SA BILIS NANG pag-andar ng oras, hindi na namalayan ni Melannie na tatlong buwan na niyang pinagsisilbihan si Dashiell. Sa loob ng mga buwang lumipas, nakaranas siya ng hindi maganda sa kaniyang amo. Nagiging bayolante na ito sa kaniya. Gusto mang pigilan ni Melannie ang amo ngunit hindi niya magawa dahil natatakot siya rito. Titingnan niya pa lang ito sa mga mata nito, ninenerbyos na agad siya. Kaya naman lakas-loob niyang tinatanggap ang gusto nitong gawin sa kaniya kahit noon pa man ay nagsisisi na siya na tinanggap niya ang alok nitong maging séx slàve nito. Sising-sisi si Melannie ngunit hindi na siya makatanggi pa dahil pinangungunahan siya ng kaniyang takot. Abala ngayon si Melannie sa pagluluto ng umagahan ng kaniyang amo. Pasado alas-siyete na ng umaga ngunit hindi pa rin iyon b