CHAPTER 04

772 Words
Nasa hospital kami ngayon at nag hihintay na magising siya. Habang sila Tita naman rinig namin ang pag tawag kay Jericho. "Bakit ba ayaw niyang sagutin yung text at tawag ko?!" Nauubos na pasensiyang sabi ni Tita. Mama ni Jericho. "Kung ako sa inyo Tita ititigil ko na yan. Di niya kayo sasagutin dahil kasama niya yung babae niya. Kaya nga nag ka ganyan si Eliza." Galit na sabi ko sakanila habang naluluha. Naaawa na ko kay Eliza sa isip at puso ko sinasabing dapat may gawin ako para sakanya. Pero ano? "Totoo ba yan?!" Gulat na lapit nila sakin. Bigla namang tumayo ang Mama ni Eliza na ikinagulat naming lahat. "Kakausapin ko siya." Di makapag pigil na sabi ni Tita at umalis agad agad. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ “Eliza, gumising ka na.” Nag aalala kong lapit kay Eliza ng maiwan kaming dalawa sa kwarto. Nang una ko siyang makita sa school. Hindi na siya nawala sa isip ko kaya naman lagi ko siyang sinusundan ng tingin kahit san pang sulok ng school namin. Madami ding nakapansin sakanya na kaibigan ko pero sabi ko sakanila ‘sakin siya’. Natutuwa ako pag naaalala ko ‘yon. Hindi ako makapaniwala na siya pala yung nawawalang asawa ng pinsan ko. “Ang ganda mo parin.” Bulong ko habang natutuwa sa pag titig sakanya. JERICHO POV Ano ba yung ginawa ko? Jericho! Ano ba ginawa mo sa asawa mo? Gulong gulo na sabi ko habang umiiyak. Di ko na kasi alam kung sino o ano ang paniniwalaan ko. Gusto ko sanang bumalik sa dating buhay ko kasama sila ni Kaizer. Kaso...bakit tuwing maiisip ko 'yon nangingibabaw yung pag ka suklam ko dahil sa pag sisinungaling niya sakin? *Ring**Ring* "Hello?" Sagot ko sa phone. Pinapunta ako ng Mama ni Eliza sa sementeryo. May sasabihin daw siya. "Tita? Bakit kailangan pa dito?" Tanong ko. Lumakad siya at sumunod naman ako. Nag tataka ako sa kinikilos niya. Actually ngayon umiikot sa utak ko na baka naman ipapapatay niya nako dito dahil sa ginawa ko sa anak niya? Tapos sabay libing na. Sabagay kung mangyari man 'yon. Matitigil na yung problema ko. Hay nako ano ba 'tong pinag iiisip ko? Nahihibang na talaga ko. Napansin kong huminto siya sa tapat ng isang maliit at cute na puntod. Binasa ko ang pangalan. "Jerica Buenavista…" Bulong na basa ko sa pangalan. "Tama..Yun ang pangalan niya. Diba gusto mo siyang makita?" Mahinahon na sabi ni Tita. Nanlaki ang mata ko sa sobrang pag kabigla. Feeling ko may bigla nalang tumulong luha sa mata ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko. "Anak ko.." Matipid na sabi ko at napaluhod ako sa d**o. "Anak ko....anak.." Sobra ang iyak ko ng mga oras na'yon...ngayon lang kami nag kita. Gusto ko sanang mag sorry. Hindi manlang kami nagkita ng mapanganak siya bago siya kunin agad. "Napansin mo ba yung pangalan niya? Sinunod ni Eliza sa pangalan mo. Napakaganda niyang baby." Mahinahong kwento ni Tita sakin habang naluluha din. "At alam mo hanggang ngayon dala parin ni Eliza yung pag kamatay niya. Halos mabaliw nun si Eliza sa pag kawala niya.* Paghintong sabi ni Tita at pinunasan ang luha niya habang nag sasalita siya. Di ko mapigilan ang malakas na pag iyak sa harap ng puntod ng anak ko* Pero pinaalala ko sakanya na 'Eliza hindi lang si Jerica ang anak mo...Mag palakas ka para kay Kaizer..." Dugtong pa niya habang naiiyak na ng sagad. "I-ibig sabihin?" Nagulat na tanong ko habang pumapasok sa isip ko lahat ng mga pilit na sinisiksik na katotohan sakin nila Mama. "Tama. Ibig sabihin dapat may kambal kayong anak kaso tatlong araw lang ang tinagal ni Jerica dahil sa mahina niyang katawan." Sabi niya sabay punas ng luha. "Sa tingin ko naman Jericho matalino kang bata at alam mo ang tama...AT alam ko ding ngayon alam mo kung ano ang totoo." Madiing sabi ni Tita at tumalikod na sakin. "Ibig sabihin ako may kasalanan?" Sigaw ko habang papalayo na siya. Humarap sakin si Tita at ngumiti galing sa pag kakaiyak. "Kung si Eliza nga ni minsan di ka sinisi...Sino ba ko para sisihin ka?" Naiyak nalang ako dahil sa sobrang katangahan. Nag stay lang akong umiiyak doon sa harap ng puntod ng anak ko hanggang gabi. Nag iisip...umiiyak.. "Sorry..." Huling bigkas ko at tumayo habang pinupunasan ang mga luha ko. CLYDE POV "Tita! Nagising na siya!" Sigaw ko kila Tita at tinawag naman ni Tito ang doctor. "Jericho?" Tanong niya habang pinipilit dumilat. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Clyde? Ahm...sorry..kala ko.." Huminto siya sa pag sasalita ng biglang dumating ang Mama niya. "Anak ayos kana ba?" Tumango siya at binaling ulit ang tingin sa pinto. Hinihintay niya dumating yung taong di naman dadating. Napaka selfish ni Jericho para gawin kay Eliza 'to. Bakit kasi siya pa ang napili ni Eliza? Sa dami ng tao sa mundo bakit siya pa? Wala naman siyang ginawa kundi saktan lang si Eliza at hindi niya ‘to deserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD