Nang matapos akong ayusan ni Lhen ay agad na din akong lumabas sa aking dressing room. Nakasalubong ko naman si Airen na may kakaibang ngisi sa mga labi, kasama nito si Josephine, ang secretary ng vice President ng kompanya na si Chelsey Mendoza. Dalaga pa ito at sa tingin ko ay matanda lang ng limang taon sa akin. Tinaasan ko ang mga ito ng kilay at binangga ang balikat ng ambisyosang si Airen.
"Tssssk" inikotan ko pa ito ng mata.
"Ang yabang mo talaga na kabit ka.." Aniya na at pinigilan ako sa braso.
" Get off your filthy hands on me" asik ko sa kanya.
"Paano kung ayaw ko?" matapang naman niyang sagot sa akin.
"Ang tapang mo naman, hindi mo ba alam na hanggang ngayon na lang ang tapang mo. Sigurado ako na sa susunod na araw ay takot ka na sa amin" sabat ni Josephine na humahalakhak pa at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"At bakit naman ako matatakot sa inyo aber?" asik ko at inalis ang kamay ni Airen na nakahawak sa akin.
"Really? Tignan ko lang ang tapang mo pag ang anak na ni sir Marcus ang makakaharap mo. At ano din kaya ang magiging reaksyon ng anak ni sir na ang sikat at paboritong modelo ng daddy niya ay kabit pala." napatda naman ako sa sinabi nito.
'So totoo ngang bababa na si Marcus sa pwesto nito at ipapasa na sa anak niya.'
"See, wala kang ka alam alam dahil ang kati mo ang inuuna mo. Alam mo girl payo ko lang sayo. Mag balot balot ka na. Dahil ang isang kabit na kagaya mo ay wala nang puwang sa kompanyang to." nakangising saad ni Airen sa akin.
"And so? Ano naman ngayon kung ang anak na ni Marcus, ang namamahala dito? Dapat kayong mga hito ang umalis dito, doon kayo sa ilog pasig at linisin niyo ang mga dumi at basura. Dahil doon na babagay ang mga pangit na katulad niyo." wika ko at akmang tatalikod na sa mga ito nang hilain ni Airen ang buhok ko.
"Ang yabang mo talagang babae ka, matagal na akong nagtitimpi sa kayabangan mo. Tignan natin ngayon kung hanggang saan ang yabang mo." gigil na sambit sa akin ni Airen.
"Let go of my hair b***h. Wag mong hintayin na maka wala ako sayo dahil ilalampaso talaga kita ng tudo." sigaw ko dito at hinila din ang buhok nito.
"Aba matapang kang babae ka ha" saad naman ni Josephine at tinulungan si Airen na.
"Bitawan nyo akong dalawa, mga walang hiya kayo. Ganyan ba kayo katakot sa akin at hindi niyo ako kayang harapin na mag isa ha." pilit kong tinatanggal ang kamay ni Airen sa aking buhok dahil sobrang sakit na ng anit ko. Nang makakuha ako ng tiyempo sinipa ko ito sa paa kaya agad naman akong nabitawan nito. Kinuha ko naman yun na pagkakataon at hinarap si Josephine, saka pinagsasampal sa magkabilang pisngi. Nagbabaga ang mga mata ko dahil sa galit, maliban sa papa ko wala pang ibang tao ang may dumapo sa akin para saktan ako.
"Aray! tama na ano ba!" sigaw niya habang hinaharang ang braso sa mukha niya.
"Hayop kang babae ka." akmang susugurin ako ni Airen ng sipain ko ulit ito sa bandang puson. Binitawan ko si Josephine at siya naman ang aking hinarap.
"Hindi ba sabi ko kanina na ilalampaso ang mukha mong hito ka." saad ko at hinawakan ito sa buhok at itinulak sa sahig. Nang matumba ito doon ay muli ko itong sinabunutan ang pilit na ginudngod ang kanyang mukha sa makinis na sahig.
"Ayan ang nararapat sayo na hito ka." gigil na saad ko sa kanya.
"Bitawan mo siyang makandi ka." napabitaw naman ako kay Airen ng hilain ako ni Josephine.
"Ay! Bitawan niyo si Xhymich." narining kong sigaw ni Jean.
