Kumunot ang aking noo at salubong din ang kilay ko habang nakatitig sa sugat na nasa leeg ni Mayor. Hindi pa ito nakatahi. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang dala-dala kong gwantes at agad na isinuot sa kamay ko. Hanggang sa ilapat ko ang aking kamay na may gwantes sa malaking sugat sa leeg ni Mayor. Mabilis kong kinuha ang bagay na sana loob ng sugat nito. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang maliit na plastic at may laman din sa loob ng papel. Dali-dali tuloy akong pumasok sa loob ng banyo upang linisan ang plastic dahil may bahid na dugo. Nang mawala ang dugo ay agad akong kumuha ang tissue paper para ibalot ang plastic. Mabilis ko itong itinago. Nagmamadali naman akong lumabas ng morgue. Ngunit hindi pa ako tuluyan nakakalapit sa pinto nang marinig ko ang mga yabag