WAVES OF DISTRESS EPISODE 32 THE ENGAGEMENT AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Ngayon na ang 6th anniversary namin ni Tobias. Maaga siyang bumati sa akin kaninang 5 AM at sinabi niyang nasa kanilang mansion na siya. Ayoko munang makipagkita sa kanya kahit pinipilit niya akong pumunta siya rito sa bahay namin. Hindi ako pumayag dahil maghahanda ako ngayon para sa dinner date namin ni Tobias sa kanyang beach house. Bago ako makauwi rito sa probinsya ay bumili na muna ako ng bagong dress na masusuot ko para sa date namin ng boyfriend ko para naman mag mukhang tao at sosyal ako ng kunti, nakakahiya naman sa boyfriend ko ‘no! Nalaman ko rin na nasa kanilang mansion na ang kaibigan ko na si Sabrina. Gusto ko sana siyang tawagan at papuntahin dito sa amin pero ang sabi ni Tobias ay huwag na dah