Pagkarating ni Julyen sa condo ni Louie ay agad niya itong niyakap ng mahigpit. "I miss you." Sambit ni Julyen. Habang nangingilid ang mga luha.
"I miss you too. And I love you." Sagot ni Louie.
"Kailangan mo ba talagang umalis ngayon Louie? Akala ko ba nextweek pa?" Gustuhin man niyang sumama dito hindi naman pwede. Kaya walang siyang magawa kundi ang hayaan itong umalis para sa kanyang pangarap.
"Oo julyen, I'm sorry. Napaaga ang flight namin. Don't worry about me, Mas nag-aalala ako sayo. Dapat di ko hinayaang mangyari ‘to satin. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ganun din ako, pero ayoko naman itapon lahat ng pangarap ko because this is only my last chance." Malungkot na wika ni Louie. Mahal niya si Julyen kaya mas lalo niyang gustong umalis para mapatunayan sa mga magulang nito na karapat-dapat siya para kay Julyen.
"Iintayin kita Louie. Kahit gaano pa katagal." Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan siya nito sa labi.
Mabigat sa loob ni Julyen ang pag-paalam ni Louie.
Hindi na rin siya pinasama ni Louie paghatid sa airport. Dahil baka umiiyak lang siya doon nanatili nalang siya sa condo para mapag-isa. Hindi niya napansin ang oras nakatulog na pala siya. Kaya hindi din niya namalayan ang pagtawag ni Riko sa cellphone niya.
Napabalikwas siya ng bangon nang makita niya ang wall clock alas-otso na ng gabi. Kaya agad siyang umalis ng condo at dumiretso sa bago nilang bahay ni Riko sakay ng taxi. Nang makarating na siya sa labas ng bahay ay nakita niyang may dalawang kotse sa labas ng gate nila. Kinakabahang pumasok si Julyen sa pintuan.
Nadatnan niya sa sofa ang kanyang Ina na si Carmen at ang Si Lynda ang ina ni Riko na nag-uusap. Napatingin sila sa gawin ni Julyen.
"Julyen? Where have you been? Kanina pa kami nag-aantay dito. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ng asawa mo?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Ina. Lumapit siya dito para humalik sa pisngi at ganun din kay Lynda.
"I'm sorry po Mama. May pinuntahan lang po akong kaibigan di ko po napansin yung oras at tawag ni Riko." Kinakabahan na sagot niya dito. Hindi niya alam kong naniniwala ba ‘to sa kanya. Ayaw man niyang magsinungaling sa kanyang Ina wala na siyang choice dahil mula ng ipakasal sila ni Riko. Lahat ng sasabihin niya dito sa kanilang pagsasama ay puro kasinungalingan na lamang.
"Saan po si Riko?" Tanong ni Julyen.
"Nasa kusina hija. Marunong kasing magluto si Riko kaya nag presenta na din siya na tumulong sa paghahanda ng dinner." Sagot ni Lynda.
"Mama, Papa dinner is rea—.” Nabigla si Riko nang makita niya si Julyen.
"H-Hon, andyan ka na pala. Kumain ka na ba? Sabay ka na sa amin magugustuhan mo tong niluto ko." Nakangiting sabi ni Riko. Bitbit ang chicken curry na nakalagay sa mamahaling plato. Bahagya namang tumaas ang kilay ni Julyen sa narinig nitong tawag sa kanya.
"Marunong ka palang magluto?" Makahulugang ngiti ang sinukli niya dito.
"Naku! kayong mga bata kayo talaga. Tawagin mo na inday sila Sir niyo sa pool area at kakain na kami" Utos ng Mama ni Riko. Sumunod naman ang kasambahay nila. Mabuti na lang at hindi na si Julyen tinanong ng kanyang ama.
Habang kumakain sila ay patuloy sa pag-uusap at bidahan ang kani-kanilang mga Ama at Ina samantalang puro ngiti lang si Riko at si Julyen at nakikinig sa usapan nila. Ilang oras pa ang nakalipas nagpaalam na rin mga ito.
"Riko, Magreport ka na tomorrow sa office. Sa weekends niyo na lang ituloy ang honeymoon niyo. Marami kasing paper works ang kailangan mong pirmahan" Wika nang ama ni Riko na si Condrad. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na din ang mga ito.
