MASASAMANG TAO SA MUNDO

1917 Words

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. May sumasagi sa aking utak na baril at hawak-hawak ko ito. Ngunit ‘yun lang ang nakikita ko sa aking utak? Bakit ako may baril isa ba akong masamang tao? Katulad din ba nila ako na nagpapahirap sa mga tao? Peste! Hindi ko matatanggap 'yon kapag ganoon ako kasama. Hanggang sa makita ko si Nanay Asde. May dala-dala rin itong bigas at ibigay sa mga armadong lalaki. Umalis na lamang ako rito sa harap ng bintana. Lumapit ako sa papag at naupo. Napatingin ako sa damit na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. Ito daw ‘yong suot ko nang matagpuan ako sa tabing dagat. Agad ko itong kinuha. Napansin ko rin ang kulay itim na maskara. Hanggang sa ipinikit ko ang aking mga mata. Nakita kong tumatakbo ako dahil may humahabol sa akin na isang lalaki. Mayamaya pa’y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD