Episode 3

1373 Words
FOR A LONG TIME, in a room with just a rusty door to enter with nothing inside but web of the spiders, dusty walls and corners, and a floor with nothing to sleep on, Anna was all alone. Ever since from that day when she last saw the outside world, she no longer know what the world could look like. The only thing she can look forward every day is the scenery from the grills of the small window from the room she’s staying. Where she can see the tall trees at day and the moon at night. She was imprisoned and was kept hidden. The only thing she knew was she was kidnapped. Ang akala niya ay papatayin siya o ibebenta kagaya ng ibang mga batang nadukot pero alam niyang taon na ang lumipas pero nanatili pa rin siyang buhay sa hindi malamang kadahilanan. Ang huling kaarawang ipinagdiwang niya ay noong sampung taon palang siya, ngayon hindi niya na alam kung ilang buwan o taon na ang lumipas maging ang bawat araw na dumadaan ay hindi niya na alam. Bago siya nadukot ay wala na rin naman siyang mga magulang upang maghanap sakaniya, tanging ang Lola lang niya ang katuwang niya sa buhay. Ang Lola niya na sobrang tanda na rin at alam niyang hindi na rin siya kinayang hanapin kaya’t hindi na siya namag-asang may sasaklolo pa sakaniya kung nasaan man siya. Marami na ring hirap at pasakit ang dinanas niya sa kamay ng mga taong dumukot sakaniya na alam niyang mga sindikato at mga durogista. Hindi niya alam kung bakit hinayaan pa niya ang sarili niyang mabuhay. Kung may lakas lang sana siya ng loob na kitilin ang sarili niyang buhay ay ginawa na niya ngunit hindi niya makaya. Sinubukan na rin niyang huwag kumain hanggang sa mamatay siya ngunit rin niya nagawa. Pinagtrabaho na rin siya hanggang sa mawalan siya ng malay pero hindi pa rin siya namatay. Sobrang payat at patpatin na rin ng katawan niya ngunit hindi pa rin ito bumibigay. Napahinga siya ng malalim si Anna habang nakatanaw sa maliwanag na buwan at napangiti ng mapait. Hindi niya alam kung bakit pa siya nabuhay sa mundo. Namatay ang Ina niya noong ipinanganak siya, ang Ama niya ay namatay sa atake sa puso, at nadukot siya noong sampung taong gulang lamang siya. Bakit ba hindi pa siya patayin? Bakit ba hindi pa siya mamatay? Ano pa bang saysay bakit siya nabuhay sa mundong ito? Ganito ba talaga ang buhay na nakalaan para sakaniya? Napabigat ng dibdib niya at pawang tinutusok ang puso niya ng paulit-ulit pero hindi niya magawang lumuha dahil alam niyang namamanhid na ang puso niya sa lahat ng mga nangyari sakaniya. Hindi na niya nagawang lumuha pero sobrang pighati ang nararamdaman ng puso niya. Napababa siya ng tingin at muling napahinga ng malalim bago napagpasyahang umupo sa sulok para matulog. Wala naman siyang magawa. Hindi siya makalaban ni makatakas. Sa dami ng mga nakabantay sa malaking abandonadong gusali ay hindi niya magawang makatakas. Noong huling sinubukan niyang tumakas ay halos patayin siya sa paglalatigo sakaniya pero hindi naman siya natuluyan. Halos matawa nalang siya sa sarili dahil bakit hindi pa siya mamatay-matay sa dami na ng sakit na dinanas niya. Pumikit siya at isinandal ang ulo niya sa malamig na pader habang nakaupo at nakayakap sa dalawang binti ngunit muli rin napamulat nang biglang mag-ingat ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya saka naman iyon bumukas. Dahan-dahan siyang napatayo nang pumasok sa loob ang isang bulto ng tao. Wala naman kasing ilaw ngunit nakita niya kung sino ito nang masinagan ito sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa maliit na bintanang may mga harang na bakal. “Anong kailangan mo?” Mahinang tanong niya kay Gary. Isa sa mga taong nagbabantay sa abandonadong gusaling kinaroroonan niya na kampo ng mga sindikato. Hindi niya maatim ang pagmumukha ng mga taong alam niyang sangkot sa sindikato. Mga mamamatay tao, durogista, at nandudukot ng mga bata. “Buhay ka pa pala.” Dinig niyang tugon nito nang makarinig siya ng kung anong bumagsak sa sahig kaya kahit hindi niya makita ay napababa ng tingin si Anna. “Ano ‘yon? Anong— Hindi niya natuloy ang sinasabi nang mapansin niyang tumalikod na si Gary saka na ito lumabas ng silid bago ulit ikandado ang pintuan. Kunot ang noong napalunok si Anna nang lumuhod siya sa sahig at kinapa ang kung anong iniwan ni Gary sa loob ng silid pero natigilan siya nang makapa niya ang isang malamig na bagay— hindi, isa itong tao! Nahigit niya ang hininga saka niya ito pinilit na hinila kung saan may nasisinagan ng buwan. Napaupo siya ng tuluyan sa sahig nang tuluyan niyang makita na isang tao nga ang iniwan ni Gary sa loob ng silid at wala itong malay. Isa itong batang lalaki at halatang wala itong malay. Bakit siya iniwan rito ni Gary? Iyon ang gustong itanong ni Anna dahil ni minsan ay wala naman siyang nakasamang kahit na sino sa silid na kinaroroonon niya. Buhay pa ba ito? Dumukwang si Anna upang tingnan kung humihinga pa ito at natigilan siya nang maramdaman niya ang mainit nitong mabagal na paghinga. Muli siyang napatitig sa mukha ng batang lalaki at kinapa-kapa ang braso, leeg, at katawan nito. “Ang lamig,” Bulong niya. Habang nakatingin sa mukha ng batang lalaki ay hindi niya maiwasang makaramdam ng awa. Isa nanaman ba ito sa mga hindi mabilang na biktima ng mga sindikatong may bihag sakaniya? Kawawang bata. Nang alisin niya ang mga palad sa kamay ng bata ay natigilan siya nang maramdaman niyang pawang may kung anong likido ang nasa kamay niya kaya kunot ang noong sumulyap siya rito sa pamamagitan ng sinag ng buwan at nanlaki ang mata niya at napasinghap nang makita ang dugo sa kamay niya. Puno ng pag-aalalang tumingin siyang muli sa batang lalaki na walang malay at hinanap kung saan man ito may sugat nang makapa niya ang kabilang braso nito kung saan tila basa at maraming dugo. Napaigtad siya nang biglang mahinang gumalaw ang katawan ng batang lalaki na pawang napaigik. Tumitig lang siya sa mukha ng batang lalaki at tinitingnan kung nagkaroon ba ito ng malay ngunit nanatili itong walang malay. Anong gagawin niya? Duguan at sugatan ito. Kaya ba maputla ito at tila nanlalamig ang katawan ay dahil sa dugong nawala sakaniya? Sinubukan niyang tapikin sa pisngi ang batang lalaki para magbaka-sakaling gumising ito, “B-Bata, gising—“ Ilang minuto ang lumipas pero hindi ito gumising. Sunod-sunod siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin pero gusto niyang tulungan ang nakakaawang bata. Ang alam niya ay maaari itong mamatay kapag nawalan pa ito ng mas maraming dugo. Saglit pa siyang nag-isip kung paano niya mapapatigil ang pag-agos ng dugo sa malaking sugat nito sa braso hanggang sa mapatingin siya sa damit niyang gusot-gusot. Napatayo siya saka mabilis na pinunit ang laylayan nito. Muli siyang umupo at marahang itinali ang sugat ng batang lalaki. Hanggang sa matapos siya ay napahinga siya ng malalim at mulinng napaupo sa sahig habang nakatitig lang sa mukha nito. Ano kayang mangyayari sa batang ito? Kung may paraan lang sana para matulungan ito ay ginawa na niya. Napailing-iling nalang siya at inalis sa isipan niya ang kung ano mang sasapitin ng batang lalaki na alam niyang karumaldumal at kaawa-awa. Wala naman siyang magagawa. Hinayaan nalang niya ang batang lalaki at sumandal nalang sa pader habang nakaupo sa sahig. Sinubukan niyang magpatulog ngunit hindi siya makatulog kaya’t nanatili nalang siyang nakapikit. Ilang oras ang lumipas at mas lalong lumalim ang gabi... Hindi pa rin makatulog si Anna pero nanatili siyang nakapikit nang makarinig siya ng mahinang kaluskos kaya naman napamulat siya. Halos mapasigaw siya ngunit napasinghap nalang siya at napatigalgal nang makita niya ang bulto ng batang lalaking nakatayo sa harapan niya. “G-Gising kana— “Sino ka?! Nasaan ako?” Nakatayo lamang ang batang lalaki sa harapan niya at hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha nitong nasisinagan ng liwanag ng buwan... sa pares ng mga mata nitong nakatitig ng sobrang talim sa gawi niya. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o mali ang nakikita niya pero... ang mga mata nito ay kasing-kulay ng dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD