ELIZA POV Katatapos ko lang maligo ng magulat ako naka upo na si Unggo sa kama namin at nakatingin sakin ng masama. "Oh? Bakit naman ganyan ka makatingin?" Gulat na tanong ko sakanya at naupo sa harap ng salamin at nag suklay. "May tinatago kaba sakin?" Seryoso niyang tanong. "Wala. Ano naman itatago ko sayo?" Natatawang sagot ko sakanya habang di makapaniwala nanaman sa itsura niya. "Ano mayron sainyo ni Christian?" Tanong niya ulit kaya napatigil ako. "Pinsan mo siya diba?" Maiksing sagot ko at nag patuloy sa pag suklay habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Bakit ba ko kinakabahan? Wala naman akong ginagawang masama? "Piglet humarap ka nga dito. Kinakausap kita.” Salita niya na, gamit ang malaki niyang boses. Kaya naman naupo na ko sa harap niya at kinakabahang ngumiti s