Tulad ng inaasahan ni Laarni ay sinundo siya ni Kyre kinagabihan. Nagpapaalam pa ito sa mommy Ethel niya na hindi daw siya iuuwi ni Kyre sa kanila ngayong gabi. “Saan naman ang punta n’yo, hijo?” tanong ni Ethel sa binata. “Mag-road trip lang kami, tita. Kung saan kami abutin ngayon ay doon kami matutulog,” sagot naman ni Kyre. “Papayag ba ang anak ko?” makahulugang tanong ni Ethel sa kanya. “Papayag ka di ba, sweetie?” balik tanong ni Kyre kay Laarni. “May choice pa ba ako? Narito kana,” pabalang na sagot ni Laarni. Ang hindi lang talaga maintindihan ng dalaga ay kung bakit ito ginawa ni Kyre. Kung tutuusin ay wala namang sila. Pero kung maka-asta ay parang pagmamay-ari siya ng lalaki. Kung tungkol pa rin sa deal kaya ganito ito sa kanya ay matagal ng tapos yon. Isa pa, nasu