Chapter 40

1569 Words

Mga sigawan at tawanan ang maririnig mo rito sa loob ng isang bar dito sa Pub Street lalo na kapag pinapalitan ng DJ ang tugtog. Kahit na weekdays ay marami pa ring tao ang mga nagtutungo rito. Hindi nila alintana na mayroon silang trabaho o klase kinabukasan -- tulad namin. Nagyaya ang mga blockmates ko na pumasyal dito ngayong gabi. Hindi ko sila tinanggihan dahil matagal na rin simula nang pumunta kami ni Jaica dito. Kahit si Jaica, Emman at Brae ay nandito rin ngayon para magliw-aliw. At nakakapagod na magpalipat-lipat ng table dahil nasa ibang table sila. Hindi ko naman puwedeng iwanan ang mga blockmates ko. Sinabihan ko rin si Mykolas na huwag na muna siyang pumunta sa apartment dahil may lakad kami. Nakakapagtaka nga na mabilis lang itong pumayag. Ni hindi man lang siya nagtanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD