CHAPTER 27 THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Mama!" "Hmm, yes baby Freya?" Sinuklay ko ang buhok ng anak ko. Nasa kwarto kami at nagpapahinga. After magsimba kasi, ayaw daw munang mamasyal ang mga bata kaya dito na kami kumain ng lunch sa bahay. Nag take-out na lang kami. "I love you, mama!" "I love you too baby, but mama knows kung bakit ka ganyan, ayaw mong matulog ngayong hapon, ano?'' Bungisngis siya dahil tama ako. "Kasi mama, gusto ko po pumunta sa bahay ni Tita Chevi, may baby daw po sa tummy niya mama." Aniya. Meron kasi kaming bagong kapitbahay na ang pangalan ay Chevika, buntis kaya nagagalak ang anak ko na pumunta. "Then gusto ko po mag play kay ate Chareleene po," dagdag pa niya. Ipinagpatuloy kong sinusuklayan ang buhok niya gamit ang daliri ko habang nakahiga kaming dalawa