CHAPTER 23 THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Papasok ka anak? Baka hindi pa bumuti ang kalagayan mo? Maiintindihan naman siguro ng mga katrabaho mo kung bakit hindi ka muna makakapasok sa ngayon," nag-aalala na sabi ni mama. Nasa hapag kami para kumain ng sabay-sabay sa almusal at nagulat na lang sila kung bakit nakapag bihis na ako ng uniform namin. "Kaya nga anak! Baka hindi mo pa kaya!" Si papa. "Alis ka po mama? Okay na po ikaw?" Tanong naman ni Freya sa akin, kahit hindi na magtanong si Maynard, alam ko na ganyan din ang itatanong niya at lahat sila ay nag-aalala na nakatitig sa akin. "Ayos na si mama mga babies, pero hindi muna magkikiss si mama sa inyo hangga't hindi pa ako fully okay." Sagot ko sa mga anak ko, nilipat ko ang tingin sa mga magulang ko na ngayon ay nagtitimpla na n