WAVES OF DISTRESS EPISODE 31 THE PREPARATION AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Hindi ako natulog. Buong magdamag kong binantayan si Papa rito sa kanyang private room sa hospital. Hindi ko rin mapigilan ang pag buhos ng luha ko habang nakatingin kay Papa na namumutla at natutulog sa kanyang higaan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon. Bakit hindi niya ako inisip? Paano na lang ko? Kahit matanda na ako, kailangan ko pa rin si Papa. Siya na lang ang nag-iisang pamilya na naiwan sa akin. Wala na si Mama, pati ba naman siya ang mawawala na rin sa akin? parang hindi ko kaya na mangyari iyon. Sana bumalik na sa dati si Papa at kung ano man ang kanyang problema ngayon, nandito lang ako para damayan siya. “Hmmm…” Mabilis akong napatayo at lumapit sa kama ni Papa nang makita ko siy