WAVES OF DISTRESS EPISODE 13 THE CONFIDENCE OF AMARA AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Tulala ako habang nakatitig sa aking hawak na papel, ang love letter na ibinigay sa akin ni Tobias Kai Generoso. Nandito na ako sa kwarto ko at hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Kapag naman pinipikit ko ang aking mga mata ay siya pa rin ang aking nakikita, nakikita ko ang kanyang matamis na ngiti habang nakatingin sa akin at hindi ko mapigilan na mahulog lalo sa kanya. Padabog ko na inilagay sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng aking kama ang sulat ni Tobias para sa akin. Muli na akong napahiga sa aking kama at napatingala sa may kisame at bahagyang ngumuso. Magpapaligaw na ba ako kay Tobias? Gusto ko na ligawan na niya ako, pero natatakot ako… natata