"Lhen dali humingi ka ng tulong para awatin ang dalawang pangit." dugtong pa niya.
"Bitawan mo ang amo kong hayop ka."Hinila din Jean ang buhok ni Josephine habang kami naman ni Airen ang magkaharap at naglalaban na dalawa.
"Malandi ka! akala mo ba ipagtatanggol ka pa rin si sir Marcus." aniya sa akin at mas hinila pa ang aking buhok.
"Wala akong pakialam kung ipagtatanggol niya man ako o hindi. Ang importante mababasag ko yang pag mumukha mo." asik na saad ko.
"Bitawan mo akong kabit ka." angil niya sa akin.
"What is happening here?" sigaw ng isang boritong boses na nag patigil sa amin.
"Ganito ba ang mga empleyado sa kompanyang to? Kayong apat pumasok kayo sa opisina ko." utos nito. Doon na ako nag angat tingin. Ngunit ganon na lang ang gulat ko nang mag tama ang tingin namin ng lalaking hindi ko inaasahang makita dito.
"A- austin.." mahina kong sambit sa kanyang pangalan.
"Go. To. My. Office. Now." mariin at malamig na ulit na utos nito saka tumalikod sa amin. Napalunok ako ng laway at napa hilamos sa akin mukha.
"my god, what did I do?" bulong ko sa aking sarili. Buntong hininga akong tumingin kay Jean na magulo ang buhok. May punit din ang damit nito sa bandang harapan. Samantalang masakit naman ang tingin sa akin ng dalawa na ngayon ay puno ng galos.
"Let's go Airen, baka naghihintay na sa atin ang anak ni sir Marcus." natigilan ako sa sinabi niya.
'Si Austin ang anak ni Marcus? Lalo akong nilukob ng kaba, paanong siya ang naging anak ni Marcus. No, hindi pwede na siya ang anak ni Marcus.' kagat ang ibabang labi na saad ko.
"Halika na Mich, baka lalong magalit ang bago nating boss." aya sa akin ni Jean.
Nanginginig ang tuhod na humakbang ako papunta sa opisina ni Austin. Nilalaro ko ang aking mga daliri at naka yukong papunta sa opisina niya. Kumatok muna si Jean bago binuksan ang pinto.
"Halika na, pumasok na tayo." hinawakan niya ang nanginginig kong kamay at pinisil iyon. Para bang sinasabi niya na kaya mo yan nandito lang ako. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Mauna ka na mag ba banyo lang ako." nakangiting saad ko.
Nauna ng pumasok si Jean at ako naman ay pumunta saglit sa comfort room. Tinignan ko ang aking sarili, marami din akong galos sa katawan, at ang gulo gulo ng buhok. Pumikit ako at kumuha ng isang malalim na hininga bago lumabas.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Kumpleto na sila doon sa loob. mag kaharap na nakupo si Airen at Jean sa dalawang upuan sa harap ni Austin. Nakaupo naman di Airen sa kaliwang bahagi ng mesa ni Austin samantala naka tayo naman sa likod nitong si Josephine na nakangisi sa akin.
Tumayo si Jean upuan para ako naman papaupuin niya.
"Can someone tell me what's going on?" tanong niya habang sa akin nakatingin.
"Nauna kasi yang malandi na yan sir. Hindi namin alam kung bakit ang laki ng galit niya sa amin." wika ni Airen dito.
"Aba't sinungaling kang babae ka! Ikaw itong itong malaki ang galit kay Mich dahil na i-inggit ka." pagtatanggol naman sa akin ni Jean.
"Ikaw hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo?" Austin asked me.
"Hindi, nasa sa iyo na yon kung maniniwala ka sa dalawang hito na yan." mataray kong sagot sa kanya.
"Ganyan ba ang pakikitungo mo sa boss mo Xhymich Fernandez? Hindi ba masyado ka namang nakakabastos?" tiim ang bagang na tanong niya na binanggit ang buo kong pangalan.
"Look, Austin. Wala na akong paki alam kung ano man ang tingin mo sa akin dahil ko na mababago yun. Now! kung tapos ka na aalis na ako para magpagamot tong mga sugat ko." wika ko at tumayo ng padamog.