Chapter 1

2255 Words
"Happy birthday to you!" kanta ng lahat. Sabay naming hinipan ni Scarlett ang kandila sa cake ni baby Ellie. Nasa gitna namin siya. She giggled loudly. Pumalakpak rin siya nang makita ang mga bisita na pumapalakpak. "Happy birthday, baby!" Hinalikan namin ni Scarlett ang magkabilang pisngi ng aming anak. Muli siyang tumawa. Ang kanyang mga kamay ay sinusubukang abutin ang cake. Double celebration ang araw na ito. Birthday ni Ellie at blessing ng bago naming bahay. Noong nakaraang buwan lang kami lumipat dito kaya pinagsabay na namin ang selebrasyon. Ang bilis ng panahon. Isang taon na nga ang anak namin. Parang kailan lang nang ipanganak siya ni Scarlett. Ngayon, malaki na siya at kaya na niyang maglakad mag-isa. May mga salita na rin siyang kayang bigkasin. Ang unang salita niya ay hindi ko makakalimutan. She called me "Papa" when she was eight months old. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon. It's more than winning a lottery. Gaya rin ng napag-usapan namin ni Scarlett, ako ang tumigil sa trabaho. Ako ang nag-aalaga sa anak namin. Ayos lang naman sa akin 'yun. Hindi naman ako nagrereklamo. Lumipat na rin siya sa ibang kumpanya last month. Sakto naman ay natapos na ang kanyang kontrata. Ang mismong kumpanya dito sa Tagaytay ang nag-alok sa kanya ng trabaho. Kung sabagay, sino nga ba ang hindi kukuha sa nag-iisang Scarlett Dela Rama-Serrano? That's my wife and I'm proud of her. I will always stay beside her. Lalo na ngayon, mas lalo pa siyang nakikilala. Binuhat ni Scarlett si Ellie. Nagprotesta pa ang anak namin dahil gusto niyang abutin ang kanyang cake. Dinala niya ang aming anak sa mesa ng kanyang mga bagong kasama sa trabaho. Sinundan ko sila ng tingin. "Matutunaw 'yan…" anang isang boses. Tiningnan ko ang nagsalita sa aking tabi. Si Gabriel pala. "Ganda kasi, eh..." ngiti ko. Binalik ko ulit ang tingin sa aking asawa. Kinuha ng isa sa mga kasamahan ni Scarlett ang anak namin. Binuhat niya ito at pinisil ang pisngi. Tumawa si Ellie. Nanliit ang mga mata ko. Who's this guy again? Ipinakilala na siya sa akin ni Scarlett ngunit hindi ko na maalala ang kanyang pangalan. "Nagseselos ka?" asar ni Gabriel. Siguro'y nakita na niya ang tinitingnan ko. "Ba't naman ako magseselos?" depensa ko. "Katrabaho lang 'yan ni Scarlett. Alam naman nilang lahat na kasal na kami." "Binibiro lang kita," tawa niya. "Masyado kang defensive." "Tss. Kumain ka na nga dun…" taboy ko sa kanya. "Iniiwan mo si Soleil." Tumawa ulit si Gabriel bago ako iwan. Hindi ko na siya pinansin. Nanatili ang mga mata ko sa mesa kung nasaan si Scarlett. Hawak na niya ulit si Ellie. Nakaupo ito sa kanyang kandungan. I know, Scarlett loves me. Ngunit minsan, hindi ko pa rin maiwasan na hindi maramdaman ang selos. Lalo na sa kanyang trabaho. Marami silang nagiging kliyente. Kadalasan ay mga lalaki pa. Bilang asawa, normal lang naman siguro na maramdaman iyon. Hindi ko na lang sinasabi kay Scarlett dahil baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya. Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanila. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat ni Scarlett. Nag angat siya ng tingin sa akin. "Timothy…" ngiti niya. Tumingin din sa akin ang ibang katrabaho niya. Ang mga mata ko ay tumigil sa lalaking nasa tabi ng asawa ko. Ngumiti siya sa akin. Tango lamang ang naging sagot ko bago ilipat ulit ang tingin kay Scarlett. "Doon muna tayo sa mesa nila Gabriel?" sambit ko. "Sige," tumango siya. Nagpaalam na muna siya sa kanyang mga kasamahan. Hinapit ko agad siya sa baywang habang naglalakad kami. Si Ellie naman na karga niya ay namamangha habang nakatingin sa mga bisita. "Baby Ellie!" Masayang sabi ni Macy nang makita ang anak namin. Nagulat pa si Ellie sa biglaang pagkuha sa kanya. "Uy, dahan-dahan. Iiyak yan…" paalala ni Scarlett. "Oo nga," sang ayon ko. Hinaplos ko ang likod ni Scarlett. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako sa kanya. "Check natin 'yung ibang pagkain sa loob..." bumaba ang tingin ko sa labi niya. "Baka lumamig na." "Okay… sige…" she bit her lower lip. Nagpaalam muna kami sa aming mga kaibigan. Hindi nakawala sa akin ang nakakalokong tingin ni Gabriel. Tila ba alam niya kung ano ang gagawin namin. Walang tao sa kusina pagdating namin. Sinara ko agad ang pintuan. Tiningnan ni Scarlett ang mga pagkain. "Marami pa," aniya. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Niyakap ko agad siya mula sa likuran. I sniffed her sweet scent. Her hair is in a messy bun. Mas mabuti na 'yun, dahil mas mahahalikan ko siya ng maayos sa leeg, batok, at balikat. "Hmmm... bango," dinampian ko siya ng halik. Natigilan siya sa ginawa ko. Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanyang leeg at balikat. She's wearing an off shoulder dress, kaya naman kanina pa ako naaakit sa kanya. "Timothy... nakikiliti ako," she moaned when she felt my stubbles on her shoulder. "You like it, though..." tawa ko. My hands travelled upward. I found her chest. I cupped them slightly. Hindi ko maitago ang ngisi sa aking labi. "Timothy..." my wife murmured. Mas lalo ko pang pinag igihan ang aking ginagawa. I kissed her neck while cupping her chest. She's already panting. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa countertop. "Maraming tao sa labas…" she hissed. But then, she tilted her head to give me a better access. I don't care if we have a lot of visitors outside. Mas lalo lang nadadagdagan ang excitement sa katawan ko. "Mabilis lang naman..." I licked her neck. She was about to make another protest, pero bago pa niya magawa 'yun, pinaharap ko na siya sa akin. Agad kong inangkin ng mapusok na halik ang kanyang labi. Ang kanyang mga kamay naman ay agad na yumakap sa aking leeg. That's it, Scarlett. I delved my tongue to explore her sweet mouth. I will never get tired kissing her like this. Siya lamang ang tanging nakakapag pa liyab ng kakaibang apoy sa akin. I can't even suppress my own desire. Kasabay ng pag pikit niya ay ang pagbuhat ko sa kanya. Nilapag ko siya sa countertop. Her legs were slighty parted. Tumayo ako sa pagitan ng mga ito. Dirty and naughty thoughts crept inside my head. Hindi na ako makapag hintay na angkinin siya. Tumigil kami sa paghalik. She opened her eyes. Tiningnan namin ang isa't isa. Nakikita ko na rin ang apoy sa kanyang mga mata. "Magpo-protesta ka pa ba, Mrs. Serrano? Hmm?" I caressed her thighs. She bit her lower lip seductively. Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako na may ganitong side si Scarlett. And I like it. I like it so fcking much. Dahil ako lang ang nakakakita nito. Ako lang ang may karapatan na makakita nito. Noon, nahihiya pa siya tuwing ginagawa namin ang bagay na ito. Lalo na noong gabi pagkatapos naming ikasal. I will never ever forget her reaction that night. It was her first time... I made it so memorable. Alam ko, nangako kami noon na una namin ang isa't isa. Hindi ko natupad iyon. Nagsisisi ako noon. Sana'y natupad ko rin ang pangako ko para siya ang una ko. But… I never touched another girl after that. At sinisigurado ko na si Scarlett na ang huli. Of course, she is… and will always be... because she's my wife. Naglakbay ang mga kamay niya sa butones ng aking suot. Isa-isa niyang binuksan ang mga ito. "Ikaw, magpo-protesta ka pa ba, Mr. Serrano? Hmm?" balik niya sa aking tanong. Hindi pa rin napuputol ang aming tinginan. "Kahit kailan... hindi." Bumilis ang paghinga niya nang pumasok ang mga kamay ko sa loob ng kanyang dress. I am now touching her thighs without any barrier. Napakakinis at napakalambot talaga nito. "I can make you pregnant, right now…" I teased. "Kaya ko 'yun, Scarlett. Dito mismo sa countertop." Mas lalong bumilis ang paghinga niya. My fingers were already touching the fabric in between her thighs. Her body tensed because of the sensation. I moved further until I felt her dampness. Hindi na niya naituloy ang pagbukas ng mga butones. Siya na mismo ang sumiil ng halik sa akin. Napangiti ako. Sinuklian ko agad ang halik niya nang walang alinlangan. I entered her mouth with so much passion. Mas lalo pang lumalim ang aming halikan. I am already touching her. Bawat galaw ng kamay ko ay siyang pagdaing niya. Hindi ko tinigilan ang kanyang labi para hindi kumawala ang ungol sa kanyang bibig. "I love you so much... Scarlet," I murmurmed in between our deep kisses. Nakakabaliw ito. Sobrang nababaliw na ako sa kanya. I can already feel the reaction of my body. I'm sure she's aware of what’s happening to me. Ipinaramdam ko iyon sa kanyang mga hita. Ang mga kamay niya ay bumaba, tila kinikiliti ang bawat balat na nadadaanan. I am so fcking turned on because of that. I am so hard, I can even come any minute. Sht... Konti na lang ang pising natitira sa akin. Malapit na itong maputol. "Scarlett?" Natigilan kami sa paghahalikan ng asawa ko dahil sa aming narinig. Ibinaba ko agad si Scarlett at inayos ko ang kanyang sarili. Mabuti na lang ay nai-lock ko ang pintuan! Kung hindi, baka nahuli na kami ng kung sino man ngayon! Sinara ko na ang aking damit. I feel so frustrated. Kung sino man ang nasa labas, siguraduhin niyang importante ang kanyang sasabihin! Bago namin buksan ang pintuan, hinalikan ko ulit ng mariin sa labi si Scarlett. Ipinaramdam ko sa kanyang tiyan ang kanyang kagagawan. "Kasalanan mo yan," tumatawang bulong niya. Bahagya niyang tinulak ang aking dibdib. Napasimangot ako sa sinabi at ginawa niya. Pagbukas pa lamang ng pintuan, tila nagdilim na ang aking paningin. Really, huh? Anong kailangan ng lalaking ito? "Uh... Lucas?" nalilitong tanong ni Scarlett. Hinapit ko agad siya sa baywang. "Bakit?" "Hmm… ano... nag CR ako tapos narinig kong… uh… may nag uusap dito," lumipat ang tingin niya sa akin. Alam ba ng lalaking ito ang salitang 'privacy'? "Ahh, ano kasi..." hindi alam ni Scarlett kung ano nga ba ang sasabihin. "Hindi mo na kailangan malaman kung anong pinag uusapan naming," malamig kong sabi. Hinila ko agad palabas ang aking asawa. "Timothy... ba't mo sinabi 'yun?" Tanong ni Scarlett habang naglalakad kami palabas. "Dapat ay alam niya ang salitang privacy. Tss…" Lumapit kami sa mesa nila Mommy. Hawak niya si Ellie habang kausap ang kanyang mga kaibigan. "Oh, saan kayo galing?" tanong niya nang makita kami. "Sa loob lang," kinuha ko sa kanya si Ellie. Uminit na naman ang dugo ko nang makitang papalapit sa amin si Lucas. "Uhh.. ano. Pasensya na kanina." Malamig ko siyang tiningnan. "Ayos lang…" bumaling ako kay Scarlett. "Akyat muna natin si Ellie." Anyaya ko sa kanya. Inayos ko ang pagkaka karga kay Ellie. Kinukusot na niya ang kanyang mga mata. Sigurado akong inaantok na siya. "Ah, sige Lucas... akyat na muna namin si Ellie," paalam naman ni Scarlett. "Sige… pasensya na ulit," nanliit ang mga mata ko nang dumapo ang kamay niya sa balikat ng asawa ko. Hindi kami nag iimikan ni Scarlett hanggang makarating sa kwarto. Nakapikit na ang mga mata ni Ellie nang ibaba ko siya sa crib. Pinagtimpla naman siya ng gatas ni Scarlett para maging masarap ang tulog niya. Umupo ako sa aming kama habang pinagmamasdan si Ellie na natutulog. "Napano ka?" seryosong tanong ni Scarlett. Umiling ako. "Sus..." umupo siya sa tabi ko. "Bakit parang mainit ang ulo mo?" I can sense humor on her voice. "Hindi naman," nag iwas ako ng tingin. "Eh, ba't parang galit ka kay Lucas?" "Hindi ako galit," depensa ko. Hinawakan niya ang aking mukha. Napaharap ako sa kanya. "Kilala kita, Timothy. Alam na alam ko kapag galit o nagseselos ka." I sigh heavily. "Iba ang kilos at salita mo, Timothy…" aniya ulit. "Nagseselos ka ba kay Lucas?" "Fine," sagot ko. "Medyo nagseselos ako. Lalaki ako, Scarlett. Alam 'ko yung mga ganung galawan. May tiwala naman ako sa 'yo... pero yung mga lalaking katrabaho at kliyente mo... wala akong tiwala sa kanila,"  pag amin ko. "Mahal kita, syempre. Kaya minsan... alam mo na, nagseselos ako." Kita ko ang pag silay ng ngiti sa kanyang labi. "Timothy…" she softly said. "Ikaw ang pinakasalan ko, ‘di ba? See this?" sabay pakita sa wedding ring namin ba naka suot sa kanyang daliri. "Kapag nakita nila ito... hindi na sila magtatangka." "Hindi lang talaga maganda ang kutob ko sa Lucas na 'yun," bumuntong hininga ulit ako. "Bakit? Paano mo naman nasabi?" "Iba ang mga galaw niya. At talagang ang lakas pa ng loob niyang hawakan ka sa balikat sa mismong harapan ko." Tumawa si Scarlett. "Ang cute mong magselos," pinisil niya ang aking pisngi. "Mrs. Serrano na ako. Sa ‘yo ako ng buong-buo…" hinalikan niya ang aking labi. Nawala lahat ang mga negatibong bagay sa aking isip. Napangiti ako sa kanyang sinabi. "I love you so much, Scarlett." "I love you too…" itinapat niya ang kanyang labi sa aking tainga. "Alam ko nabitin ka kanina... kaya ituloy na natin." Natigilan ako. Muli kaming nagkatinginan. "Uh, si Ellie... natutulog." Tumayo si Scarlett. Kinuha niya ang bote ng gatas. Wala na itong laman. Nilagay niya ito sa mesa. "Naubos na," mahina niyang tawa. "Malalim na ang tulog niya." Napakamot ako sa aking batok. Umaakyat na naman ang init sa aking katawan. "Huwag ka nang magpakipot Mr. Serrano," tawa ni Scarlett. Hinila niya ako palapit sa kanya. "Alam kong gusto mo rin…" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD