Parang nanuyo ang aking lalamunan ng mga oras na ito. Natatakot din akong lumingon. Hanggang sa maalala ko ang kasunduan namin na huwag daw kaming mangialam sa isa-isa. Kaya naman isang buntonghininga ang aking ginawa. Bahala na! Baka namah, hindi niya ako punahin. Saka wala naman itong pakialam sa akin. Hanggang sa magdesisyon na sanang umakyat sa hagdan nang biglang sumigaw si Waxwell, dahilan kaya napahinto na naman ako. “Maxelyn! Ano’ng nangyari sa ‘yon, huh? Bakit puro dugo ka at may mga sugat ka rin, huh?" Pasimple ko tuloy kinagat ang aking labi. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Parang biglang na blangko ang utak ko. Lalo at hindi puwedeng malaman ni Waxwell ang aking trabaho. Mayamaya pa’y naramdaman kong may bumuhat sa akin at dali-dali akong inakyat sa hagdan. Hanggang sa da