Chapter 3

1509 Words
"Ano? Gusto mo akong kalaro?" Pagkaklaro ni Laarni sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya naman ay tinapon ni Laarni sa kanya ang bolang hawak nito. May dala kasi siyang bola dahil balak niyang mag practice sa bahay mamaya. "Tara, punta tayong court, doon tayo maglaro tayo," sabi naman ni Laarni sa lalaki. Buong akala ni Laarni ay susunod ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang hinila ng lalaki at kinaladkad patungong sasakyan nito. "Hoy, saan mo ako dadalhin?!" Nagpumiglas si Laarni habang hawak ito ni Mr. Mendoza. "Sabi mo, maglaro tayo. s**t!" Pinasan lang naman ng lalaki si Laarni at deniposito sa passenger's seat ng sasakyan niya. Ang gara naman ng sasakyan niya naka-Porsche pa. Umikot naman ito at sumakay sa driver's seat. "Akala ko ba maglaro tayo? Bakit mo ako kinadkad dito?" Pabalang na tanong ni Laarni sa kanya. "When I say playmate, it's not literally playmate," pa-misteryosong sabi niya. "Eh, ano pala? Paki-explain po," sabi naman ni Laarni sa kanya ngunit nag smirk lang ito saka pinausad na ang ang sasakyan niya. "Gago!" sabi ni Laarni sa kanya. Ngunit parang wala lang effect sa kanya yon. Nanahimik na lang si Laarni ngunit sadyang di siya sanay sa tahimik kaya naisipan niyang i-play ang stereo ng sasakyan niya. At naghanap ng music na makapagpabuhay ng dugo niya. "Sinabi ko bang makialam ka sa sasakyan ko?" tanong naman ng lalaki. Hindi pa kasi Alam ni Laarni ang pangalan nito. Basta ang alam niya ay siya si Mr. Mendoza. "Paki mo ba? Kinaladkad mo ako dito tapos pagbawalan mo ako. Edi, sana iniwan mo ako doon wala ka sanang problema," bwelta ni Laarni sa kanya. "You know what, lady? You ruined my temper!" sigaw ng lalaki kay Laarni. "You know what, you know what, my ass," Panggagaya ni Laarni sa lalaki sa mahinang boses. Napairap pa ang huli hanang sinasabi niya yon. "I heard you!" Tela nawalan ito ng pasensya kay Laarni. "Narinig mo naman pala, sinabi mo pa," pilosopong sabi ni Laarni sa kanya. Sa gulat ng huli ay bigla na lang inapakan ng malakas ng lalaki ang preno muntik na pang mauntog si Laarni kung hindi naka-seatbelt. "Get out!" Sabi ng lalaki kay Laarni. "Edi, lumabas!" Hindi nagpapatalong abi naman ni Laarni. Tinanggal niya ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan ng bigla nitong paandarin ang sasakyan at pinausad ng matulin. "What's duh! Patayin mo ba ako!" Bwelta ulit ni Laarni sa lalaki. Mabilis na ni-lock ulit ni Laarni ang seatbelt. Mahirap na baka tuluyan siyang mauntog dahil sa kagaguhan nito. Bawal pa naman siyang ma-injured at may laro pa sila sa susunod na araw. "I changed my mind. I just pulled out my investment na lang. Instead of dealing with you, hard headed woman," sabi niya. "Ano?! Bakit nadamay business ng daddy ko?" tanong ni Laarni ngunit di na siya sumagot. Nagpatuloy lang ito sa pag drive. Napa-make face na ang si Laarni sa sinabi niya. Kinakabahan siya baka totohanin nga ng lalaki ang pag-pull out ng investment nito. "Sige, na nga. Anong gusto mong laro? Laruin natin," bumaling pa si Laarni sa lalaki at nag-puppy eyes. Ngunit parang di effective kaya naman sinubukan niyang hawakan hita nito at hinimas-himas. "s**t!" rinig niya sabi nita. Nainis naman si Laarni kaya tinigilan niya ito. "Edi, wag. Ikaw na nga tong tinanong kung anong gusto mo. Ayaw mo pa," sabi pa ni Laarni sa kanya sabay irap. "You don't know what you're doing, woman," sagot naman ng lalaki Di na siya nagsasalita baka kung ano na namang masabi at lalong masigawan niya. Di nagtagal ay huminto ang sasakyan niya. Napatingin si Laarni sa labas. Nakita niyang nasa isang five star hotel sila "Bakit tayo nandito?" naguguluhang tanong ni Laarni sa lalaki. "Ano bang ginagawa ng mga taong nandito?" balik tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Laarni at pinag-cross arm niya ang mga braso sa dibdib na para bang may gagawin itong masama sa kanya. "Tsk." rinig niyang sabi ng lalaki saka lumabas na sasakyan. Umikot ito at binuksan ang pinto sa gawi ni Laarni. "No, di ako lalabas. Ayaw kong sumama sayo sa loob," umiling-iling na sabi ni Laarni. "Ano bang nasa isip mo, babae? Nasa loob ng restaurant ang mga magulang mo. Naghihintay sayo." Wika nito. Napatuwid naman siya ng upo. "Sa restaurant tayo pupunta? Hindi sa hotel," pagkaklaro ni Laarni kanya. "Gusto mo sa hotel na lang kita idiretso?" sabi naman niya. "Ay, hindi. Hindi," sagot ng dalaga at mabilis ang kilos na bumaba sa sasakyan niya. Saka naglalakad papasok sa loob. Napailing naman itong sumunod sa babae papasok ng hotel. Ngunit napabaling siya sa kanya ng maalalang di pala niya alam kung saan ang restaurant dito. "Saan ang restaurant dito?" "Tsk. Naunang maglakad di pala alam saan pupunta," Sabi nito saka hinila ang dalaga. Hindi, kinaladkad siya patungo sa kabilang swing. "Kailangan talaga kaladkarin?" reklamo ni Laarni sa kanya. "Shut up or sa hotel suite kita ediretso," Nainis na sagot niya sa babae. Tumahimik naman si Laarni. Mahirap na, baka totohanin niya ang sinabi. Pagdating doon sa restaurant ay namataan niya ang mommy Ethel at daddy Ramon sa isang misa. Masaya silang nag-uusap. "Mommy! Daddy!" Sigaw ng dalaga sa kanila. Napatingin tuloy sa kanila ang magulang na nandito sa restaurant. Napa-face calm naman ang lalaki saka binitawan si Laarni. Tumakbo naman ang huli patungo sa kinaroroonan ng magulang. Panag hahalikan ni Laarni pareho ang magulang at niyakap ng mahigpit ang daddy mula sa likod niya. "I miss you, daddy," sabi ni Laarni sa daddy nito. "I miss you, more, anak," Sagot naman ni daddy Ramon niya. "Bakit kasi di ka na lang tumira sa bahay, daddy. Para sama-sama tayo. Para happy family tayo," reklamo kaagad ng dalaga sa kanya. "Naku, anak. Wag mo nang ipilit. Baka palayasin pa ako ng mommy mo kapag tumira ako sa inyo," pinalubo na lang dalaga ang magkabilang pingi niya. "Stop doing that. Di kana bata, Lani, para palubuin mo ang mga pisngi mo," sermon ng mommy ni Laarni. Napaupo na lang ang dalaga sa bakanteng upon katabi ng daddy niya. "Ahem," narinig ni Laarni namay tumikhim sa likod niya. Si Mr. Mendoza pala. Nawala sa isip niya na magkasama pala silang dalawa. Tumayo naman ang daddy niya upang makipag kamay sa binata. "Thank you, Mr. Mendoza sa pagsundo ng unica hija namin." Sabi Ramon sa binata. "No problema sir. About my investment, I'm going to pull ou-" "Hoy, pumayag na nga ako, diba?" putol ni Laarni sasabihin niya. Ayaw ni Laarni na mag tampo sa kanya ang daddy niya. Kahit naman hindi niya laging kasama ang daddy niya, never silang nagkatampuhan. Kahit maghihiwalay ang mommy at daddy niya, present sila kapag may ganap sa buhay ni Laarni pag kailangan ng presensya ng magulang. "Pumayag ka nga ba?" Baling naman sa ni Mr. Mendoza sa dalaga ngunit nakikita na naka-smirk pa. "Oo nga. Paulit-ulit lang ang peg?" Pilosopong sagot ni Laarni kanya. "Teka, pumayag saan?" Tanong din ni Ethel na hindi masakyan ang pinag-usapan ng dalawa. "Pumayag na maging kalaro niya sa volleyball, mommy," seryosong sagot ni Laarni. Napatawa ng malakas si Mr. Mendoza sa sinabi ng dalaga. "May nakakatawa ba sa sinabi ko, Mr. Mendoza?" Nakataas ang kilay niya tanong sa binata. "It's Kyre for you, Miss Villegas," Sabi nito kay Laarni. "Huh?" Di agad na gets ni Laarni ang sinabi ng binata. "I'm Jude Kyre Mendoza. You can call Kyre if you want," sabi niya sa dalaga. "Ah, okay," napa tango-tango namam si Laarni. "Ah, pwedeng magtanong sayo Mr. Kyre?" "Shoot. God ahead," Sagot naman niya. "Ilang taon ka na?" Curious na tanong ni Laarni. "I'm turning 34 this coming February." Sagot niya sa tanong sa dalaga "Ah, dapat pala tawagin kitang kuya. Matanda kana pala. 23 lang ako," sabi naman ni Laarni sa kanya. Naningkit naman ang mata niyang nakatingin sa dalaga. Nag peace sign naman ang huli saka palihim na kinuha ang kutsara at tinidor at nagsisimula ng kumain ng desert na nasa harapan namin. Mahilig kasi sa mga matatamis na pagkain, mapa cake man yan, chocolate, fruit shake or candy si Laarni. Basta matatamis magniningning ang mata ni Laarni. Tinampal naman tinampal namn ni Ethel ang kamay ng anak. "Pambihira kang bata ka. Wala ka pang kain na kanin, dessert agad ang nilalamon mo. Ito kainin mo, saka na tong matamis. Kapag ikaw magka-diabetes, ewan ko nalang." Sita ni Ethel sa anak saka pinalitan ng plato na may lamang kanin at ulam ang shake na nilantakan na linatakan ni Laarni. "Mommy, naman eh. Ang hilig pumutol ng kaligayahan ko,vReklamo ng dalaga sa mommy nito. "Eh kung pagbabawalan na kitang kumain ng matatamis, gusto mo?" Bwelta naman ni mommy ni Laarni. "Sabi ko nga kakain na ako." Pa cute na sabi ng dalaga kaya sinubo niya ang pagkaing nilagay ng mommy niya sa plato. "Kakain din pala, dami pang satsat." Sabi ni Ethel. Nag peace sign ulit ang dalaga para di na siya masermonan pa ng magulang. Mahirap na baka mawalan pa siya mg allowance pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD