CHAPTER 26 ANTHONY's POV: "Uuwi muna ako sa bahay, ma para malabhan itong mga damit mo... Tsaka kakamustahin ko na rin si Janeth, baka kung napa'no na 'yon," saad ko sa aking ina na patuloy na nagpapagaling sa hospital. Malaki na ang bill ng bayaran namin dito. Pero hindi ko pinapakita kay inay na problemado ako sa pera dahil ayokong isipin niya na nahihirapan ako. Kaya sa tuwing kausap ko ang aking ina, nakangiti lagi ang labi ko. "Anak, dalawang araw na ako rito sa hospital. Kailan ba ako makakalabas?" tanong sa akin ni inay. "Kapag tuluyan ka nang gumaling , ma. Sabi ng doktor kailangan mo nang sapat na pahinga para maging malakas ka. Kaya sundin mo na lamang kung ano ang mga gamot na dapat mong inumin para mas mabilis mong mabawi ang lakas mo," pahayag ko sa kanya. Ang totoo n'y