"Mykolas, stop!" Pigil ko at mabilis na nagtungo sa pagitan nilang dalawa nang muli sana niyang susuntukin si Jercie. Hinawakan ko ang braso niya kung saan nakapulupot ang kamay nito sa leeg ni Jercie. Sinubukan ko iyong tanggalin ngunit hindi siya natinag. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig na rin ang kalamnan ko dahil sa nakikita kong dugo sa bibig ni Jercie. Pati sa ilong ay mayroon rin. Hindi ko na alam kung ilang beses nang dumapo ang kamao ni Mykolas sa mukha niya. Halata na rin sa mukha ng lalaking sinasakal niya na nahihirapan na itong huminga. Nang mukhang itutuloy pa rin ni Mykolas ang pagsuntok ay isiningit ko na ng tuluyang ang katawan ko. At kapag itinuloy pa rin niya, sa akin na paniguradong dadapo ang kamao niya. Ngunit parang wala itong nakikita at nariri