WAVES OF DISTRESS EPISODE 19 LET’S LIVE TOGETHER AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Wala pa rin ba si Kuya Kai, Amara? Magsisimula na ang graduation ceremony ninyo!” sabi ni Sabrina habang karga-karga ang kanyang pamangkin na si Gabriel, ang anak ni Gabriella at Baste. Sa loob ng dalawang taon ay nalaman namin na may isa pa palang kapatid si Tobias at Amara at iyon ay si Baste. Lahat kami ay nagulat lalo na nang malaman naming ang may gawa pala kung bakit nalayo si Baste sa mga Generoso ay ang pamilya ni Gabriella. Kasal na si Baste at Gabriella pero nang dahil sa mga rebelasyon ay nagkalayo silang dalawa, umalis si Gabriella at sumama siya sa kanyang pamilya. Si Baste ang naiwan kasama ang kanyang anak na si Gabriel at nakabalik na rin siya sa kanyang totoong pamilya. Muli ring bumalik