CHAPTER 7
DAVID's POV:
WALA na ngang balita pa sa aking asawa. Mag-iisang linggo na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang katawan ni Gwyneth.
Napanghihinaan na tuloy ako ng loob. Pakiramdam ko ay tuluyan na ngang nawala sa akin ang asawa ko.
Halos ilang araw na rin akong lulong sa pag-iinom ng alak. Hindi ko hilig noon ang uminom at manigarilyo. Pero dahil sa mga pangyayari ay natuto akong magkaroon ng bisyo upang makalimutan ang sakit na nararanasan ko.
Kaso tanginang buhay 'to, kahit ilang alak pa ang laklakin ko ay nangungulila pa rin ako sa aking asawa.
"Daddy, stop drinking alcohol.. It's not good for your health... Wala na si mommy, daddy. Kaya — ayokong magkasakit ka dahil ayoko rin pong iwan mo ako," bigkas ng aking anak habang hinihila nito ang damit ko.
Lumapit siya sa pwesto kung saan ay halos marami nang bote ng alak ang naitumba dahil lahat nang ito ay naubos ko na. Kaya hindi na nakapagpigil ang bata na sawayin ako.
"Hindi pa patay ang mommy mo, anak... Hindi ako naniniwalang patay na ang mommy mo," turan ko kay Darryl para ituwid ang sinabi niya.
Everyone thinks that my wife was already dead. Pero bilang asawa ni Gwyneth, hangga't walang katawan na natatagpuan ang mga pulisya, hirap akong paniwalaan na patay na ang asawa ko.
"But Grandpa told me that mommy is gone... Hindi na raw po babalik si mommy.. Sabi rin po ng mga kaklase ko, baka kinain na po si mommy ng mga pating sa dagat," usal ng bata na tila nagpapaniwala siya sa sinasabi ng kanyang mga kaklase. Pati ang ama ni Gwyneth ay nilalason na ang isipan ng bata para tuluyan na ring hindi umasa si Darryl sa pagbabalik ng kanyang ina.
Puta! Bakit ang dali para kay papa na tanggapin na lamang ang pagkamatay ng anak niya? Kung tutuusin, siya dapat itong nagpapa-imbestiga sa pagkawala ni Gwyneth — dahil nag-iisang anak niya ang babae. Pero anong ginagawa niya? Naka-upo lang siya at naghihintay lang ng balita. Hindi man lang nito ginagamit ang kanyang koneksyon para tulungan ako sa paghahanap kay Gwyneth.
"Pekeng balita 'yan, anak... Kaya huwag kang magpapaniwala dyan... Ang mabuti pa, just pack your things at aalis na tayo rito," pagdedesisyon ko naman.
"Po? — Bakit po daddy? — Bakit po tayo aalis dito sa bahay? — Paano po kung bumisita bigla si lolo?" sunod-sunod na katanungan ng bata.
"Hayaan mo na 'yang lolo mo, Darryl. Walang ibang iniisip 'yang lolo mo, kundi ang eleksyon. Ni wala nga siyang magawa sa pagkawala ng mommy Gwyneth mo... Kaya tayo na ang lalayo sa kanya — bago pa man niya ako maunahan," pwgwiwika ko naman.
Muling sumagi sa utak ko yung pagbabanta ni ama ni Gwyneth sa akin.
Sa akin pa naman binubuntong nito ang kanyang sisi sa pagkawala ng asawa ko.
Kaya alam kong hindi imposible na kunin niya sa akin ang batang si Darryl at ilayo.
Ayokong mangyari ito. Kaya bago pa man niya ako maunahan, ako na mismo ang gagawa ng hakbang para lumayo kami ng aking anak sa kanyang lolo.
"Pero daddy, saan naman tayo pupunta? Saan na po ba tayo titira?" muling pahabol na tanong ng bata.
"May kontrata ako sa ibang lugar, anak. Doon... Doon tayo pansamantalang titira," tanging turan ko bilang sagot.
Hindi na nga ito masyadong nagtanong. Bagkus ay sinunod na ni Darryl ang utos ko at agad siyang tumakbo sa kanyang silid upang asikasuhin ang kanyang mga gamit.
Samantalang ako ay tumayo na rin para maligo nang sa gano'n ay maalis ang hang-over ko.
Matapos ang labing-limang minuto ay pareho na kaming handa ng bata. Kaya agad na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Binilin ko na lang kay Manong na siyang driver namin at guard ang bahay na siya muna ang bahalang magbantay dito habang nasa ibang lugar kami ng anak ko.
Hindi naman kami magtatagal do'n, siguro ay mga isa o dalawang buwan ang pananatili namin sa ibang lugar. Sadyang may kontrata lang ako na dapat atupagin. Kaya isinama ko na si Darryl sapagkat wala akong tiwala na iwanan itong mag-isa sa bahay. Baka kasi pagbalik ko ay malaman kong kinuha na siya ni papa na siyang ama ni Gwyneth.
