[ASHLEIGH’S P.O.V.] “Deal.” “Okay, good! Siguraduhin mo lang na mapagkakatiwalaan kita. Dahil kung hindi, malalagot ka sa akin. I will help you to get rid of Mello Silvestri. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang lahat ng mga iuutos ko sa ‘yo,” panimula naman niya. “Ano ba ang nagawa sa ‘yo ni Mello at gusto mo siyang kalabanin ngayon? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman niya kilala,” sambit ko pa. Nagpapaliggoy-ligoy pa ang babae na ‘to. Ayaw pa niyang sabihin sa akin agad kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Mello. “Yes, he doesn’t know me. Pero ako ay kilalang-kilala ko siya, pati na rin ang buong pamilya niya. Kaya naman ay kailangan kong pabagsakin ang bunsong miyembro ng mga Silvestri. ‘Yon ay si Mello Ixen Silvestri,” sagot niya sa akin. What the hell? Ibig