"Bakit kasi di kana makipag bati aminin mo na nag kamali ka." Suggest niya sakin habang nakatingin din kila Eliza. "Di mo kasi alam." Maiksing sabi ko. "Panong di alam? Simple lang away niyo diba? Nag seselos si Eliza. Edi layuan mo si Erica at kausapin mo na si Eliza. Ganon." Sabi niya at napapikit nalang ako sa kunsumi. "Alam mo kasi Clyde ang babaw ni Eliza. Alam mo wala naman akong ginagawa. Mahal ko siya at kaibigan ko naman si Erica. Ano mali don?" Sunod sunod na sabi ko sakanya. "Para sakin ok lang naman 'yon pero kung nag seselos na yung isa. Pwedeng mali din naman. Pero bahala ka. Sige punta na kong kusina." Sabi niya lang sabay alis. Bakit? Tanungin ko nga kayo. Ano mali doon? Mag kaibigan lang naman kami ni Erica. Si Eliza naman ang lumalayo. Mali bako? Saka ano mali don?