CHAPTER 2

1679 Words
"Eto na ho sukli niyo Ma'am" aniya sa akin ng taxi driver. Nakangiting inabot ko naman ang sukli ko. "Sige po salamat" saad ko at tuloy na lumabas mula sa loob ng taxi. Paglabas ko, direstso kong tiningala ang nasa itaas ng building. (INGRID HEART CENTER) Pangalan iyan ng hospital kung saan naka confine ngayon si baby Ameerah na ang pagkakaalam ko ay si Mr. Heiden Ingrid parin ang nagmamayari. Malawak ang kompaniya nila kahit sa anong larangan ay may pangalan at papel sila. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit lumago ang kompaniya nila. Gwapo nga pero mas daig pa niya ang mga amazonang babae kapag nagalit. Nararamdaman ko ulit yung sakit sa bawat salita na pinupukol niya sa akin sa opisina. Ganun pa man ay wala akong oras para manlumo. Paglabas ko mula sa opisina niya ay dumiretso kaagad ako dito sa hospital. Hindi na rin ako kinikibo ni Mr. Ingrid pagkatapos ng eksena kanina maliban nalang kapag kailangan kong mag-take note ng kung anu-ano sa mga meetings niya. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinipilit ang sarili na kalimutan nalang ang masamang pangyayari. Sinimulan ko nang tahakin ang daan papasok sa hospital. As I stepped inside, I suddenly felt a layer of empathy toward those sick patients that my sight just witnessed. Mga kabataan at matatanda na naglalakad at tumatambay sa may living area. I sighed at nag-papatuloy nalang sa pag-lalakad hanggang sa makarating na ako sa aking destinasyon. Pumasok ako sa isang private room. Nadatnan kong nakatulog sa mahabang coach si Lola Maring. Ang pinakamaalaga at mabait kong Lola. Napapagod na ata siya dahilan kaya bigla akong nakaramdam ng dismayado sa sarili ko. Nasa edad 75 na ang matanda pero bakas parin sa kanya ang kasiglahan. Kailangan ko ng maghanap ng bantay ni baby Ameerah baka mapapagod at magkasakit si Lola Maring kapag di na niya kinaya. I walked closer to her saka ko siya kinumot. Nilingon ko naman ang naka higa sa sa malaking kama ng silid. Malungkot ko itong tiningala at naging mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nakikita ko. How do I wish that miracle is true this time. Umupo ako at tinatanaw ang isang magandang batang babae na mahimbing na natutulog. Mapait akong ngumiti saka ko hina-haplos haplos ang kanyang noo. "Hmmm" usik niya. Naalarma ako sa pag-galaw niya. Naistorbo ko ata. "Ssssshhhh" aniya ko at dahan-dahan siyang hinahaplos. After the day that I made deal with Mr. Ingrid, dinala ko kaagad dito si Ameerah dahil nanghihina na siya nung oras na yun. Naibigay na din niya sa akin ang tseke (5 million) ang naka sulat at saka niya pinermahan. Pero nag-iwan ako ng kunti mula dun sa pera para sa pang renta ng bahay. Hindi naman pwede sa kondisyon ni Ameerah ang mag-stay sa masikip na apartment kapag on going ang pag-papagaling niya. Mahal na mahal ko si baby Ameerah. Nasa 7 years old na siya ngayon. Madalang lang siya tumatawa at nagsasalita. Lalong hindi niya nagagawang makipag laro sa kapwa niya bata dahil mabilis lang siya napapagod at kaagad nang-hihina dahil may sakit ito sa puso na mas naging malala habang lumalaki siya. Because I want her to live a normal life, I made a desperate decision just to save her. She's too young and fragile for having this kind of illness. Sometimes I asked God, bakit siya pa? kay dami-dami ng masamang tao sa mundo na pwedeng datnan bakit yung inosenteng bata pa? But I shouldn't blame God. Everything's happened with purpose. Dahil sa kabila ng lahat ng nangyayari sa amin, hindi niya kami pinapababayaan. "Ma-mashie" hindi ko namalayang gising na pala si baby Ameerah. Bakas sa kanyang boses ang paghihina. I know she's too weak this time. Sumilay sa nanunuyo at maitim niyang labi ang mala-anghel na ngiti. "Ssssssh I'm here, Mamashie is here" nakangiti kong tugon naman sa kanya. Mamashie ang tawag niya sa akin. Mama+ sister. Yun nga lang nasobrahan sa pag pronounce kaya my H. kaya naging Mamashie na ito. "Ginising ba kita?" malambing kong tanong sa kanya habang hawak ko ang isang kamay niya na walang dextrose. Umiiling naman siya ng ilang beses. "Baby, be strong okey? you're gonna be okey soon" tumango lang siya. "Ate and Lola love you so much at lalong hinding-hindi ka pababayaan ni Papa Jesus" malambing at malumanay kong saad sa kanya pero ang totoo niyan ay parang gusto ko na talagang umiyak dahil sa sitwasyon niya. Nasanay na akong baby ang tawag sa kanya dahil simula't sapul ako na ang nag-alaga sa kanya. Bakas na bakas ang panghihina sa kanyang mga mata. Kahit nakangiti pa siya alam na alam kong nakikipaglaban siya sa kanyang sakit. "Ma-ma....shie" sikap niyang pakikiusap sa akin pero nauutal siya. "Hmmm? baby don't talk nalang hah? baka makakasama sayo" alam ko ang sitwasyon niya ngayon. Hindi pa niya gaano kaya ang mag-salita. "Ma.. mashie, do you think my Guardian Angel is here?" inosenteng tanong ni baby Ameerah dahilan kaya ako napatawa. "Oo naman andito siya oh" sabi ko sabay turo sa sarili ko. "Diba ako ang Guardian Angel mo?" tanong ko naman na may halong pagtatawa. Palagi niyang sinasabi na my Guardian Angel daw siya pero sinasabi ko naman sa kanya na ako yun. Tumango si Ameerah at nagkurap-kurap saka naghikab. "Baby, sleep na hah? Bawal sayo ang magpuyat" saka ko siya kinumot. "Rinne, Iha nandito kana pala" masayang saad ni Lola mula sa likod ko na ang pagkaka-alam ko ay kagigising lang niya. "Kanina kapa ba dumating?" Nilingon ko siya. "Hindi La, mga ilang minuto pa lang" malumanay kong tugon. "Kumain kana ba ng hapunan mo Rinne? may tinira akong pang hapunan para sayo, alam ko kasi na pupunta ka dito Iha" bakas sa tono ni Lola ang pag-alala at pag-aaruga saka lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya at napabuntong hininga. Dahil sa nangyari kanina sa opisina, nawalan na ako ng gana kumain. I also skipped my lunch and break time. Isa pa hindi ako nakaramdam ng gutom sa 'twing naiistress ako. "Wag mokong alalahanin La, makita ko lang kayo ni baby Ameerah busog na ako" medyo napangiti si Lola sa sinabi ko. Ngayon ay nakatayo na siya sa tabi ko. "Ikaw talaga, kahit na Rinne kailangan mong kumain. Jusmiyo ano nalang kaya gagawin ko kung pati ikaw magkasakit?" Pag-aalala naman ni Lola. Niyakap ko siya sa beywang. Nakatayo kasi ito habang hinahaplos niya ang buhok ko at ako naman ay nakaupo. Gusto kong umiyak dahil sa sitwasyon namin. Kinaya namin tatlo ang mga paghihirap sa buhay kahit halos wala na kaming makakapitan. "Wag mokong alahanin La, okey lang ako. Sayo dapat ako mag-aalala baka kasi napapagod kana" "Napapagod? Edad ko lang ang tumatanda Iha, bumabata naman ang mga buto ko" biro naman ni Lola tsaka niya pinapapatuloy ang paghaplos sa mahaba kong buhok. Napatawa ako sa sinabi ni Lola. "Haay nako kawawang bata, Sana naman tuluyan ng magaling itong si Ameerah" nag-aalalang wika ni Lola. Bumitaw ako sa pagyakap at nilingon si Ameerah. Magiging okey din ang lahat. Nabaling ang atensyon ko sa bumukas na pinto at iniluwa nito ang isang doktor at dalawang nurse. Tumayo ako at sinalubongan sila. "Magandang gabi po sa inyo, Doc" bati ko. "Good evening too Ms. Sandievo" nakangiting tugon ni Doc "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ngayong oras na magsisimula ang operasyon para kay Ameerah" seryosong pahayag ni Doc. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Yung pakiramdam na halos hindi na ako makaginhawa. Napalunok ako dahil alam ko naman na ngayong araw ang operasyon ni baby Ameerah. Tumango naman ako sabay kagat labi. "Doc, Huwag niyo sanang pababayaan ang apo ko, kayo na bahala sa kanya, hindi siya pwedeng mawala sa amin" singit ni Lola mula sa likod ko at inabot ang kamay ni Doc na parang nakikiusap. "Doc, do your best to save her" mangiyak kong sabi sa kaanya "Please let her live" Nginitian naman ako ni Doc at hinaplos ang kamay ni Lola. Through his smile it made me feel relieved at least. "Don't worry Ms. Sandievo. Me and my team, we'll going to exert all of our effort and our best to save her. Hindi namin hahayaan na merong masamang mangyayari sa kapatid mo" the doctor said with assurance in his every words. Sinignal niya ang dalawang nurse na lumapit sa kinaroroonan ni Ameerah. Saka ko lang nalaman na dinala na nila ito palabas ng silid. Sinundan ko sila sa labas hanggang sa makarating kami sa operating room. Sumunod din si Lola sa akin. "Ma'am hindi po kayo pwede sa loob" pigil sa akin ng isang nurse nung sinubukan kong pumasok sa loob ng operating room. Naglingi-lingi ako at nahagip kong may kinakalabit sila kay Ameerah ng kung anu-ano. Hanggang sa sinarado na nila ang pinto. Napaluhod ako sa sahig at naramdaman kong niyakap ako ni Lola Maring at doon napabuhos ang luha ko sa aking pisnge. "Tahan na Rinne, magiging okey din ang lahat" bulong sakin ni Lola at tinulungan niya akong tumayo. *** Napadilat ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa pisnge ko. Nararamdaman ko ang namumugto kong mga mata dahil sa kakaiyak kagabi. Dahan-dahan ko naman ito hinaplos habang nasisilaw sa sinag ng araw. Bumalik ako sa aking huwesyo saka ko lang nalaman na nakatulog pala ako sa loob ng Chapel ng hospital. Naghikab pa ako dahil dinalaw parin ako ng antok. Bigla akong tumayo dahil sa realization. Kailangan ko nga pala tignan si baby Ameerah kung okey na ba siya. Magdamag akong nanalangin habang hinihintay na matapos ang operasyon kay baby Ameerah. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod mula sa kakaiyak kaya... ang haggard ko na ngayon. Mabilis akong tumakbo palabas pero bigla akong napahinto nung nag-vibrate ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa aking nabasa. Ang epal ko talaga. 10:00 am na pala at late na ako sa trabaho ko. Pero ang mas nakaka bother sa akin ay ang mga missed calls ni Mr. Ingrid. Bigla akong nanghina at nalilito ng di ko alam ang gagawin. Ano na gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD