CHAPTER 19 THE MAN WHO BREAKS MY HEART "OMG! This is it, pancit!" Tulad ko, walang paglagyan ang kasiyahan namin ni Rowela na sa wakas ay ito na ang hinihintay namin na pagtatapos na nga namin ng college. Lahat ng mga nakamit ko ngayon ay talagang ipinagpapasalamat ko sa Maykapal at sa mga magulang ko na walang sawang sinusuportahan ang pag-aaral ko. At ang susunod ko ngayon na hakbang ay ang pagbutihin ang pagtatrabaho ko para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa pag-aaral na kahit wala man akong natanggap na award sa paaralan pero yung salitang natanggap ko ng buong puso ang diploma ko ay isang malaking achievement na iyon sa akin. "Kahit nasa malayo na tayo ay dapat magtetext pa rin tayo ha," si Jenisa. "Dapat lang tal