Kabanata 10 Present “Damn, Arella. It must be you. s**t! All this time I thought it was Ce—” “Please, Nix. I'm begging you, huwag mo muna itong sabihin sa mga Ellison. I promise, I'll tell them everything soon.” Isiniwalat ni Arella ang lahat-lahat kay Nixon. Pati iyong hirap na pinagdaanan n'ya noong nanganak s'ya at si Carol lamang ang naging katuwang n'ya pati ang asawa nito. Ganun pa ma'y wala namang pinagsisisihan si Arella sa mga nangyari. Ang pinagsisisihan lamang n'ya ngayon ay ang pagpapakasal n'ya sa ama ng anak n'ya na batid n'yang walang maidudulot na mabuti sa kanilang mag-ina. Hindi pa nga sila ikinakasal pero iniisip na nito ang annulment. Sobrang dismayado si Arella sa kabaliwan ni Sean. Napatitig si Arella sa kasama ng bigla'y parang lumalim ang iniisip nito. Kinak