EPISODE 6 - THE INSTANT ASSISTANT

1385 Words
CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 6 THE INSTANT ASSISTANT OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “C-Cole…” Bumaba ang halik ni Cole papumunta sa aking leeg at nadadala na rin ako ngayon dahil nanghihina ako at hindi ko na rin siya maitulak palayo sa akin lalong lalo na ngayon na lunod na lunod na ako sa kanyang mga halik. Muling bumalik ang halik ni Cole sa aking labi at nang bahagya kong naibuka ang aking labi ay agad niya rin na ipinasok ang kanyang mainit na dila at mas pinalalim ang aming paghahalikan. Mahigpit akong napakapit kay Cole habang siya naman ay hinahaplos ang aking beywang at ang aking batok. Napamulat ako nang biglang tumunog ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa. Muling bumaba ang halik ni Cole sa may leeg ko kaya nakayanan ko ulit na makapagsalita. “C-Cole, may tumatawag sa phone mo,” mahina kong sabi. Bahagya siyang tumigil at tumingin sa aking mga mata. Mapupungay na ang kanyang mga matang nakatingin sa akin ngayon na parang lunod na lunod na rin sa aming ginagawang paghahalikan. “Hayaan mo na ‘yan,” matigas niyang sabi at muli akong hinalikan. Hinalikan ko rin siyang pabalik at naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Cole at umupo siya sa may couch habang ako naman ay nakaupo sa kanyang kandungan. Tumigil ang pagtunog sa kanyang phone pero makalipas ang ilang segundo ay muli na naman itong tumunog kaya ginamit ko na ang buong lakas ko para itulak palayo si Cole sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha sa pagtulak ko sa kanya. Napalunok ako sa aking laway at huminga nang malalim. “B-Baka importante ‘yang tumatawag sa ‘yo kaya sagutin mo na,” mahina kong sabi. “Damn it!” rinig kong mura ni Cole. Nang muli ko siyang tignan ay nakatalikod na siya sa akin at sinagot na niya ang tawag sa kanyang phone. Lumayo na muna ako sa kanya at inayos ko na rin ang aking sarili dahil nagusot ang aking suot na dress at bahagya ring nagulo ang aking buhok. Nag lagay din ako ng aking panibagong lipstick dahil kumalat na ito sa paghahalikan namin ni Cole kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na naghalikan kaming dalawa ni Cole. Akala ko ay magagalit siya sa akin kanina at itutulak niya ako dahil hinalikan niya ako, pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan pabalik. “Olivia.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang banggitin ni Cole ang aking pangalan. Humarap ako sa kanya at pinakalma ko rin ang aking sarili. Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon at nakapameywang din siya na para bang may malaki siyang problema. “B-Bakit, Cole?” tanong ko. Bumuntong hininga siya bago magsalita. “I’m sorry sa nangyari kanina—” “Okay lang!” Pareho kaming natigilang dalawa. Pinilit kong ngumiti sa kanya para sa sabihin na okay lang talaga ako, na wala siyang ginawang masama. “O-Okay lang ako, Cole,” muli kong sabi. Ngumiti siya pabalik sa akin at tumango. Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. “Alam kong date nating dalawa ngayon pero may guesting pala ako at ngayon pala ito gagawin at hinahanap na ako doon sa studio. It’s my management’s fault and I don’t want to disappoint you for this,” seryosong sabi ni Cole. Nakaramdam ako nang lungkot sa kanyang sinabi sa akin pero wala naman akong magagawa. Alam kong masyadong busy ang mga taong katulad niya dahil isa siyang artista at hectic ang kanyang schedule. Siguro okay na iyong nangyari kanina… nakasama ko na rin naman siya sa pag kain tapos hinarana niya ako, sinayaw at… at naghalikan kaming dalawa. Sobrang sobra na ang nangyari kanina kaya kung iiwan man ako ngayon ni Cole, okay lang sa akin. “Pwede ka namang sumama sa akin ngayon papuntang studio.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cole. “H-Huh? Talaga? Pwede talag akong sumama?” sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na niyaya niya akong sumama. Ngumiti si Cole at tumango. “Hindi pa naman tapos ang araw and I’m still your date kaya dapat kasama pa rin kita hanggang mamaya,” sabi niya. Ngumiti ako at tumango. Sabay kaming lumabas ni Cole sa kwarto at tahimik lang ako sa kanyang tabi dahil may tumawag ulit sa kanya at mukhang manager niya itong nagngangalang Lolita dahil kanina niya pa ito binabanggit. Nang makarating kami sa ground floor ay hindi kami dumaan doon sa harapan, dumiretso kami sa parking lot. Makalipas ang ilang minuto na pagba-byahe ay nakarating na rin kami sa sinasabing studio ni Cole. May dalawang security guards kaagad na nag escort sa aming dalawa ni Cole papasok sa loob ng building at nang nakarating na kami sa hallway ay may nakita kaagad kaming babae na papatakbo palapit sa amin ni Cole at namumukhaan ko ito, ito ‘yung manager ni Cole na nagngangalang Lolita. “Cole! Finally! I’m so sorry kung biglaan itong guesting ngayon. Hindi kasi natignan nang maigi ni Jenny ang schedules kaya nagsabay ngayon ang guesting at ang date ninyo ni Miss Rivera,” wika ng Manager ni Cole at sumulyap din siya sa akin kaya bahagya ko siyang nginitian. Napahawak sa kanyang sentido si Cole na para bang pati siya ay nahihirapan din sa sitwasyon ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay nag-angat muli ng tingin si Cole at seryosong tumayo. “Fine. May magagawa pa ba ako?” inis nitong sabi. Pumunta kami sa room kung saan nandoon ang mga gamit ni Cole. Nang makapasok kami sa loob ay walang katao-tao at marami ring mga damit na nakakalat. Tahimik pa rin ako dito sa gilid dahil baka sa akin pa magalit si Cole dahil ramdam ko na rin na inis na inis na siya ngayon dahil nakakunot ang kanyang noo at hindi na niya magawang ngumiti. “Where’s Eva?” tanong niya sa kanyang manager. Nakita kong napasapo sa kanyang noo si Lolita at malungkot na tumingin sa kanyang alaga na si Cole. “Ayan nga rin ang problema natin ngayon, Cole. Bigla na lang nag resign kanina si Eva bilang personal assistant mo,” wika ng manager ni Cole na si Lolita. “What?!” galit na sigaw ni Cole. Napahawak siya sa kanyang ulo at hinang napaupo sa may couch malapit sa kanya. “Anong gagawin natin ngayon?! Hindi pwedeng wala akong assistant, Lolita! Hindi ko kaya na ako lang mag isa, alam mo ‘yan!” galit na sabi ni Cole. Kahit na kitang-kita ko na ang galit sa mukha niya at ramdam ang galit sa kanynag boses, mukha pa rin siyang anghel. Ang pogi niyang mainis at magalit. Normal pa ba ito? “E-Excuse me po…” nagtaas ako ng aking kamay. Natigil silang dalawa ni Cole at ng kanyang manager na si Lolita sa kaninang pag-uusap nang bigla akong sumabat. Nakatingin lang sa akin si Cole na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin, samantalang si Lolita naman ay nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. “Yes, Miss Rivera?” Bahagya ang ngumiti at huminga na muna ng malalim bago magsalita. “P-Pwede po akong maging assistant ni Cole,” sabi ko. Nakita kong napatayo si Cole habang nakatingin pa rin sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata. “Oh my!” bulalas ni Lolita. Nakita ko ang kinang sa kanyang mga mata nang sabihin ko iyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. “Hulog ka ng langit, Miss Rivera! You’re in! From now on, ikaw na ang personal assistant ni Cole!” masayang sabi ni Lolita at niyakap ako. Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. Napasulyap ako kay Cole at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Ayaw niya bang maging personal assistant niya ako? Bakit hindi ko kita sa kanyang mukha na masaya siya? Ngumiti na lang ako kay Cole bago umiwas ng tingin sa kanya. Diba sabi ko gagawin ko ang lahat para lang maalala ako ni Cole? Ito na ang gagawin ko ngayon. Opportunity ko na ito ngayon, masyado na kaming malapit ni Cole sa isa’t isa. Hindi na ako gagastos ng malaking pera para lang makita ko siya at makausap dahil personal assistant na niya ako ngayon! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD