Chapter 2

2425 Words
"Timothy, huwag mo na akong ihatid. Tulog pa si Ellie, eh..." ani Scarlett habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin. Bumangon ako sa aming kama. Niyakap ko siya mula sa likuran. Pinagmasdan ko ang repleksyon namin sa salamin. "Hmm... mag almusal ka muna?" binaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. "Hindi na. Nagmamadali ako." "Hindi ka ba pwedeng... magpa-late kahit na 30 minutes lang?" "Hindi pwede..." hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya. Hinalikan ko ang kanyang leeg. Napakabango talaga ng asawa ko. She's my favorite scent. Hinding hindi ako magsasawa kahit na araw-araw ko itong maamoy. "Sige na," pakiusap ko. "Mamayang gabi na lang..." bumuntong hininga siya. "Promise... sa 'yo ako buong gabi," nagkatinginan kami sa salamin. Napangiti ako sa sinabi niya. "Talaga?" "Talaga..." ngiti niya pabalik. Bumitiw na ako sa yakap. Pinaharap ko siya sa akin at mabilis na hinalikan sa labi. "Oh, sige..." nilagay ko ang ilang hibla ng buhok niya patungo sa likuran ng kanyang tainga. "Basta huwag kang magpapagod. Susunduin ka namin ni Ellie mamaya." "Okay," hinalikan niya ako sa labi. "I love you, Timothy." "I love you too.. asawa ko." Ganito palagi ang nangyayari sa amin araw-araw. Maiiwan kami sa bahay ni Ellie, pagkatapos ay susunduin namin si Scarlett pagsapit ng alas sais. Kung minsan ay hinahatid din namin siya sa kanyang opisina. Ngunit kapag hindi kaagad nagigising si Ellie, hindi na siya nagpapahatid. Katulad na lang ngayon. Simula nang ako ang mag alaga sa anak namin, marami akong natutunan. Lalo na ang pagiging matyaga at mahaba ang pasensya. Buong araw at buong gabi, ako ang magbabantay sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng mapuyat masyado si Scarlett dahil may trabaho pa siya kinabukasan. "Papa..." hagikgik ni Ellie habang pinapakain ko siya ng almusal. Nakaupo siya sa aking kandungan. Ang kanyang bibig ay medyo madumi dahil sa kinakain. "I love you..." ngiti ko sa kanya. Mas lalo siyang humagikgik sa narinig. Tinuro niya ang hawak kong kutsara. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Muli ko siyang sinubuan. Kaya namang ang lusog, eh. Masyadong matakaw. Pagkatapos ko siyang pakainin ay ipinasyal ko siya sa labas. May bagong lipat din na mag-asawa malapit sa amin. Hindi ko pa sila nakikita. Mukhang hindi sila lumalagi sa kanila bahay. O baka hindi sila lumalabas. "Gustong gusto mo talagang lumalabas," sabi ko kay Ellie. Panay kasi ang tawa niya habang naglalakad kami pababa. Tinuturo niya ang nakikita naming bundok mula sa malayo. "Ma... ma..." ani Ellie nang may makita kaming lumilipad na paru-paro. "Hindi 'yan si Mama," tawa ko. "Si Mama, nasa work..." Tinuro ulit ni Ellie ang paru-paro. Pumasok ito sa bakuran ng bahay na malapit lamang sa amin. Marami kasi ang mga bulaklak dito. "Hindi na natin 'yun makikita," dabi ko sa anak ko. "Pumasok na dun..." sabay turo sa bahay. She pouted her tiny pink lips. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa bakod ng bahay. Nakita ko ang tinuturong paru-paro ni Ellie. Lumilipad ito sa mga bulaklak. Nagulat ako nang bigla na lang niyang pindutin ang doorbell. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Bumukas ang pintuan. Lumabas ang isang matandang babae. Nagkatinginan agad kami. "Bakit?" tanong niya. "Uhh..." Inayos ko ang karga kay Ellie. "Pasensya na po. Napindot lang ng anak ko 'yung doorbell." Lumapit ang matandang babae sa amin. Binuksan niya ang kanilang gate. Nakakunot ang kanyang noo. Batid ko na sa kanyang mukha ang katandaan, na sa tingin ko'y nasa pitumpung taong gulang na. "Ganoon ba?" lumambot ang kanyang boses. "Kayo ba ang nakatira doon sa bahay na nasa itaas?" "Opo," tango ko. "Pasensya na po ulit. Tinitingnan po kasi namin 'yung paru-parong pumasok sa bakuran niyo." "Oh..." lumipat ang tingin niya kay Ellie. "Gusto niyo bang pumasok?" "Naku," tawa ko. "Huwag na po." "Sige na..." bumalik ang tingin sa akin ng matanda. "Huwag ka nang mahiya." Napakamot ako sa aking batok. Niluwagan niya ang bukas ng gate. "Pasok na."  Tiningnan ko si Ellie. Tinuturo niya ang bakuran sa loob ng bahay. "Sige na... pasok na kayo," anang matanda. Hindi ko na natanggihan ang imbitasyon niya. Pumasok na kami ni Ellie. Agad niyang nakita ang paru-paro na kanina pa niya hinahanap. Nagpumilit siyang bumaba. Nang ibaba ko siya ay mabilis siyang tumakbo sa damuhan. Sinundan ko agad siya dahil baka madapa. "Ikaw ang nagbabantay sa kanya?" tanong sa akin ng matanda. Hinawakan ko ang kamay ni Ellie. "Opo..." lingon ko sa kanya. "Nasaan ang asawa mo?" "Nagtatrabaho po," kinarga ko ulit si Ellie. "Ahh..." tango niya. "Ikaw?" "Hindi na po, eh. Binabantayan ko na lang ang anak namin. Pero dati po akong Nurse." "Oh, Nursing ang kurso ng aking apo. Nasa ika-apat na taon na siya ngayon," tawa ng matanda. "Ako nga pala si Rosana Andrada. Kasama kong nakatira dito ang aking asawa at apo..." pagpapakilala niya. "Pwede mo akong tawagin na Lola Rosa." Tumang ako. "Timothy po, Timothy Serrano. At si Ellie po... anak ko." "Maganda ang anak mo, ah..." puri niya. "Maganda po kasi ang kanyang ina." Magsasalita pa sana ulit ang matanda ngunit may biglang lumabas mula sa loob ng kanilang bahay. Nilingon ni Lola Rosa ang babaeng lumabas. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya. "Wala ka namang pasok ngayon.." Hindi niya sinagot ang tanong ng matanda. Puno ng pagtataka ang tingin niya sa akin. "Sino siya, La?" "Ah... si Timothy. Sila 'yung may ari ng bahay sa may itaas." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Lumipat ang tingin niya kay Ellie at tila natauhan siya bigla. "Timothy, si Monica nga pala... ang apo ko." "Hi," ngumiti ulit ako ng tipid. Tiningnan ko si Ellie. Humikab siya at kinusot ang kanyang mga mata. "Uhmm... mauna na po muna kami," Paalam ko. "Papaliguan ko muna ang anak ko. Tsaka papatulugin." "Oh, ganun ba?" dismayadong sabi ni Lola Rosa. "Siya, sige. Kapag may oras kayo ng asawa mo... pumunta kayo rito para maghapunan. Tayo lang naman ang magkapitbahay dito!" tawa niya. "Sige po," nilingon ko ang apo niya. Nakatulala lamang siya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pagpa paalam. Pinatulog ko ulit si Ellie sa sala nang matuyo ang kanyang buhok. Binabantayan ko siya habang nagluluto para sa tanghalian. Maaga pa naman, pero gusto kong matapos kaagad sa aking mga ginagawa. Para mamayang gising na ulit si Ellie ay hindi na ako masyadong mapagod sa pagbabantay. Habang pinapakuluan ko ang baboy ay narinig kong umiiyak si Ellie. Pinatay ko muna ang stove para puntahan ang aking anak. Umupo agad siya nang makita ako. "Pa... pa..." iyak niya. Nilahad niya ang kanyang mga kamay. Kinuha ko siya sa kanyang crib at binuhat para patahanin. "Shh..." hinagod ko ang kanyang likod. Hiniga niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Hindi pa rin siya tumitigil sa kanyang pag-iyak. Pinapatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa makatulog na ulit si Ellie. Hindi ko muna siya nilapag sa kanyang higaan. Baka kasi magising na naman siya pag ginawa ko 'yun. Kaya naman kahit na medyo mahirap ay kasama ko siya habang nagluluto. Ganoon ang naging takbo ng aming araw. Pagsapit ng alas singko y media ay umalis na kami ni Ellie sa bahay para sunduin si Scarlett. Maingat ako sa aking pagmamaneho, lalo na't nasa backseat si Ellie. Mabuti na nga lang ay hindi siya malikot pag nasa byahe kami. Nagtext na ako kay Scarlett nang makarating kami. Ako: Nandito na kami ng anak mo :) Napangiti ako nang makita na naman ang wallpaper ng cellphone ko. Its Scarlett's silhouette when she was six months pregnant. Hindi ko alam kung bakit, pero ito ang paborito ko. Tila ba pinapaalala ng litratong ito kung gaano ako kaswerte dito sa mundo. Ang dalawang anghel sa buhay ko ay nasa isang larawan. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Scarlett na papalabas sa kanilang opisina. Nanliit agad ang mga mata ko nang makitang nakasunod sa likuran niya si Lucas. Mukhang may sinasabi ito kay Scarlett ngunit hindi siya pinapakinggan ng asawa ko dahil nakatuon ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nag angat siya ng tingin at agad na nakita ang aming sasakyan. Nilingon ni Scarlett si Lucas. May sinabi siya dito at tumago kaagad ang lalaki. Kitang kita ko kung paano niya pagmasdan ang asawa ko habang naglalakad. I smirked. Kasal na 'yan sa akin. Hinding hindi mo na maaagaw. Kahit sino... wala nang makaka agaw sa pa sa kanya dahil akin na siya. Pumasok agad sa backseat si Scarlett. Isang malaking ngiti agad ang puminta sa kanyang mukha nang makita ang anak namin. Nilingon ko silang dalawa. "Namiss ko ang baby ko!" masayang sabi niya habang kinakalas ang seatbelt ni Ellie. "Ako, hindi mo na-miss?" tanong ko. Ngumiti siya. Inupo niya sa kanyang kandungan ang anak naming tumatawa. "Syempre... mas namiss kita," kumindat siya sa akin. Lumipat agad ang tingin ko sa labi niya. "Yung pangako mo sa 'kin..." paalala ko sa kanya. "Oo. Hindi ko naman 'yun nakakalimutan. Sige na... umuwi na tayo." Hindi matanggal ang tinginan namin ni habang nasa byahe. I know that look so well. Mapang-akit, nakakawala sa sarili. Pinilit kong ituon ang mga mata ko sa daan ngunit napapatingin ako sa kanya tuwing naririnig ko ang kanyang mahinang ungol. She's doing that on purpose. Hinahawakan niya ang kanyang batok. "Massage kita mamaya?" alok ko. Hindi ko na maiwasan na hindi magsalita. "Sure..." she whispered. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Mabuti na lang ay malapit na kami sa aming bahay. Nagmamadali akong bumaba para buksan ang aming gate. Pagpasok ko ulit sa sasakyan ay nakita ko ang pagkagat rin ni Scarlett ang ibabang labi niya. Alam mo talaga kung paano gisingin ang lahat sa akin, huh... Kailangan ko munang magtiis hanggang sa bago kami matulog. Hindi naman kasi pwedeng gawin iyon habang gising si Ellie. Nakaupo ako sa aming kama habang tinitingnan si Scarlett na kinakantahan si Ellie para makatulog. Sumandal ako sa headboard. Pinagmasdan ko siya habang ibinababa na niya si Ellie sa kanyang crib. Napalunok ako nang magkatinginan kami. Tinapik ko ang aking tabi para umupo siya doon. Niyakap ko agad siya nang makalapit na sa akin.  "Massage na kita?" I'm sure she felt my hot breath on her neck. "Sige..." tango niya. Tumalikod siya sa akin. Umupo siya sa pagitan ng aking mga hita. Hinaplos ko kaagad ang makinis niyang balikat at braso. Marahan na pagpisil ang ginawa ko. She softly moaned. Pinaglapit ko ang aming mga katawan para maramdaman niya ang aking init. Nalaglag sa kaliwang balikat niya ang strap ng kanyang nighties. Damn it... so hot.. so sexy.. so mine.. my wife.. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Kung minsan ay dumidiin ang pisil ko sa balikat niya. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang pisngi. Hindi siya humarap sa akin dahil pag ginawa niya iyon ay magdidikit na ang mga labi namin. "Tulog na tulog na si Ellie..." bulong ko. "Oo nga," paos na ang kanyang tinig. "Bigyan na kaya natin siya ng kapatid?" Tumungo ang mga kamay ko sa kanyang tiyan. Paulit-ulit ko itong hinaplos. "Gusto ko na ulit magkalaman ito..." "Timothy..." Nahihirapan na siya sa pagsasalita. Hindi niya alam kung hahawakan ba niya ang mga kamay ko sa kanyang tiyan,o haharap na lang siya sa akin. "S-sabi ko naman, 'd-di ba? K-kapag tatlong taon na si Ellie..." Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. "Alam ko... binibiro lang kita. Hihintayin ko ulit pag handa ka na." Napag-usapan na kasi namin ang tungkol dito. She's on a pill right now. Ang sabi kasi niya ay magbubuntis ulit siya kapag malaki na si Ellie. Pumayag naman ako sa kagustuhan niya. She's my boss, anyway. I'd like to have 5 kids, though. Pero kung hindi naman niya kaya ay hindi ko pipilitin. "Ang sabi mo... sa akin ka buong gabi." sabi ko ulit. "Ayos lang ba sa 'yong mapuyat?" "Well... ayos lang," tawa niya. "Kung ikaw naman ang dahilan... ayos na ayos lang." "Oh, yeah?" humarap na siya sa akin. Sobrang konti na lang ang distansya ng aming mga labi. "You really know how to make me hard, huh..." I licked her lower lip. "You're a moaner, though." habang nagsasalita siya ay nagdidikit na ang aming mga labi. "Really?" Ipinaramdam ko sa kanyang likuran ang aking kagustuhan. "Ako nga ba?" Pumasok ang isang kamay ko sa ilalim ng kanyang suot. I slowly touched her thighs. Napapapikit na siya sa aking ginagawa, ngunit sinisikap pa rin niyang hindi maputol ang tinginan namin. I found the fabric in between my fingers and her flesh. Bumilis ang paghinga ni Scarlett, lalo na nang unti unti kong tanggalin ang telang namamagitan sa kamay ko at sa kanya.  Ganoon pa rin ang aming posisyon nang matanggal ko iyon. Umupo ulit siya sa pagitan ng aking mga hita habang nakatalikod pa rin sa akin. Idinikit ko ang kanyang likuran sa aking katawan. Ibinalik ko ang aking kamay sa kanina'y kinalalagyan ng mga ito. A finger slid inside of her. Her warmth welcomed me. Natigilan ang kanyang katawan sa aking ginawa. Ang isang kamay ko ay niyakap siya para pumirmi siya sa kanyang kinalalagyan. "You like this..." I kissed her nape. "...so much." "Timothy..." halos magmakaawa na ang kanyang boses nang bilisan ko ang paggalaw. I rubbed myself behind her. Hindi niya alam kung saan pa kakapit dahil nakakulong ang buong katawan niya sa aking yakap. Few more movements and I felt her realease. Hinihingal siya ng husto. Napasandal ang buong katawan niya sa akin dahil sa pagod na naramdaman. Good thing, she managed to suppress her moans. "I... I think we need to take a bath," hingal niyang sabi. Mas lalong nag init ang pakiramdam ko nang marinig ang kanyang sinabi. We took a bath with so much actions. Ayoko pa sana siyang iwan sa loob kaso'y siya na mismo ang nagtulak sa akin. "Fine... fine..." I bit her lower lip. "Lumabas ka na rin para.." I cupped her chest. Tumawa siya at tinulak ulit ako palayo. "I'm tired," aniya. "Labas ka na dali..." taboy niya sa akin. Hinalikan ko ulit siya bago tuluyang lumabas. Itinakip ko ang tuwalya sa ibabang parte ng katawan ko. Paglabas ko sa banyo ay nakita kong umilaw ang cellphone ni Scarlett na nasa nightstand. Ayoko sanang usisain kung sino ang nagtext. Pero kumulo ang dugo ko nang makita ko kung kanino galing ang mensahe. Talagang nagtetext pa siya ng ganito, huh? Lucas: Good night, Scarlett :) I scrolled the old messages from him. Hindi naman nagre-reply sa kanya ang asawa ko. O kung magre-reply man, tungkol sa trabaho ang kanyang mga sinasabi. Napangiti ako... Goodnight mo'ng mukha mo. Hindi ka papansinin ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD