[ASHLEIGH’S P.O.V.] Galit na sumugod sa akin sina Mello. Muli na naman kaming nakakuha ng atensyon ng mga estudyante. Agaw eksena na naman kami. Hindi pa nga lumilipas ang nangyari kanina sa classroom namin, tapos ngayon ay gumagawa na naman kami ng ingay. “Talaga bang hinahamon mo ako?” sambit sa akin ni Mello. “Hindi pa ba sapat na nagawa mo akong pagtripan at ipahiya sa harap ng maraming tao? Bakit kailangan mo pang idamay ang mga kaibigan ko na wala namang ginagawa na masama sa inyo?” galit na tanong ko. Kailangan ko siyang galitin lalo, kahit na alam ko naman na sasaktan na naman niya ako. Magpakasaya lang siya sa p*******t niya sa akin. Hindi rin magtatagal ay babagsak siya at maghihirap, kasama ng kaniyang buong pamilya at angkan. Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko, saka