"Where the hell did you sleep last night?" Salubong kaagad na tanong sa akin ni Jaica pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ko. Humugot ako ng isang hininga saka hinawakan ang kabilang braso ko at pinisil-pisil. Ang sakit talaga ng katawan ko sa ginawa namin ng lalaking iyon, ngunit hindi na tulad noong una na nilagnat pa ako. "Nag-check in na rin ako doon sa hotel," pagsisinungaling ko. "Nainggit ako sa room ni Daddy, at doon sa bathtub niya sa banyo. I kinda miss soaking myself in the tub." I don't know if she'll buy my alibis. I just hope she would. Simula pa kaninang makauwi ako ay bumuo na ako ng kasinungalingan dahil alam ko na magtatanong ito. Hindi na rin ako pumasok sa mga ibang klase ko katulad ng sinabi ko kay Mykolas. Mas ginusto ko na lang na itulog 'tong sakit ng katawan ko da