"So I cut you off---! I don't need your love
'Cause I already cried enough...
I've been done! I've been movin' on since we said goodbye...
I cut you off---!!
I don't need your love, so you can try all you want... Your time is up, I'll tell you why---"
Pakanta-kanta si Coffee habang palabas ng banyo. Kakatapos lang niya maligo.
"---You say you're sorry. But it's too late now.--So save it, get gone, shut up!!
'Cause if you think I care about you now
Well, boy, I don't give a F"
Sinasabayan pa rin niya ang tugtog habang nagpapalit na ng damit. Sobrang gusto niya ang kantang iyon. Ginamit pa niya microphone ang suklay.
"--mommy?"
napasulyap siya sa isang munting tinig na tumawag sa kanya.
"--yes, mahal ko?" napangiti siya.
Nakasuot na ng pink uniform ang kanyang limang taong gulang na anak. Si Sugar. Nag-aaral na ito ng kindergarten sa isang private school di-kalayuan sa tirahan nila.
"Papasok na ako mommy. Si Lolo maghahatid sa'kin."
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Sige, mahal ko. Ingat kayo ni Lolo. Galingan mo sa school a'?"
Patakbo lumapit sa kanya si Sugar at binigyan siya ng matamis na kiss sa labi. Smack.
"--love you, mommy"
"I love you more--" ani niya sabay mahigpit na yakap sa anak.
Natigil sila sa paglalambingan ng may kumatok sa pinto. Naroon na pala ang Papa niya nakatayo sa bukana ng pinto.
"Tara na--baby Sugar. Baka ma-late tayo."
"Ba-bye mommy!" paalam ng anak sabay flying kiss habang siya naman umaktong sinalo ang flying kiss at nilagay sa dibdib niya. Nagtawanan sila mag-ina.
Nang makaalis na ang mga ito. Nag-ready na rin siya umalis papunta sa kanyang maliit na clinic.
Tinayo niya ang Diman's Medical Clinic matapos siya manganak kay Sugar.
Pediatric at General consultation ang ginagawa niya. Simula kasi malaman niya buntis siya six years ago, naisip niya mag-resign sa hospital.
Mas matutukan niya ang paglaki ni Sugar at hindi siya busy katulad ng nasa hospital pa siya.
She sighed. Yes, its been 6 years since he last saw Noriko. Sugar's father. Last communication nila ay tumawag pa ito sa kanya bago ito umalis pabalik ng Turkey after that--he never call even once.
Masakit dahil umasa siya. Stupid!
Mas doble ang sakit ng malaman niya buntis siya. Sinubukan niya makipag-usap kay Mr. President Miranda upang malaman paano makakausap si Noriko ngunit napag-alaman niya, inatake ng heart attack ang president ng Miranda Medical Hospital at na-confine sa Amerika kasama ang asawa nito.
Mula noon, nawalan na siya ng pagkakataon makausap pa muli ang binata.
*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈
SAKTONG alas nuwebe na ng umaga nang makarating sa sariling clinic. Kasama niya ang dalawang nurse at isang Med tech.
"Doc, 10 consultations lang po. mild fever, colds and coughs po.
Tumango siya. "Thanks, Nini"
At kinuha na ang mga records ng waiting patients niya. Usually, ganun na ang nakasanayan niya routine. Alas nuwebe ng umaga siya papasok at aalis siya ng Ala-una ng tanghali para sunduin si Sugar sa school. Babalik siya ng Alas-tres ng hapon sa clinic hanggang sa magsara ng Ala-syete ng gabi..
Kahit papaano malaki naman ang kita, napapasahod naman niya ang tatlong kasama niya sa clinic.
Mas okay na 'yun ganito, hindi siya stress at marami siya oras para sa anak.
Kinakaya niya ang pagiging single mother. Wala siya choice kundi kayanin.
Nang malaman ng kanya Papa ang pagbubuntis niya, aminado siya natakot at nahihiya siya dahil sa sinapit niya. Buong akala niya magagalit ito sa kanya, ngunit mali siya ng akala. Masakit man para rito ang nangyare sa kanya. Walang pangingimi ito niyakap siya at tinanggap ang "blessing" sa buhay nila.
Pabor pa nga sa Papa niya dahil may aalagaan ito. May maingay na uli sa bahay nila bukod kay Cream Ann.
Speaking of Cream Ann, nasa Hawaii na ito kasama ang asawa nito si Miles.
Doon na ito nagpakasal at nagpasya manirahan.
Napangiti siya. Masaya siya para sa kapatid.
Nahinto ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya. Si Taner ang caller. Sinagot niya ang tawag.
"Yes, Taner?"
"--reminder ko lang Miss Kape, birthday ko ngayon. Paki-deliver dito si Asukal, para tumamis ang araw ko. Magbe-bake ako ng cake."
natawa siya sa sinabe ng binata.
Naging malapit sila magkaibigan ni Taner. Alam nito lahat ng nangyare sa buhay niya. Ninong din ito ni Sugar.
"Sige po--dadaan kami dyan. Mag reregalo pa ba ako?"
natatawang wika niya.
"--si Asukal lang sapat na."
Napapailing siya. Ini-spoiled talaga ni Taner ang anak niya.
"Okay. Noted. Happy birthday. See you later!"
"Thanks Kape! Bye. See ya"
Nang matapos ang tawag nagbigay na lamang siya ng instruction sa dalawang Nurse at nagpaalam na aalis siya.
Pag ganun kase, nag-uutos siya maaga magsara ng clinic. In case may patient na darating ng hapon, ina-advised na lamang na bumalik kinabukasan. Open naman ang clinic niya mula lunes hanggang linggo. Nagsasarado lamang sila pag holiday o may pupuntahan siya mga seminar.
Susunduin na muna niya si Sugar sa school nito. At saka sila di-diretso sa bahay ni Taner.
Palabas na sila ni Sugar sa school nang mapansin niya ang isang nakaparadang itim na Ducati Scrambler sa tabi ng kotse niya. Naka- All black suit ang driver, hindi niya makita ang mukha nito dahil sa itim na helmet nito na nakasuot pa rin sa ulo nito.
Hinawakan niya ng mahigpit ang anak. Uso pa naman ang kidnapping ngayon, mga bata nag-aaral sa private school ang puntirya.
Kaagad niya pinapasok si Sugar sa back seat ng sasakyan.
Umikot siya patungo sa driver seat side. Tinapunan muna niya uli ng tingin ang lalaking nakatayo paharap sa kanya. Hindi niya alam kung sa kanya ba ito nakatingin dahil nanatili lang ito nakatayo.
Kahit nakaramdam siya ng pangamba, hindi na lamang niya inintindi. Mabilis na pinasibat niya ang sasakyan para makaalis na.
"Mahal ko--Birthday ni Ninong today. Daan tayo sa kanya?"
Lumiwanag ang mukha nito.
"Yes! Yes! Punta tayo kay Ninong Handsome."
Nagbubunyi wika nito at tinaas pa ang dalawang kamay.
Abot tenga ang ngiti niya dahil sa saya nakikita niya sa mga mata ng anak niya.