Probinsya pala ang pupuntahan namin. Sa sentro ng Sta. Elena naka-tuon ang aking kontrata. Bilang engineer ay kinakailangan kong bantayan at iinspeksyon ang building na siyang pagtatayuan ng bagong negosyo sa Sta. Elena. Nagkataon na ako ang pinili ng may-ari dahil kilala rin ang pangalan ko bilang magaling na engineer sa Manila.
"Daddy, hindi na po ba ako papasok ng school? Hihinto na po ba ako sa pag-aaral?" biglang sambit ni Darryl habang nagmamaneho na ako ng sasakyan.
"Hindi ka naman titigil, anak... Maghahanap ako ng tutor mo na magtuturo sa'yo sa bahay — na pansamantala nating titirhan," saad ko rito upang malinawan siya.
"Okay po daddy... Pero daddy, miss ko na po si mommy... Hindi po siya maalis sa isip ko. Nalulungkot pa rin po ako... Sana po, buhay pa si mommy," malumanay na turan niya.
Pasimple ko naman itong tinapunan nang tingin na ngayon ay kitang-kita ko nga sa kanyang mata ang labis na kalungkutan.
"Pareho lang tayo nang nararamdaman, anak... Mahal na mahal ko ang mommy mo. Kaya nga gusto ko munang lumayo tayong dalawa para hindi tayo lamunin nang pangungulila... Maraming ala-ala ang naiwan niya sa bahay, that's why I decided na isama ka rito sa trabaho ko.. Pero katulad nang hinihiling mo, pinagdarasal ko rin na sana bumalik ang mommy Gwyneth mo," pahayag ko naman sa bata.
Nagkaroon kami ng seryosong pag-uusap ng aking anak habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.
Hanggang sa nakaramdam na nga ito ng antok. Kaya nakatulog na nga si Darryl.
Kung bibilangin ko ang oras ay umabot nang mahigit walong oras ang naging biyahe bago namin natunton ang sentro ng Sta. Elena. Pahinto-hinto nga ang nangyari kanina — dahil sa tuwing nagugutom ang aking anak ay humihinto kami sa mga fast food na siyang nadadaanan namin.
Pero sa pagkakataong ito, nakarating na nga kami sa aming paroroonan. Kaya lang — hindi ko alam ang eksaktong lugar kung saan kami mananatili ng aking anak.
Napadaan tuloy ako ng palengke para magtanong-tanong sa mga tao tungkol sa lugar na aking pagtatrabahuhan.
Marami kasing tao sa palengke kaya tiyak kong hindi ako mahihirapan na magtanong.
Nang ituro sa akin ng isang matanda ang mismong location ay mabilis naman akong nagpasalamat kasabay nang muli kong pagpapaandar ng kotse.
Pero hindi ko inaasahan na sa pag-atras ko ng kotse ay meron akong mababangga sa likuran.
"Daddy, what happened?" tanong sa akin ni Darryl.
"Just stay here, anak. Huwag kang lalabas, okay?" pagbilin ko naman sa kanya bago ako bumaba muli ng sasakyan.
Tinungo ko ang likuran ng kotse kung saan ay napaupo roon ang babaeng nakasuot ng facemask. Halos kumalat din sa kalsada ang mga gulay na pinamili niya. Kaya para hindi na lumaki pa ang gulo — ninais kong dumukot na lamang ng limang libo sa aking wallet para ibigay ito sa dalaga.
"Nagmamadali ako Miss... Kaya heto, tanggapin mo na lamang iyan para wala na akong atraso sa'yo," malamig na saad ko sa babae.
Simula nang mawala si Gwyneth ay nag-iba na ang pakikitungo ko sa mga taong nakakasalamuha ko — lalo na pagdating sa mga kababaihan.
Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago ang ugali ko. Siguro ay hindi lang talaga ako handa na makipag-usal sa ibang tao na hindi ko naman gano'n kakilala.
"Sinusuhulan mo ako ng pera? — Ganyan ka ba ka-antipatikong tao? — Simpleng paghingi lang ng sorry ay hindi mo pa masabi," inis na turan ng dalaga sa akin.
Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang boses niya. Her voice is quite familiar to my ears. Parang ka-boses niya ang asawa ko.
Kaya sa halip na makapagsalita ako, nagawa ko na lamang na titigan ang dalaga.
"Oh ano? Ayaw mo ba talaga mag-sorry ha? Masyado ka naman yatang mahambog! — Kung akala mo matatapalan mo ng pera ang ginawa mo sa akin, nagkakamali ka... Hindi ako tumatanggap ng pera sa taong hinding marunong magpakumbaba! — Bwisit!" paninigaw nito sa harapan ko nang tumayo siya.
At this moment, I was too stunned to speak. Walang salita na lumabas sa bibig ko — dahil pinili kong tanawin ang babaeng papalayo sa akin.
"Imposible David... Ka-boses niya lang ang asawa mo. Nangungulila ka lang kay Gwyneth." pagbibigkas ng utak ko para hindi ako mag-isip nang kung ano-ano.