WAVES OF DISTRESS EPISODE 14 THE POWER HE HOLDS AMARA GEORGINA'S POINT OF VIEW. “Mahal din kita, Tobias, gusto kitang maging boyfriend.” Pagkatapos ko iyong sabihin kay Tobias ay kaagad akong tumalikod sa kanya at tumakbo palayo. Hiyang-hiya na ako at gusto ko nang umalis doon at lumayo sa maraming tao na nanonood sa amin. Rinig na rinig ko ang kanilang mga usap-usapan sa pag amin ko kay Tobias at hindi ko kaya ang pinagsasabi nila tungkol sa akin. “Amara!” rinig kong sigaw ni Tobias sa aking pangalan. Umiiyak ako habang patuloy sa aking pagtakbo palayo kay Tobias. Nakalabas na ako sa aming building at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napagpasyahan kong pumunta roon sa pinagdalhan ni Tobias sa akin, sa likod ng lumang building. “Amara, wait!” rinig kong sigaw ni Tobias. Sinusun