"Magingat po kayo" Sabay sabi ni Riko at Julyen.
"Anak pag-aalis ka make sure na inform mo ang asawa mo kung malalate ka ng uwi okay? Kung hinid naman importante ang lakad mo wag ka na lang magpagabi." Paalala ni Carmen kay Julyen.
"Okay Ma. Mag-iingat po kayo ni dad.” Nakangiting wika ni Julyen.
Pagka-alis ng kani-kanilang mga magulang ay dumiretso na si Julyen sa kwarto nila ni Riko. At sumunod naman si Riko. Pagkapasok nila sa kwarto ay agad na sinarado ni Riko ang pinto.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Ayaw mo bang ma-interupt ko kayo ng boyfriend mo?" Inis na wika ni Riko sa kanya.
Tumaas naman ang kilay ni Julyen. Akala kasi niya ay okay na dahil nakauwi naman siya sa oras ng dinner nila. Napabuntong hininga siya bago sumagot.
"Nakatulog ako sa condo ni Louie. Hindi ko na namalayan na tumatawag ka." Mahinahon niyang sagot dito.
"Alam mo ba ang sabi ni Papa? Bagong kasal palang tayo. Hindi ko na alam kung saan nagpupunta ang asawa ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipagkita ka sa boyfriend mo diba?" Sarcastic na wika ni Riko.
Napasinghap si Julyen sa narinig at hindi na niya napigilan ang sarili.
"I don't care! Nagpakasal tayo dahil pinilit lang nila tayo at saka diba ito naman ang agreement natin yung wala tayong paki sa isa’t-isa? So anong ikinagagalit mo? Why you make this things an issue? Besides hindi muna kami magkikita kasi umalis na siya papuntang France. Now are you happy?!" Nangingilid ang luha niyang lumabas sa pinto ng kwarto.
Pumunta siya sa kusina para kumuha ng redwine. Bago lumabas at umupo sa gilid ng pool. Kinuha niya ang cellphone at tinitignan ang mga pictures at video nila ni Louie na magkasama pati na rin ang pagtugtog sa harapan niya ng piano habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Louie, I miss you" Bulong ni Julyen sa sarili habang umiinom ng wine. Hindi niya napansin na lumapit sa tabi niya si Riko.
"Julyen."
"Can you please leave me alone?"
"I'm sorry,"
"Bakit ka nanghihingi ng sorry? Parehas nating gusto ‘to."
"Hindi pwedeng lagi tayong nag-aaway Julyen, baka hindi natin matagalan ang isa’t-isa alam kong nasa rules natin ang walang pakialaman. Puwede naman natin pag-usapan ng maayos." Paliwanag ni Riko.
"Naintindihan ko Riko, iwanan mo muna ako please." Agad na tumayo si Riko at pumasok sa loob ng bahay naiwan si Julyen mag-isa habang patuloy ang paginom ng wine makalipas ang isang oras binalikan siya ni Riko. Nakahiga na si Julyen sa bench sa tingin niya ay nakatulog na ito dahan-dahan niya itong binuhat papunta sa kwarto at inihiga sa kama tinitigan niya ang mukha nito at napabuntong hininga na lang agad din siyang tumayo para tumabi kay Julyen sa pagtulog.
Kinabukasan maagang nagising si Riko para pumasok sa office. Kasalukuyan siyang vice president ng kanilang kompanya at tulog pa din si julyen kaya hindi na siya nakapagpaalam at umalis na siya.
Nagising si Julyen dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa kanilang silid. Ang huli niyang naalala ay nakatulog na siya kagabi. Matapos niyang maubos ang wine. Tinatamad na tumayo siya sa higaan para bumaba sa kitchen dahil nakaramdam siya ng gutom. Nadatnan niya si Aling Celia na naghuhugas ng pinggan.
"Manang maagang umalis si Riko?” Tanong niya dito.
"Opo Maam, nagbilin din po siya na kung aalis kayo ipaalam niyo daw po sa kanya o di kaya ay tawagan niyo po siya." Magalang na sagot ni Aling Celia.
Pinaghanda siya ng kape at almusal kay aling Celia. Pagkatapos niyang kumain ay inilibot niya ang kanyang paningin sa bawat sulok ng bahay.
“Ano kayang pwede kung gawin sa bahay na ito masyadong malaki" Kunot noong tanong ni Julyen sa sarili. Nang bigla siyang may naisip. Kaagad siyang umakyat sa kwarto para maligo sa banyo at magbihis ng pang-alis.
Pagkatapos niyang magbihis ay kaagad niyang tinawagan si Alex at Ashley mga kaibigan niya since high school. At hindi naman sila tumanggi nang yayain niya ang dalawa na pumunta sa bahay para mag pool party. Nagpaalam din siya kay Aling Celia kung saan siya pupunta. Pagkalabas niya ng bahay ay agad siyang sumakay ng taxi papunta sa department store para mamili ng mga pagkain at finger foods na pwede nilang kainin sa pool. May mga alak din siyang binili. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa department store para pumili ng swimsuit na susuotin niya. Isang two piece nude color with white see through na isang dangkal ang taas mula sa tuhod niya ang napili niyang bilhin.
Saktong pagkauwi niya ng bahay ay kakarating lang din ng mga ito. Nagpasya silang manuod muna ng Netflix dahil tanghali pa lang at niluluto palang ni Aling Celia ang finger foods na kakainin nila.
"Julyen nasan nga pala ang asawa mo?" Tanong ni Ashley sa kanya habang kumakain ng friend chicken at umiinom ng beer sa sala.
"Nasa office, hindi ko alam kung anong oras yun makakauwi." Sagot niya dito habang nanunuod sila ng horror movie.
"Kumusta ang honeymoon niyo? I'm sure napalaban ka ng husto?” Pangaasar na wika ni Alex.
"Magkwento ka naman! Gusto naming malaman napaka pogi kasi ng asawa nung araw ng kasal niyo mukha siyang prince charming lalo na pag ngumingiti.” Dagdag naman ni Ashley. Hindi niya sinabi sa mga friends niya ang tungkol sa usapan nila ni Riko para wala silang aalalahanin na ibang nakakaalam sa plano nila.
"Wag na nga natin pag-usapan yan iba na lang?" Inis na sagot niya sa mga ito.
"Ay conservative talaga ng friend natin Alex." Pang-uuyam ni Ashley sabay subo ng fried chicken. Nagtawanan lang sila. Maya-maya pa ay nagpalit na sila ng bikini at lumublub sa maligamgam na pool. Inumpisahan nila ang pool party sa pagpatugtug ng party songs.
Lagpas alas singko na ng hapon ay dumating na rin si Riko galing sa opisina. Nagpaparada siya ng kanyang kotse sa parking lot nang marinig niya ang malakas na tugtug at mga babaeng nagtatawanan.
"Aling Celia anong ingay yun? At nasaan si Julyen?" Kunot noo na tanong ni Riko.
"Ay sir Riko si maam Julyen pati mga kaibigan niya nag paparty sa pool area." Sagot ni Aling Celia.
"Kaibigan? Sinong kaibigan?" Agad siyang nagtungo sa pool area para tignan si Julyen at ang mga kaibigan na tinutukoy nito. Nagulat siya nang makita niya itong sumasayaw sa gilid ng pool na naka two piece at winawagayway ang bote nang alak. Kasama ang dalawang babae na kung hindi siya nagkakamali ay naroon sa kasal nila ni Julyen.
"Damn!" Bulong ni Riko sa sarili. Hindi niya maiwasan tignan si Julyen. Dahil sa ang sexy itong sumasayaw na akala mo ay nasa bar. Napakamot siya ng ulo hindi niya napansin na nakatitig na pala siya dito. Nahimasmasan lang siya nang tinawag siya ni Aling Celia para tanungin kong kakain na siya. Pero tumangi siya at umakyat na sa kwarto nila. Napaupo sa sofa si Riko. At pilit na tinatangal niya sa isipan ang itsura ni Julyen kanina habang nagsasayaw sa gilid nang pool, Nakangiti, at nililipad pa nang hangin ang mahaba at wavy niyang buhok.
"Crazy girl.”