RIKO POV Mag-aalas dos na ng madaling araw ay wala pa rin si Julyen. Nag-aalala na ako ni Hindi ko macontact ang phone niya. Sabi ni Papa Enrico ay kanina pa ito umalis. Hindi ko alam kung saang lupalop ko siya hahanapin. Napahilot ako sa aking sintido dahil naghanda pa naman ako para sa special dinner sana namin kanina. Nag-day off si Aling Celia kaya ako ang nagluto para sana makabawi sa kanya. At susuyuin ko siya ngunit hangang ngayon hindi pa rin siya umuuwi. Napa-upo ako sa sofa dahil ginugupo na rin ako ng antok nang maulinigan ko ang tunog ng kotse kaagad akong lumabas para tignan kung si Julyen iyon ngunit ibang kotse ang tumigil sa harapan. Kunot noo kong tinignan ang lalaking papalapit sa may gate. “Hi Mr. Riko. I’m with your wife.” Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya.