugtog ang kanyang hawak na gitara, ako naman dito ay nakangiti habang pinagmamasdan siya. Habang kumakanta siya ngayon ay iniisip kong siya ang Cole na nangako sa akin noon, ang Cole na kakantahan ako kapag ako ay malungkot. Kagaya ngayon, malungkot ako dahil hindi na niya ako maalala… pati ang pinangako niya sa akin. Ngumiti nang napakalambing sa akin si Cole at kinindatan niya ako kaya napakagat ako sa aking labi at hindi mapigilan ang aking sarili na mas lalong kiligin. Tinigil na niya ang pagpapatugtog sa kanyang gitara pero patuloy pa rin siya sa kanyang pag kanta. Humarap siya sa akin at humakbang papalapit. Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong hapitin sa aking beywang at bahagya itong hinaplos. “Let’s dance,” bulong niya sa akin at sinandal dinikit ang kanyang mukha sa may pisngi ko at nagsimula na siyang sumayaw at ako naman ay sumunod na rin sa kanya kahit hindi alam kung ano ang tamang pag sayaw, sinunod ko na lang ang kanyang mga galaw. Magkadikit ang mga noo namin ni Cole habang patuloy kami sa aming pagsasayaw at patuloy rin siya sa kanyang pagkanta kahit wala ng tugtog. Nakapikit ang aking mga mata habang nakakapit sa kanyang batok at hindi ko mapigilan na ma-imagine na ang kinakanta ngayon ni Cole ay para sa akin at hindi para sa ibang mga babae. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang magalit nang sobra kay Cole dahil mahal na mahal ko siya kahit hindi niya naman ako naalala at hindi na niya na rin ako kilala. Napatigil ako sa aking pagsasayaw at napatigil na rin siya. Minulat ko ang aking mga mata at tinignan siya. Bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nakatitig na rin pala sa akin. Napalunok ako sa aking laway at naglakas loob nang sabihin sa kanya ang totoo ko talagang nararamdaman ngayon. “Cole, mahal kita.” Nanlaki ang kanyang mga mata. Bago siya makapag-react sa aking pag-amin kanina lang, nilapit ko na ang aking mukha sa kanyang mukha at idikit ang aking labi sa kanyang labi. Pinikit ko ang aking mga mata dahil hindi ko kayang tignan siya habang hinahalikan ko siya ngayon. Tumagal nang ilang minuto ang pagdikit ng aming mga labi at alam kong natulala at nagulat din siya sa aking ginawang paghalik. Aakmang ilalayo ko na ang aking labi sa kanyang labi nang bigla niya na lang hinawakan ang aking batok at ginalaw ang labi niyang nakadikit sa aking labi. Sa sobrang gulat ko sa kanyang ginawa ay napamulat na ako sa aking mga mata. Napahawak ako sa kanyang dibdib sa sobrang gulat at aakmang itutulak ko na siya palayo sa akin nang mapatingin siya sa aking mga mata at nagsalita. “Kiss me now.” Bago pa ako makasagot sa kanyang sinabi sa akin ay muli na niya akong hinalikan at ibang iba ito sa halik na naranasan ko, ang halik na ito ay mapanabik at masyadong malalim. Kumapit ako sa batok ni Cole at napapikit sa aking mga mata at hinalikan siya pabalik at sinunod ang mga galaw sa kanyang labi habang nakahalik sa akin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD