S.H Episode 26

3128 Words

BUMIGAT ang dibdib ni Anna nang tumawa ng pagak si Mich na tila nagbiro lang siya sa sinabi. “Anong hindi magkikita? Mag-aasawa kalang hoy, hindi ka naman mawawala sa mundo.” Palahaw pa nito. Tipid siyang umiling at seryosong sinalubong ang tingin ni Mich. “Seryoso ako, pasensiya na talaga. Hindi ko na matutupad ang pangako natin sa isa’t-isa, at baka ito na ang huling pagkikita natin.” Malungkot niyang sabi. Doon na pawang natigilan si Mich habang nakatingin lang sakaniya. Hindi ito nakaimik na wari ay hindi alam ang mamumutawi sa bibig. Pawang piniga ang puso ni Anna nang marahas na binawi nito ang kamay nilang magkahawak saka ito umirap sakaniya, lukot na lukot ang mukha nito na pawang galit. “Hindi ko tatanggapin ‘yan. Anong huling pagkikita? Hindi ako matatahimik sa ganiyan,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD