CHAPTER 34 THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nasa table ako nakaupo habang hinihintay ang amo ko na kasama ang isang kaibigan niya. Ayon sa narinig ko kanina ay may ipapatayo raw sila na building sa isang hacienda dito sa Cebu or Negros. Maaga kami ng amo ko na dumating dito sa isang cafe to meet his client na kaibigan niya rin. Nasa kabilang table sila nag-uusap habang may tinitingnan na blueprint at dahil may food ang nasa table kung nasaan ako kaya sila lumipat doon, nahiya nga ako kalaunan dahil siguro lumipat sila doon dahil ang bagal kong kumain, kaya nainip sila. Pero sabi naman ni Ryker na kakain sila ulit kaya doon na lang sila at ako muna ang magbabantay ng mga gamit nila dito sa table like laptop at pinaiwan pa ni Ryker sa akin ang wallet niya kaya wala akong choice kundi ang ma