CHAPTER 03

497 Words
"Bakit naman nandito ka?!" Naiinis na tanong ko kay Jasmine ng pumasok siya sa pintuan. "Why? Masaya lang ako eto nag dala pakong cake!" Tuwang tuwang sabi niya pa. Bakit nga ba di siya mag se-celebrate eh sa wakas nasira niya na yung pamilya namin. "Masaya ka dahil galit kami sa isa't isa. Masayang masaya ka dahil sinusumpa ko ngayon sa galit ang asawa ko?" Mapait na salita ko sakanya habang pinipilit maging malakas sa harap niya. "Bakit naman? Ganyan ba ang ganti mo sakin?! Binigyan na nga kita ng information na ikakatuwa mo!" Natutuwa niyang sabi kaya naman napayukom nalang ako ng kamay at pinigilan ang galit. "Bakit ano ba gusto mo?!" Galit na bigkas ko sakanya. Habang nag pipigil. "Gusto ko lang naman na maging sakin ka na!!!" Sigaw niya sakin sabay yakap. "Tama. Yan ang gusto mo...sige." Mapait kong sabi sakanya habang ambang hahalikan na siya ng makita ko bigla sa pintuan si Eliza. Nanlaki ang mata ko. Bigla nalang ako nanigas sa kinatatayuan ko. Umiiyak ang asawa ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Napapikit ako at narinig ko ang pag habol sakanya ni Clyde. "Eliza ano ang na...." Napatigil siya ng makita ang pag kayakap sakin ni Jasmine at napatitig samin. "Eliza!!" Sigaw niya ng bigla nalang tumakbo si Eliza palayo samin...palayo sakin. "Ikaw!!!" Sigaw niya at sinuntok ako. Napasaldak nalang ako. Pero di ako nakaramdam ng sakit. Nasa utak ko parin ang nakita ko kanina si Eliza na nakitang hahalikan ko si Jasmine. Ang umiiyak na Eliza. Feeling ko ngayon nang hihina ako. "Ikaw!! Jericho! Pinsan kita!! Kaya di ko pinag laban dati ang pag mamahal ko kay Eliza dahil nirerespeto kita! Bilang Pinsan ko! Pero ngayon!!! Di nako papayag na saktan mo siya ulit! Kung ayaw mong maniwala sa katotohanan...*tumigil siya sa pag bulyaw niya at tinignan ako ng masama sabay sabing* Wala ng pipilit pa sayo. Mag sisi kaman di ko na sayo ibabalik ang asawa't anak mo!" Mahinahon pero pasigaw na sabi niya sabay habol kay Eliza. Bawat pag sabi ng bibig niya tumatak sa utak ko. CLYDE POV Nabigla ako sa sinabi ko kanina kay Jericho. Sa sobrang pag kabigla ko sumakit tuloy yung dibdib ko. Huminto ako panandalian pero nanlumo ako ng makita kong nakahalandusay si Eliza sa daan. "Elizaaa!!!" Sigaw ko sabay takbo. “Eliza? Gising?” Kinakabahan ko ng tapik sa pisngi niya. Binuhat ko siya at mabilis na sinakay sa sasakyan. Akala ko pa naman hahabulin kami ni Jericho dahil sa sinabi ko pero wala! Wala parin siyang ginawa! Pag may nangyaring masama kay Eliza siya talaga ang sisisihin ko! “DOC!!! NURRSSEE!!! Tulong!” Napapaos ko ng hiyaw ng makarating kami sa emergency room. Binuhat nila si Eliza na wala paring malay at isinalin sa higaan. “Anong nangyari sa pasyente?” Mahinahong tanong ng doctor pero hindi ako mapakali at napapalakad lakad nalang. “Sir huminahon kayo. Anong nangyari?” “Hindi ko alam Doc. Pero nitong nakakaraang araw bigla bigla nalang siyang hinihimatay.” Taranta kong sagot. Agad naman akong napasalubong kila Tita na papalapit sakin. “Anong nangyari?” Tanong din nila. “Eliza! Anak?” Dating pa ng Mama niya kaya naman pinigilan ko muna yung mama niya habang tinitignan siya ng doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD