TAHIMIK LANG NA naliligo si Melannie nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Dali-dali niyang pinatay ang shower at tiningnan mula sa loob ng shower room ang pinto at halos mahulog ang panga niya nang makita ang amo. "S-Sir. Dashiell? A-Anong ginagawa mo rito?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Melannie sa amo. Imbes na sagutin siya nito, lumapit ito sa kaniya at binuksan ang shower room. "Labas!" madiing utos nito na agad naman niyang tinanguan. Kinuha ni Melannie ang tuwalya at binalot iyon sa kaniyang katawan. 'Paglabas pa lamang niya mula sa loob ng shower room, bigla na lang hinawakan ng amo niya ang braso niya at walang ano-ano'y hinatak siya palabas ng banyo. "Nasasaktan ako, Sir. Dashiell," angal ni Melannie ngunit parang wala lang itong narinig sapagkat nagpatulo