CHAPTER 2

1509 Words
"Ate, ano 'yan?" tanong ni Abby nang makita si Blessa sa kanilang likod bahay. "Bitter lang?" taas kilay pang sabi nito matapos dungawin ang lata nilang basurahan. "Bitter agad?" alma ni Blessa. "Hindi ba pwedeng not worth it lang kaya itatapon na? Saka nakita mo naman madali lang niya akong pinalitan," naiiling-iling na saad ni Blessa, habang hinuhulog sa apoy ang kanyang mga hawak. Sulat, cards, mga pictures, mga bulaklak na natuyo na pero itinatago pa rin niya dahil bigay ni Anthony ang mga iyon sa kanya. At ngayon nga ay walang pag aalinlangan niyang inihulog lahat iyon sa apoy. "Sayang 'yan! Susunugin mo rin?" ani Abby pa nang makita ang t-shirt sa kanyang balikat. "Para saan pa na itago ko 'to?" natatawang sagot ni Blessa sabay hulog no'n sa apoy. "Ayaw kong makita ang pagmumukha n'ya 'no!" Second anniversary nila noon ni Anthony ng magpagawa sila ng customized shirt. Iningatan niya iyong mabuti pero wala na ring halaga iyon ngayon dahil tapos na ang istorya ng kanilang pag iibigan. "Sabagay. Saka ang laging sinasabi ni mama-" "Maraming lalaki sa mundo. Hindi lang iisa!" sabay na saad nilang dalawa at nagtawanan pa. "Nakuha akong tindera sa grocery store sa bayan. Bukas na ang simula ko," paunang kwento ni Blessa habang hinahagis sa apoy ang iba pang pictures nila ni Anthony. "Talaga? Agad-agad naman. Wala pa ngang isang linggong nakaka-graduate ka, eh." "Kailangan kong magtrabaho agad para makaipon. Para hindi na natin problemahin ang gastusin n'yo ni Rommel sa pasukan." "Bakit kami lang? Hindi ka mag aaral?" nagtatakang tanong ni Abby. "Hindi kaya ni mama na akuin tayong lahat para pag aralin. Kaya kayo na lang muna ni Rommel ang papasok." Natahimik si Abby na waring naisip rin ang mga sinasabi nito. "Mababawasan na ang oras ng bonding natin kapag nagtrabaho ka na," malungkot na ani Abby pa. "Kahit may trabaho na ako, hindi ibig sabihin no'n, mababawasan na rin ang oras ko sa inyo. Para sa atin din 'to. Tiis-tiis lang." "Speaking of school. Pwede ka namang mag-school girl, ah." "Naisip ko na rin 'yon. Kaso paano kayo ni Rommel? Kapag nag-school girl ako pantustos ko lang iyon sa sarili kong pag aaral. Hindi kakayanin ni mama na pagsabayin kayo ni Rommel. Maliit lang ang kita sa paglalabada," paliwanag ni Blessa. Makakaluwag-luwag sana sila kung buhay ang papa nila. Pero nangyari na, eh. Maagang kinuha ang kanilang padre de pamilya. "Basta pagbutihan n'yo ni Rommel ang pag-aaral n'yo. Para naman sulit ang pagod namin ni mama," nakangiting sabi pa ni Blessa. "Syempre naman 'no," tugon ni Abby sabay yakap nito sa kanyang Ate Blessa. "Magtatapos ako para sa susunod ikaw naman ang makapag aral. Kapag naging nurse na ako, matutulungan ko na rin kayo ni mama. Promise ko 'yan!" Nakangiti pang dagdag nito. Matapos masunog lahat ng mga kalat ay pumasok na ang magkapatid sa loob. Naabutan pa nila ang ina na nakaupo sa silyang kawayan nila. "Mukhang pagod na pagod ka, ma," puna ni Blessa matapos magmano sa ina. "Oo nga, eh. Ang dami kasing labahin ni Ma'am Jackielou kanina." "Ma, kain na po. Nakahain na 'yong pagkain," tawag ni Abby mula sa kusina. "Ang swerte ko talaga sa mga anak ko. Ang sisipag!" tuwang-tuwang ani Grace pa. Patayo na si Grace ng bigla itong makaramdam ng pagkahilo. Mabuti nalang at naroon pa sa tabi niya si Blessa at naalalayan agad ang ina. "Ma, okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Blessa dito. "Pagod lang siguro 'to, anak. Kakain lang ako saka magpapahinga. Bukas ayos na 'ko," nakangiting saad Grace. Habang kumakain ay ikinuwento ni Blessa ang pagkakatanggap niya sa bayan bilang tindera. Malungkot man si Grace dahil naaawa sa maagang pagtatrabaho ng anak, masaya pa rin naman siya dahil responsable na talaga ang panganay niya. "Pasensya na kayo mga anak, ha. Kung nandito lang ang papa n'yo, lahat kayo sana makakapag aral pa," malungkot na saad ni Grace habang isa-isang tinitingnan ang tatlo sa hapag. "Ayos lang 'yon, ma. Saka kahit ano'ng edad naman pwede pang mag aral. Mag iipon po ako para makapag aral sa susunod," si Blessa. Tulog na ang lahat ngunit si Blessa ay hindi pa rin dalawin ng antok. Naiisip kasi niya ang mga mangyayari sa kanya ngayong magtatrabaho na siya. "Pa, bantayan n'yo po ako sa trabaho. Pati si mama at mga kapatid ko." Dasal ni Blessa habang nakatingala sa langit. Madali namang nagamay ni Blessa ang trabaho sa grocery store. Magaling naman siya sa math at madali lang ang kwentahan sa kanya. "Blessa, kapatid mo hinahanap ka," tawag ng kasamahan nito nang lumapit sa kanya. Lumabas si Blessa at nakita niya si Rommel na mugto ang mga mata at parang kagagaling lang sa pag iyak. "Mel, bakit?" kinakabahang tanong niya sa kapatid. "Si mama, ate. Sinugod sa hospital ng pinaglalabahan niya. Bigla daw nahimatay," naiiyak na kwento ni Rommel. Natutop ni Blessa ang bibig, biglang siyang nanghina. Kaya pala kanina pa siya hindi mapakali. May nangyari na palang masama sa mama nila. Narinig naman iyon ng amo niya kaya bago siya umalis ay binigyan nito ng pera si Blessa at iaawas na lamang daw sa susunod na sahod niya. Nag-half day na lang siya para mapuntahan agad ang ina. Nang makarating sila ni Rommel sa hospital ay sinalubong agad sila ni Abby. "Si mama?" tanong agad ni Blessa. "Nasa ward si mama, ate. Nandoon rin 'yong doktor at ikaw ang gustong makausap," ani Abby. Agad silang nagtungo sa ward at tama namang palabas ang doktor. "Ikaw ba ang ate nina Abby?" tanong nito. "Opo, doc. Kumusta po ang mama ko?" "May phoenomonia ang mama n'yo at kung 'di maagapan ay mauuwi iyon sa tuberculosis," paliwanag ng doctor. "Naglalabada po kasi siya, doc," si Blessa. "Isa 'yon sa mga dapat iwasan, iha. Para hindi lumala ang sakit niya. Kailangan ng pahinga ng mama mo. Kumain ng sapat at masustansyang pagkain." Marami pang ipinaliwanag ang doctor kay Blessa at matapos ibigay ang mga reseta ay umalis na rin ito agad. Dahil may dala namang pera ay agad bumili si Blessa ng mga kailangang gamot. Ibinili na rin niya ng pagkain ang mga kapatid at pinauwi ang mga ito dahil bawal magtagal si Rommel sa hospital. Nanlulumong naupo si Blessa sa upuang naroon sa labas ng ward. Gusto niyang maiyak sa sari-saring nararamdaman. Dalawang libo ang pinabale sa kanya kanina at ngayon singkwenta pesos nalang ang natitira. Wala na siyang sasahurin ngayong buwan kung sakali. Muling bumale si Blessa sa amo para sa paglabas ng ina sa hospital. At dahil kulang ang budget ay suma-sideline pa si Blessa sa karinderya sa bayan kapag nagsara na ang grocery sa hapon. Doon niya nakilala si Vicky. Laging kumakain sa karinderya ang babae kung saan nagtatrabaho si Blessa. "Ito na po ang order n'yo, ate." ani Blessa matapos ilapag ang mangkok ng umuusok pang goto sa harapan ni Vicky. "Alam mo sayang ang ganda mo. Nabuburo ka lang sa lugar na 'to," sabi ni Vicky matapos pasadahan ng tingin ang katawan at mukha ni Blessa. "Highschool graduate lang po ako, ma'am. Gusto ko man pong mag-apply sa mas malaki ang pasahod. Wala naman po akong maipakitang diploma sa college," sagot ni Blessa. "Bakit kaya hindi ka sumama sa 'kin sa Maynila? Sa agency ako nagtatrabaho. Baka gusto mo?" alok ni Vicky. "Agency po?" "Oo, papasa kang modelo. Maganda ka. May hubog ang katawan at matangkad. Tiyak pag aagawan ka!" "Pag iisipan ko po," nakangiting tugon ni Blessa. "Talagang pag isipan mong mabuti. Dahil malaki ang kita doon, kaysa dito na barya-barya lang ang kikitain mo," pangungumbinsi pa nito. Makalipas ang ilang linggo ay muli na namang na-hospital ang ina nila Blessa. Hindi na rin siya pinababale sa trabaho dahil over bale na raw siya sa halos dalawang buwan niyang ipinasok. Habang papasok sa loob ng hospital ay nakabangga niya ang isang babae. Lutang na kasi ang isip niya sa dami ng problema. "Sorry po," ani Blessa at pinulot ang panyong nahulog ng babae. "Blessa?" Napaangat ang ulo niya ng marinig ang pamilyar na boses. Agad siyang napayakap at humagulgol ng iyak nang makita si Vicky. "What happened? Are you okay?" Sunud-sunod na tanong ni Vicky habang hinahagod ang likod ni Blessa. "Ma'am, bukas pa po ba ang alok ninyong trabaho sa akin? Kailangang-kailangan ko po ng pera para sa mama ko," umiiyak na sabi ni Blessa dito. Hinila ni Vicky sa isang upuan si Blessa upang maupo at kumalma. Ikinuwento ni Blessa dito ang ksnyang problema. "Don't worry, Blessa. I'll help you. C'mon, I want to see your mom and don't worry pahihiramin kita ng pera," alo ni Vicky sa kanya. "Talaga po? Salamat po! Babayaran ko po kayo kapag nakapagtrabaho na po ako!" pasasalamat ni Blessa. "Saka mo na isipin 'yon. Ang importante ngayon ay ang mama mo." nakangiting sabi naman ni Vicky habang haplos ang buhok ng dalaga. "Hulog ka po ng langit, ma'am," naluluhang ani Blessa. "Tita Vicky na lang, Blessa. Masaya akong makatulong sa 'yo." "Maraming salamat po talaga." Ang hindi alam ng dalaga ay mag uumpisa na ang kalbaryo ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD