Kabanata 18 “I can still remember how she tried to end her life back then. Of course kahit sino ang makakita sa kanya sa ganung sitwasyon ay tiyak na pipigilan din s'ya. And in fact s'ya rin ang kasama ko noong araw na iniwan mo ako sa Hawaii ng walang pasabi.” Tahimik lang si Arella habang pinapakinggan ang paliwanag ng asawa. Payapa s'yang nakahalukipkip sa dibdib ng asawa. Medyo nanlalamya pa s'ya dahil imbes na mag-usap sila kanina ni Sean ay nauwi muna sa intense rhapsody ang sana'y pag-uusap. Kaya ngayo'y wala s'yang magawa kung hindi ang pakinggan ang paliwanag ng asawa na may kinalaman kay Cedrine. Isiniksik pa lalo ni Arella ang mukha sa dibdib ng asawa. Kapwa hubo't hubad ang kanilang mga katawan sa ilalim ng makapal na kumot. “So s'ya pala ang nakita kong kayakap mo noon.”