“Opo, Inay. Isasama natin sila. Ilalabas ko kayo rito,” anas ko habang panay pa rin ang agos ng luha sa aking mga mata. Ang sakit makita sa ganitong kalagayan ang aking Ina. Gulong-gulo rin ako. Ngunit sa ngayon ay gagawin ko muna ang aking trabaho. Kahit sobrang naninikip ang aking dibdib ay pinilit kong hindi maluha dahil kailangan ko nang kumilos. Ilalabas ko muna ang mga tao rito bago ko balikan ang mga hayop na 'yon. HANGGANG sa mapatingin ako sa pinto dahil may narinig akong papalapit dito. Hanggang sa bigla akong hawakan ni Inay sa aking pulsuhan at agad na hinila papunta sa madilim na lugar. “Huwag kang maingay rito. Kasi papalapit na ang mga demonyo. Hawakan mo ang aking mga anak at baka saktan na naman nila nang paulit-ulit.” Agad nitong inilagay sa aking mga kamay ang apat n