Kabanata 8

1386 Words
" WOW ! Ang baet naman ng fans mo anak. Akalain mo special delivery talaga yung ginawa niya." Natutuwang sabi ni Camilla sa anak habang buhat buhat ni Lhaura ang malaking box. " Anu kayang laman nito mom? Medyo mabigat ii." Nakangiting saad ni Lhaura saka inilapag nito ang box. " Oh eh, anu pang hinihintay natin. Open the box hija." Utos ng step father nito.Nakangiting nagmamadaling binubuksan ang box. Nang biglang napahinto siya. " Dad ! Parang may gumagalaw sa loob ii. I can feel it now." Biglang may kung anong takon na naramdaman si Lhaura. " Oh, eh malay mo anak isang puppy pala yan. Kaya buksan na natin ng malaman natin ang laman okay." Nakangiting sabi ng ina. Tumango tango naman si Lhaura hudyat na bubuksan na ang box. " OY bitchfreny? Abot singit ngiti natin diyan ah?" Pagtatapik tapik ni Stacie sa braso ni Spica na kasalukuyang nasa rooftop ulit sila. " Hmmm maganda lang kasi ang mangyayari ngayong araw na tuh sakin." Nakangiting sabi ni Spica. " Wag mong sabihing may ginawa ka nanamang kabaitan ngayon?? Eh kakatapos mo palang mapasabak kagabi at iniwanan ka pa ng remembrance sa noo mo hahaha !" Saad ni Claudetthe. " Hindi naman. Isang masaya't simpleng surprisa lang naman ang ihinanda ko para sa isang napaka espesyal na tao sakin sa mga oras na tuh." Sagot niya with the evil smile. " Ay nako po. Jusme asan na ba anghel dela guwardiya nitong kaibigan namin. Bitchfreny, hindi talaga maganda ang kutob ko pag nag susurprise ka. Baka sa pag kakataong tuh sa ospital na dalhin." Kinakabahang sabi ni Stacie. " Anu bang ginawa mo Spica?" Tanung ni Jazz. " 6, 5, 4, 3, 2, 1 Boooooommmm ! SURPRISE hahahah !!" Matapos magbilang ni Spica ay tumawa ito ng tumawa. " Nabuang na ka Bitchfreny ! Scary ka. ! Saad ni Stacie. NANG mabuksan ang kahon ..  Halos manigas sa kinauupuan si Lhaura na napatingin sa ina at sa ama amahan nito na sobrang gulat din nang makita ang mga gumagalaw galaw sa loob ng kahon. " Da----Moo---" Walang boses na saad ni Lhaura na takot na takot sa mga gumagalaw sa loob ng kahon na anytime ay pwedeng ikamatay niya sa maling hakbang na gagawin niya. Hanggang sa tuluyan na ngang umalingaw ngaw s boung mansion ang isang napakalakas na sigaw kasabay ang mabilis na pagtayo at pagtatakbo ng tatlo nang tuluyang sumambulat na palabas ang mga naghahabaang tatlong ahas. "Eeehhh---ESSSSSS--SNNNNAAAAKKEE". !!! SNAKEEEE" Sigaw ni Lhaura na tuluyang hinimatay. " AAYY JUSKO PO LORD !!! AAAAHHHHHHASSSSS !" Sigaw ni Camilla na nasa hagdanan kasalukuyan habang ang sawang lalaki ay nasa may pintuan at galit na galit sa sobrang takot. Maging ang mga katulong ay nagulat at natakot sa nakita nila sa sala. Halos lahat ay hindi makakilos.  " ANOOO? GINAWA MO YUN???" Sabay sabay na napatanung ang tatlong kaibigan ni Spica nang marinig nila ang buong kwento. Nakangiti namang nakatango so Spica.  " Ohlala !! Tsak maghihinala na ang mga yun na ikaw ang may gawa." Saad ni Claudetthe. " Pano pag pinatrace ng dad mo kung sinong nagpdeliver nun? Anung gagawin mo??" Tanung ni Jazz Napangiti lang si Spica na agad namang nakuha ng mga kaibigan nito ang ibig sabihin nya. Matalinong babae si Spica, kaya bago tuh gumawa na mga plano sinisigurado niyang malinis at walang sabit ito. " Juicekopo. Sabi na eeh . Kapag ka ganun talaga ang ngiti mo tsak nasasapian ka na naman ng demonyo nun bitchfreny." Natatakot na sabi ni Stacie. " Hahahah ! Gusto mo ba sa susunod ikaw naman isurprise ko?" Pang aasar ni Spica kay Stacie. " Ay-- na--nakooow wag. Wag. NO THANKS ! IHATESURPRISES lalo na kung galing sayo ! Wag naman. Wag naman baka si San Pedro na makita ko bitchfreny pag nagising ako. Ayoko. Ayoko nang ganung surprises. Delikado ka. Makakapatay ka nang kaibigan mo ng wala sa oras." Natatakot na sabi ni Stacie. " Hahahaha ! Asa ka. Bakit special ka ba sakin para isurprise ko???huh?" Tanung ni Spica. " Ehhhh !! Spica naman wag mo nga kong takutin baka tuluyang mamatay ako ngayon sa atake sa puso ii."  Saad ni Stacie. Napatawa naman ang dalawa sa naging reaksyon nitong si Stacie na kasalukuyang lahat sila ay nakahiga na rooftop. " MY dear, Lhaurabelle, wake up anak. Talagang magbabayad sayo ang may gawa nun. Humanda siya sakin." Sabi ni Camilla na parang may hinala na kung sino. " Butler Akarios, anung balita dun sa delivery boy?" Galit na tanung ng ama ni Spica. " Master, pinuntahan ko mismo ang pinag orderan nun. Ang sabi ng may ari ng store boses lalaki daw yung nag paorder nun. At nang sinubukan kong itrace ang numerong ginamit sa pantawag sa kanya eey hindi na matrace. " Mahinahong paliwanag ng butler. Habang nanggigigil naman ang ama ni Spica na nakahawak sa gilid ng upuan. " SPICA? Wala ka bang planong pumasok ngayong araw na tuh kahit sa isang subject lang?" Tanung ni Jazz. " Oo nga naman Spica, madami ka ng na skip na lessons." Dagdag ni Claudetthe. " Sabihan niyo nalang ako pag mag exam na. Saka nako papasok."  Saka ipinikit ulit ni Spica ang mga mata niya. " Woooow ! Nahiya na talaga kami sa IQ namin sayo. Tara na nga guys. Di naman tayo papakopyahin ata niyan sa Exam hahaha." Pag aaya ni Jazz. " Spica?? Ayaw mo talaga?? Kahit pa magkaroon tayo ng gwapong klasmeyt??" Saad ni Claudetthe. " Gwapooo? Eh lahat ng studyanteng napasok dito mga mukang espiritistang monggo ii."Saad ni Stacie. " Gaga !!! Edi kasama na tayo dun." Basag ni Jazz. " Mas gaga ka. Nakalimutan mo na ba ang dalawang pinaka gwapo sa lahat ng university ii dito sa school nag aaral? "  Sabat ni Claudette. " Ay oo nga nuh? Pero kauri din ni Spica yung isa dun ii. Si Cyrus, na parang kabilugan ng buwan kung sumulpot lang dito sa school, napakabasagulero, black ship ng pamilya nila, nasa lowest section at eeeer an sama sama ng ugali nakakatakot puro gulo ang trip. Samantalang yung isa naman si Eros, halos pumasok naman ng isa gang tatlong beses lang dito sa school sa loob ng isang buwan pero ayos lang kasi kasing talino naman ni Spica yun kahit nakapikit kayang mag exam. Napaka angelic ng mukha, tipong walang kasalanan at muwang sa mundo. Kaya lang suplado at mukhang perfectionist." Saad ni Jazz. " Ahhh oo. Si EROS at si CYRUS. TAMA at kung hindi ako nagkakamali yung EROS nayun ay.. hahahahah TAMA ! kamuntik ko ng makalimutan si EROS yung lalaking nambasted kay SPICA nung grade 10 tayo HAHAHAHAHAHAHA------ ." Ng biglang napahinto sa pagtawa si Stacie saka tumingin ng masama sa kaibigan. " AALIS O IHUHULOG KO KAYO ISA ISA DITO." Nakapikit na sabi ni Spica habang nakatagilid sa tatlo na dali daling pinag dadampot ang bag at tumayo. " Ay affected pa din siya kay EROS. Hahaha !! " Pang iinis ni Stacie. " Isa !!" Nagsimula ng magbilang si Spica ng hindi idinidilat ang mga mata nito. " Oyyy labadabado pa rin niya si Eros hahaha !" Pang aasar ni Claudetthe. " Dalawa!" Napalakas na ang boses ni Spica. " Ayyy, sabi nga namin aalis na kami Er-- este Spica. You may now rest in peace bitchfrenny hahhaha !" Saka patakbo silang umalis. Napapangiti nalang tung si Spica. " Mga sira. Erosin nyo mukha niyo Hmmmm ! " bulong niya sa sarili. Naiwang tanging mga huni ng ibon at ihip ng hangin lamang ang naririnig ni Spica. " Haysss ! Sana ganito kapeaceful meron ang buhay ko." Saka bumuntong hininga at ipinikit ang mga  mata at hinayaang tumagos sa katawan niya ang bawat ihip ng hangin sa paligid niya. Nang biglang may naamoy si Spica. Isang amoy ng napakatamis na bulaklak na pakiramdam niya ay isinasayaw sayaw siya sa duyan ng hangin. Isang amoy na pamilyar sa kanya matagal na panahon na pero di niya matandaan kung kelan niya at saan naamoy yun. Kaya mabilis siyang napa dilat at napaupo sa pag asang makikita niya na ang nag mamay ari ng amoy na yun. Ngunit wala ni anino siyang nakita sa paligid ng rooftop. " Ang weird !" Bulong niya sa sarili. Akmang hihiga ulit sana siya ng makita ang isang box ng band aid sa tabi ng bag niya. " Kanino galing tuh?" Pagtataka niyang tanung sa sarili saka siya napatayo at mabilis na inikot ang mga mata. Pero wala talaga siyang makita. Binalikan niya ulit ang box ng band aid saka hinawakan. Napahinto siya ng malanghap ang amoy na nang gagaling sa box na hawak hawak niya ang amoy na kanina niya pa hinahanap hanap. Tila nag iwang pala isipan tuh sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali pang apat na tung natanggap niyang box na band aid sa locker niya na ganitong ganito rin ang amoy. Kaya alam niyang isang tao lang nito ang nagbibigay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD