CHAPTER 21

1587 Words
"Wow!" Bulalas iyon ng dalawang bata habang tanaw ang malawak na resort na pagmamay ari ni Jaycee sa probinsya ng Laguna. Nakatanaw sina Ivan at Bella mula sa bintana ng kwarto ng hotel na tinutuluyan nila. "Ang ganda dito sa resort 'no?" ani Blessa kay Kira habang inaayos sa cabinet ang mga gamit ng dalawang bata. "Hoy!" "Ha?" Baling ni Kira dito. "May sinasabi ka?" "May problema ka ba?" nag aalalang tanong niya sa kaibigan. Naupo si Kira sa kama at pabagsak na nahiga roon. Kunut ang noo at diretso ang tingin sa kisame. "Ano'ng problema?" usisa ni Blessa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kira at namasa ang mga mata sa luha. "Kira?" tawag ni Blessa habang may pag aalala sa boses. "Kung ano man 'yang problema mo handa akong makinig," aniya pa. "Hindi na matutuloy ang kasal ko, Blessa." Doon na nanginig ang boses ni Kira. "Wala ng kasalang mangyayari." Humihikbing dagdag pa nito. "Bakit?" "Nalaman ng parents ni Aries ang trabaho ko noon. Ayaw daw nilang makaladkad ang malinis na pangalan nila sa iskandalo," luhaang kwento ni Kira. "Matagal ka ng wala sa ganoong linya ng trabaho 'di ba?" agap ni Blessa. "Model ka na ngayon. Matinong trabaho na ang meron ka." "Hayaan mo na!" ani Kira at bumangon sa pagkakahiga saka pinunasan ang mga luha. "Kung ayaw nila sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko," seryosong sabi pa nito. "Ano ang sabi ni Aries?" "Ano bang magagawa ng lalaking walang sariling paninindigan sa buhay? Mas pinili niya ang magandang buhay na kayang ibigay ng mga magulang niya kaysa sa akin. Umasa ako..." Natakpan ni Kira ang mukha dahil sa muling pag iyak. "Akala ko pipiliin n'ya ako, eh. Sa mga palabas lang pala nangyayari 'yon!" Lumapit si Blessa sa kaibigan at niyakap ito saka hinagod ang likod para patahanin. Nasasaktan siya para sa kaibigan. Nang huling magkita sila ni Kira ay masaya pa ang kaibigan dahil nga niyaya na siyang magpakasal ni Aries. Ilang araw lang ang lumipas ay ganito na agad. Gusto man niyang sabihan ito ng mga bagay na makakapag pagaan sa loob ng kaibigan ngunit alam niyang hindi sapat iyon para maibsan ang sakit sa puso nito. "Okay lang naman ako, 'te! Keri ko 'to! Ano ka ba?!" Tumawa pa ito at pinunasan ang mukha na basa ng luha. "Handa na ba ang surprise mo para kay Lucas mamaya?" Pag iiba pa nito sa usapan. "Balak ko sanang 'wag na munang ituloy. Hindi ka okay, eh," sabi pa ni Blessa na nasa boses pa rin ang pag aalala. "Ano ka ba?! Ituloy mo para naman mas gumanda ang lovelife mo! 'Wag mo 'kong intindihin dahil ayos lang ako. Kering-keri ko 'to!" nakangiting tugon ni Kira sa kanya. "Kira..." "Moment n'yo 'to ni Lucas, Blessa. Saka 'wag mo akong alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko. Ako pa ba naman? Sa dami ng pinagdaanan ko hindi ako susuko ng basta basta 'no!" Ngumiti siya ng tipid at muling niyakap si Kira. "Salamat, ha. Basta kapag kailangan mo ng kausap sabihan mo lang ako." Kinagabihan ay dinala sila ni Jaycee sa restaurant na nasa loob lang din ng resort. May resto bar din doon na punung-puno yata dahil sa dami ng tao sa labas pa lang. Kung ganito nga naman kaganda ang ambiance ng resort na pupuntahan mo at mag-i-enjoy ka susulitin mo talaga. "Jaycee, saan p'wedeng ipasyal ang mga kids dito?" maya maya ay tanong ni Kira. "Puro pang adult kasi ang nakikita ko." "May playground para sa mga bata sa other side ng resort. May arcade din doon. Gusto mo bang puntahan?" ani Jaycee at tumingin pa sa dalawang batang biglang nagningning ang mga mata. "Blessa, dadalhin ko muna ang mga bata doon, ha." Tumayo na ito at isinukbit ang sling bag. "Let's go kids! Maglalaro tayo!" excited na ani Kira at parang batang hinila ang dalawa palayo kina Blessa. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Blessa para sa kanyang kaibigan. Alam niyang nasasaktan ito ngunit pinipilit pa ring maging masaya. "Hindi ba tayo sasama sa kanila?" takang tanong ni Lucas habang tanaw palabas ang mga bata kasama sina Kira at Jaycee. Nakangiting umiling si Blessa at umayos ng upo. "Kira needs space right now," ani Blessa na sunod pa rin ng tanaw sina Kira. "Bakit?" "Hindi na matutuloy ang kasal n'ya, Lucas," malungkot na saad ni Blessa. "Wala na sila ni Aries," dagdag pa niya. "Ano'ng nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas. "Nalaman kasi ng parents ni Aries ang dating trabaho ni Kira. They're cancelled the wedding 'cause they don't want to drag their family on the scandal that about to happened incase may makaalam ng background ni Kira in the past." "How about Aries?" "Ayon! Takot mawalan ng mana at marangyang buhay kaya ganoon kadaling binitawan ang kaibigan ko." May inis sa tono ni Blessa. Napailing na lang si Lucas at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga. "I know, galit ka rin kay Aries dahil sa ginawa n'ya sa kaibigan mo. Pero, alam nating malakas si Kira. Madali n'yang matatanggap ang lahat, kaya 'wag kang mag alala." "Matagal na niyang boyfriend si Aries bago n'ya pa ako nakilala. Sana nga tama ka, sana mabilis s'yang maka-move on sa sakit," ani Blessa. "Hindi madaling makalimot lalo na't matagal na naging sila." "Mabuti pa, mamasyal na rin tayo para hindi ka na malungkot d'yan. Hayaan mo munang mag-enjoy ang mga bata kasama si Kira," ani Lucas at hinila siya patayo. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Blessa. Alam ni Blessa na paraan ni Kira ang pagdadala sa mga bata para makapag solo sila ni Lucas. Usapan na nila iyon kanina, at dadalhin ni Blessa si Lucas sa fountain na nakita nila kanina pagdating pa lang sa resort. Mabuti na lang at si Lucas na mismo ang nagyayang mamasyal dahil hindi niya alam kung paano yayayain doon ang binata. Kinakabahan rin kasi siya sa kanyang plano. At hiling niyang sana ay maging maganda ang resulta noon. "Saan mo ba gustong pumunta? Mag bar kaya tayo?" ani Lucas pa habang palabas sila ng restaurant. "Alam mo namang ayaw ko sa mga ganoon," nakasimangot na tugon niya sa binata. "Alam ko na!" anito at saka hinila siya papunta sa kung saan. Mas lumapad ang ngiti ni Blessa nang makitang sa fountain ang tungo nilang dalawa. Umiilaw daw iyon tuwing gabi at iba-iba ang kulay. May dalawang kupidong magkaharap at pinapana ang isa't isa habang lumalabas sa suot nilang diapers ang tubig na bumabagsak naman sa ibaba. "Ang ganda dito!" humahangang ani Blessa habang hindi maalis ang tingin sa patay sinding makukulay na ilaw. "Mas maganda ka pa d'yan!" Nakangiting nilingon niya si Lucas na sa kanya rin pala nakatingin. "Alam mo, ngayon ko lang nalaman. Bolero ka pala 'no!" "Totoo naman, ah!" Dipensa ni Lucas. "Dati pa naman maganda ka na-" "Pero, pangit ang nakaraan ko." Putol niya sa sasabihin pa nito. "Ayan ka naman, eh," sabi nitong hinila si Blessa at hinawakan ang magkabilang balikat saka iniharap sa kanya. "Hindi importante sa akin ang nakaraan mo, Blessa. Aaminin ko, kung hindi kita nakilala noon pa. Baka hinusgahan na rin kita, pero alam ko ang mga dahilan mo kung bakit nasa ganoon kang sitwasyon. Mahal kita, Blessa. At hindi rason ang nakaraan mo para pigilan akong mahalin ka," madamdaming pahayag ni Lucas. "Mahal na mahal kita." At habang sinasabi ni Lucas ang mga katagang iyon ay nag uumapaw naman sa puso ni Blessa ang saya. Hindi siya makapaniwalang binibigyan siya ngayon ng Diyos ng isang lalaking tulad ni Lucas. Lalaking tanggap siya at handang mahalin siya ng buo. Kaya naman dapat lang na suklian rin niya ang pag-ibig na handang ibigay nito sa kanya. "Nasasaktan ako kapag dina-down mo lagi ang sarili mo. You deserve to be happy," wika pa nitong haplos ang pisngi ni Blessa at seryosong nakatitig lang sa kanyang mga mata. "Thank you for loving me. Thank you for accepting me and my dark past-" "Sshh..." Lucas cut her words using his tumb. "I love you." "Mahal kita." Napangiti si Blessa ng matigilan ang binata. Mas lalo siyang natawa ng kumurap-kurap pa ang mga mata nito at ilang beses na napalunok. Huminga pa ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. "A-anong sabi mo?" Sa wakas ay nagsalita rin ito mula sa pagka bigla. "Mahal kita," nakangiting ulit ni Blessa habang sapo ang magkabilang pisngi ni Lucas. "Mahal kita. Mahal kita. Mahal-" Si Blessa naman ngayon ang natigilan ng halikan siya ni Lucas. Damang-dama niya ang pagmamahal sa bawat hagod ng labi ng binata sa labi niya. Para siyang inililipad sa alapaap sa bawat halik nito na unti-unti niyang tinugon. Mas lumakas rin ang t***k ng puso niya na akala mo nag uunahan sa karera dahil sa rahas ng pagtibok noon. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal mo ang humahalik sa 'yo. Daig mo pa ang sumakay sa eroplano at lagpas langit pa ang lipad mo. "I love you," usal ni Lucas nang putulin nito ang halik. "I love you," tugon rin Blessa. "I love you." At ginawaran ng marahang halik sa labi ang dalaga. "Girlfriend na kita?" nakangiting anito pa at pinagdikit ang mga noo nila. "Boyfriend na kita!" tumatawang ani Blessa. Aliw na aliw siya sa hitsura ngayon ni Lucas. "Thank you!" sabi pa nito at mahigpit siyang niyakap. "Sobrang saya ko! Hindi ako makapaniwalang girlfriend na kita!" "Kung may dapat mang magpasalamat dito ako 'yon, Lucas. Ito lang ang tanging paraan ko para suklian ang pagmamahal mo. Ang mahalin ka rin pabalik."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD