MABILIS na nakarating sa bahay si Spica.
" Spica? Jusmeyo anung nangyari sayo bat ngayon ka lang tsaka .. tsaka jusmeyo mariposa bat--- bat may dugo yang noohan mo?"
Pag bukas nang pintuan ng yaya nito, agad na bumungad ang maputlang SPICA na may dugo sa noo nito habang hinang hina.
" Yaya Im okay po. !! Dont worry !" Saka siya napasandal sa pintuan.
" Ay jusko pong bata ka ! Nakipagbasag ulo ka na naman ba? Talagang di ka ba titigil niyan huh? Tingnan mo sarili mo apo, ginagawa mo ng punching bag----" Taranta at takot na tanung nito kay Spica na agad namang inalalayan.
" Sssshhhh ! Wag niyo napo ko sermunan yah okay? Gasgas lang po tung nasa noo ko. Wala po tuh."
Saka pinilit na ngumiti sa yaya para hindi na mag alala pa tuh.
" Talagang bata ka oh ! Hindi matutuwa ang mommy mo sa nangyayari sayo ngayun kung nabubuhay lang yun." Saad nito kay Spica.
" Kung nabubuhay yun panigurado Yah di talaga ako magkakaganito. Pero eto tayo ii. Ito yung reality, yung katotohanan. W--wala na siya Yaya. Kaya ayos lang yun wala namang may paki sakin dito ii hahaha----"
Saka siya napahinto sa pagtawa ng may boses na nagmumula sa taas.
" AT NAKIPAGBASAG ULO KA NGA NA NAMAN HUH??"
Isang buo at matapang na boses ang umalingawngaw sa kabahayan.
" Wala ka ng PAKI dun."
Sagot ni Spica ng sulyapan ang ama na nasa taas.
" Yah, ikuha niyo nalang po ko ng malamig na tubig. Thank you po." Saka ipinagpatuloy ang paghakbang nang mabilis sa hagdanan.
" MAS INUNA MO YAN KESA ANG PUMASOK AT MAG ARAL. WALA NA TALAGA AKONG MAAASAHAN SAYO KUNDI PROBLEMA LANG." Bulyaw nang ama niya na sa kasalukuyan ay kaharap na niya. Gustong gusto niyang sapakin ang ama sa sobrang galit at poot pero naiisip niyang ama niya pa rin tuh kahit anung baliktad pa niya sa mundo.
" Sabihin mo dad? Yung araw na yun? Sino--- sino yung kasama mo nun bago mangyari yun???"Mata sa mata niyang tinitigan ang ama na nabigla naman sa narinig sa kaniya. Gusto niyang makita kung anung magiging reaksyon nito kung bibigyan niya tuh ng hint.
" An--anung pinagsasasabi mo Lhara?"
Biglang lumambot ang boses nito.
" SPICA dad. SPICA. Yan ang pangalan ko." Sagot niya.
"Sabihin mo sakin dad? Nung araw na yun?? Bago yung pangyayaring yun?? San ka nagpunta huh?"
Hindi niya pa rin maialis ang pagtitig sa mga mata ng kanyang ama na kasalukuyang umiiwas sa matatalas na mga matang nakatitig sa kaniya.
" Anu--Anung pi--pinag sa--sasasabi mo huh? Tuluyan na bang nagkalamat yang utak mo diyan sa pakikipagbasagan ulo mo huh? O yan ang natututunan mo sa labas masok mo sa kulungan?"
Nauutal ng ama nitong sabi sa kanya. Napatalikod naman si Spica sa ama.
" Konti nalang, malalaman ko na din ang totoong nangyari nung araw na yun. At sa oras na malaman kong may kinalaman ka dun. Asahan mo nang wala ka ng anak na ikakahiyat proproblemahin, dahil kakalimutan kong may naging ama akong isang katulad mo." Saka tuluyan siyang naglakad papunta sa direksyon ng kanyang kwarto. At malakas na isinara an pintuan. Para namang naiwang nagyeyelo ang ama nito sa kinatatayuan dahil sa hindi maigalaw o maihakbang ang mga katawan nito.
Halos mahimatay si Yaya nang makitang nakahandusay ang alaga nito sa sahig na walang malay.
" Ayyyy ! Dyoskoporsyento Spica. Apo gumising ka . Anung nangyari sayo?"
Halos di malaman kung anung gagawin niya sa alaga.
" Sinasabi ko na nga ba. Juskopo wala tala gang naidudulot sayo yang pagrerebelde mo sa ama mo. Nakita mo naman walang pakialam sayo kahit nakita ng duguan yang ulo mo kanina. Kelan mo ba balak tigilan yan apo?" Nanghihinang sabi ng Yaya habang tinitingnan si Spica na kasalukuyan ng nakahiga sa kama at nagpapahinga.
" Manmanan niyo. Wag kayong magpapahalatang sinusundan niyo siya. Naiintindihan niyo?"
Utos ng ama sa limamg guard.
" Masusunod po Master."
Sagot nito. At tuluyan ng umalis ang mga ito.
" Spica, talagang hindi mo pa rin itinitigil yang kahibangan mong yan."
Bulong nito sa sarili.
MAALIWALAS na ang umaga ng magising si Spica.
Akmang babangon na siya ng maramdaman ang kirot sa kanyang likod.
" Ouuch !!! Tsk ! Tinablan yata ko ng bakal na yun ah."
Bulong niya sa sarili at dahan dahang bumangon.
" Martes palang, pero parang gusto ko ng magpasa ng dropping paper na ngayon sa school. Haaaays !!!"
Mabilis siyang nakaligo at nakapagpalit ng damit nang hindi pinapansin ang sakit at kirot na nararamdaman niya sa likod. Para sa kanya, lilipas din yung sakit na nararamdaman nya pag dumaan ang ilang mga araw.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas na siya ng kwarto. Nasa taas pa lang siya tanaw na tanaw niya na ang masayang nagkwekwentuhan sa baba habang nagbubukas ng mga regalo mula sa fans nito. Tila tuloy nakaramdam siya ng biglaang sapi ni Satanas nang makita ang mga magagandang ngiti nila.
" Tingnan natin kung sumaya pa ang araw niyo ngayon." Saka siya napangiti tila bay may naiisip na kalokohan saka kinuha ang fone at may tinawagan.
" Yes po. Paki balot nalang po silang lahat sa box. Um gusto ko po sana mauna ako sa pag bati sa kanya. Birthday niya po kasi today so gusto ko sanang in 10 minutes dumating yung gift para naman galing sakin yung unang unang mabubuksan niya. Pasulat nalang po sa card ng HAVE A BLAST DAY... Ay wag na po. Di na po kailangang isulat yung name ko ako na po magsasabi kung kanino galing heheh. Thank you po. "
Saka ibinaba ang kanyang fone. At bumaba na nang parang wala manlang siyang nakikita sa babang mga tao.
" Spica ! Di mo ba cocongrats si Lhaura manlang?"
Napahinto siya ng biglang marinig niya ang boses ng ama. Muntik niya ng makalimutan, masayang pamilya pala yung natanaw niya sa taas kanina at kasama ang ama niya dun. Nakangiwi niyang nilingon ang mga tuh. Saka ngumiti bigla.
" Congrats??? Bakit mamamatay na ba siya???" Tanung ni Spica na ikinagulat ng mag ina.
" Anungggg--- Heyyy ! Ang sama naman yata ng gising mo girl huh? Kamuntik ka na bang bangungutin kanina?" Asta ni Lhaura na napatayo mula sa pagkakaupo kanina sa sofa.
" Spica yang bibig mo nanaman ! Batiin mo si Lhaura sa pagkakapili sa kanya para irepresenta ang ating bansa para sa nalalapit na paligsahan sa buong mundo." Paliwanag ng ama sa kanya.
Napataas siya ng kilay.
" Oh??? Ehy, napili palang naman ah? Bat ko babatiin?? Tsk !!! Tsk !!! Tsk !!! Kung ako sainyo bago kayo magsaya pakainin nyo muna yan ng masustansyang pagkain baka sa araw ng competition niya ii himatayin pa. MATALO PA." Natatawa niyang sabi tatalikod na sana siya nang magsalita si Lhaura.
" Sumosobra ka na hah?? Di porket anak ka ni daddy eh di kita papatulan huh? FYI, DI KA KAWALAN. Oh ! Baka naman naiinggit ka lang sakin huh?" Tapang tapangang sabi nito na nginitian lang ni Spica saka siya napapailing.
" Alam mo? Kahit ilang milyones pa ang halaga ng isuot mong damit, legwak ka pa rin sa style ko at kahit ilang patong pa ng foundation at make up yang pagmumukha mo, mas maganda pa rin ako ng DOBLE pa sa TRIPLE sayo. Tandaan mo, HEIGHT lang ang meron sayo b***h. Kaya wag kang umastang may maiinggit sayo." Mapang asar niyang sabi.
" Abattt !! Narinig niyo yun dad. Talagang napakasama ng pag uugali nitong anak niyo."
Pagsusumbong ni Lhaura sa ama sa nakangising si Spica.
" Spica. Umalis ka na kung sisirain mo lang ang araw namin."
Utos ng ama na pinipigilang magalit.
" Spica, wag mo naman sayangin ang binabayad sa pag aaral mo ng daddy mo para umasta lang ng walang modo't pinag aralan sa mga nakakaharap mo pang mas nakakatanda pa sayo. " Saway ni Camilla.
Nang pumalakpak si Spica.
" Hahahaha ! Hey? Mukang sating dalawa ikaw yata ang may mas pinakamalaking sinayang pagdating sa bayarin sa pag aaral ng mga magulang mo sayo sa pang aagaw mo ng may pamilya----"
Matalim na tinitigan si Camilla sa mga mata.
" SPICAAAAAAAHHHH !!!
Napahinto si Spica sa pag sasalita nang tuluyan ng sumigaw ang ama nito. Napangiti naman si Spica saka tiningnan ang relo at ngumiti.
" Ooops. Aalis nako. Baka may tuluyang maospital pa sa galit sakin. Hahaha"
Saka tumalikod at itinaas ang mga kamay na para bang ninanamnam ang simoy ng hangin.