"WHAT movie do you want to watch?" Hindi magawang makasagot si Faith sa tanong na iyon ni Xavier. Nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na manunuod silang dalawa ng movies. Kanina nga ay hindi siya makapaniwala ng yayain siya nito na manuod sila. "Are you sick, Sir Xavier?" hindi napigilan ni Faith na itanong iyon sa binata. Hindi naman ganito si Xavier dati. Kahit ilang araw lang silang magkasama ay alam na niya ang ugali nito. Wala sa personality nito na magyaya na manuod. Hindi siya nito i-a-approach ng ganoon. Kung i-a-approach man siya nito ay kapag may kailangan ito sa kanya o kung hindi naman kaya ay may gusto itong iutos sa kanya. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung manibago man siya sa kinikilos nito. Mukhang may side