(MAXELYN’S POV) Dalawang araw ang nagdaan na pamamalagi ko rito sa bundok. May isang lugar na ngayon ay nagmamanman ako. Simula nang dumating ako sa lugar na ito ay palagi na akong nagmmasid dito at baka may makita akong kakaiba. Ang mga kilos ng mga tao rito ay kakaiba. Kung tama ang aking hinala ay may dalawang laboratory rito. Hanggang sa gumapang ako upang medyo mas lumapit pa. Inayos ko rin ang suot kong salamin sa mga mata para makikita ko ang lahat ng mga nangyari rito. Subalit, biglang umawang ang aking bibig nang makita ko mga taong nakabitin. Sino sila? Bakit mga nakabitin sila sa mga puno. Nang pumunta ako rito kagabi ay wala naman sila. Wala ito sa report na pinadala sa akin ni boss Zach. Ang tanging nandoon lang ay ang pangalan ng target ko. Walang iba kundi si Mr. Akalal