WAVES OF DISTRESS EPISODE 20 THE PROMISE RING AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Sa pagbalik ni Tobias sa Manila ay sumama na ako sa kanya. Pumayag naman si Papa sa pagsama ko kay Tobias dahil matanda na raw ako at kaya ko na rin mag desisyon sa mga gusto ko sa buhay at suportado niya ako palagi. Sa Coleman Condominium nakatira si Tobias at may sarili rin siyang unit doon kung saan kami tutuloy. Habang wala pa akong trabaho at naghahanap pa ako ay naging instant katulong muna ako ni Tobias dito sa unit niya kahit hindi niya naman ako pinipilit. “Amara, ayaw mo ba talagang mag trabaho sa kompanya ko? May mga bakante namang pwesto doon,” sabi ni Tobias habang kumakain kami sa aming hapunan. Nakailang offer na siya sa akin na sa kompanya niya na lang ako mag ta-trabaho pero hindi ako pumay